[1] Jazrille Ramos

13.3K 150 1
                                    

Jazrille's POV

"Aish!" I cursed under my breath at kinakapa ko yung alarm ko. Nasaan na ba iyon? Ugh! Minulat ko na ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko kaya hindi ko naiwasan ang mapasigaw! May nakita lang naman akong gwapong nilalang dito sa loob ng kwarto ko at nakatayo sa harap ng kama ko. Sino nga naman ang hindi magugulat?

"Babe naman para kang nakakita ng multo ah? Gumising kana! Sinusundo na kita!" Sabi naman ni Calvin, ang boyfriend ko. Routine na nya ang sunduin ako araw araw pero minsan lang sya pumapasok sa kwarto ko, at iyon ay kapag maaga syang dumarating.

"Ang aga pa kaya baby." I kissed him on his cheeks while trying to comb my hair using my fingers. Tumingin sya sa akin at tsaka nya ako tinulungan na ayusin ang buhok ko.

"May pasok pa tayo kaya maligo kana or else iiwan kita dito." May pagbabanta sa tono nya. He's always using this kind of voice in me kapag naiinip na sya at gusto nya akong magmadali. Ako naman kasi ang pinaka-makupad sa lahat.

"Hahaha oo na po, maliligo na." At ayun nga, masunurin ako. Takot ko na lang na iwanan niya ko . Pumasok na ko sa cr, siyempre naligo na ako. Baka iwan nga ako nun. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo.

Ako nga pala si Jazrille Rain Ramos. I'm studying in an international school, dito kasi may high school eh at ito na yung pinakamalapit sa tinitirhan namin dito sa Pilipinas. I'm already a 4th year student and running for valedictiorian. At yun gwapong nilalang na nag invade ng room ko ay si Calvin Co, boyfriend ko.

Sinusundo na nya ako kasi iyon ang sabi ng Daddy ko. One year na din ang aming relationship and magtagal pa sana. Alam kong masyadong bata pa para mag boyfriend ako pero wala eh, ganito ang kinalabasan. Hindi naman rin ako nagpapabaya sa pagaaral. I still want to make my parents proud.

"Jaz! Ang tagal mo naman!" Oops! Galit na sya. Binilisan ko na yun pagliligo ko kasi baka malate din kami. Classmates kami nyan!

"Tapos na po. Baka gusto mong lumabas dito sa kwarto ko?" Kunwaring masungit na sabi ko.  Hindi naman sya natinag sa pagupo nya at sinimangutan pa ako.

"Tss, magbihis ka jan." Aba! Etong lalaking to talaga! Hindi ka mananalo dito eh.

"Sige lang wag kang umalis, babagalan ko pa lalo." Mabilis pa sa pag momove-on ng karamihan ang pagtayo nya. Nagtatakutan lang talaga kami dito eh.

"Hahaha. Eto na aalis na." Good, kala ko hindi sya aalis eh. So nagbihis na ako at nagsuot ng uniform. Nag-ayos pero hindi ako naglalagay ng makeup.  Maganda na kasi ako. Inborn na inborn ang kagandahan ko. Kidding!

"Let's go baby!" Hinawakan niya yung kamay ko at sumakay na kami sa kotse niya. May driver sya siyempre. Nagtataka siguro kayo kung bakit nakakapasok sya sa bahay ko, specifically sa kwarto ko. Kilala kasi sya ng parents ko. Bestfriend ko sya dati pero ayun nainlove so naging kami. Kilala din naman ako ng parents nya ang guess what? Pinagpaplanuhan nila kaming ikasal pagdating 18. Pwede kasing magmerge yun companies namin.

Talking about companies. Ang company namin ay mga damit at sapatos. Clothing line kumbaga. May sarili din akong botique sa mga malls. Meron din kaming airlines na si Daddy ang namamahala na kasama naman ni Kuya. Si mommy ang nagpapalaki noong clothing line kasama ako. Yung kila Calvin naman, hotel and restaurants. Since may restaurants silang business, pwede sila sa mga malls namin kaya naisipan nilang magmerge.Pero matagal pa naman yun.

"Hey baby, mukang ang lalim ng iniisip mo ah." Sabi nya. Dahil sa malapit na kaming magcollege, nagiisip na ako ng kukuhanin kong course.

"Wala naman, nag iisip ako kung anong course yun kukunin ko."

"Uh, ako din eh. Pero gusto nila Dad mag engineering ako so baka dun na lang ako." Sabi nya. Magaling talaga sya sa Math at mahina naman ako dun. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit kailangan pang isali ang mga letra sa mga numbers tapos tsaka mo isosolve. Nakakabobo diba?

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon