Umalis ka na. Tumalikod ka na at maglakad palayo. Iwanan mo na ko, mahal. Hanapin mo ang kaligayahan na hindi mo naramdaman sakin. Damhin mo ang pagmamahal na sa kanya mo lang mararanasan. Ang bawat hagod at haplos ng kamay na hindi ko sayo naibigay. Ang pagmamahal ko na hindi pa din sumapat para sayo. Ang lahat ng ginawa ko na kulang pa din sa paningin mo. Luluwagan ko na ang kapit ko. Maaari ka ng tuluyang bumitaw at lumayo. Mahal na mahal kita pero kulang pa pala. Ngayon, malaya ka na.