Chapter 38: Lie

4.8K 163 41
                                    

Chapter 38: Lie

Daphnie Kisha's Point of View

7:30 ang first class namin. Balak nilang dumiretso muna kami sa bahay ng Newton dahil wala silang mga school uniform. Since maaga pa naman, go lang!

"Are you okay?" I asked Anthony

Nasa byahe kami papunta sa bahay ng newton, he is beside me, nakaupo kasi ako sa may window. Nakatungo lang siya at papikit-pikit ang mga mata.

"My head hurts a little.." tipid niyang sagot

"Mine, too." sabi ni Joseph na katabi ni Anthony sa right kaya napatingin din ako sa kanya.

"Remove your heads, bring them back kapag hindi na masakit" Michael joked

I rolled my eyes, "Funny"

He just smirked.

Nilingon ko ulit yung dalawa, "What time kayo natulog?" tanong ko

"We didn't" Iling nila

Natahimik naman ako. Maybe they're not comfortable. The hell, Daphnie. Who would even be comfortable to sleep in your small condo? I mentally slapped myself.

"You are over thinking, stop it" Anthony whispered, "we didn't sleep because we were talking about something"

"and that something was?" tanong ko

He slightly smiled and patted my head, "boys talk, darling"

Napatango ako. "Oh, okay" I just shrugged my shoulders at tumingin na lang sa may bintana.

Pagdating namin sa house, naabutan namin yung iba na kumakain na, nakabihis na sila. The five of them immediately went upstairs.

While me? Gonna eat with them. Yay

"Daphneng! Dito ka umupo" tawag sa akin ni Chikito sabay turo sa katabi niyang chair, nakaupo doon si Kekem.

Kekem stood up and gave his chair to me.

"Kakain kang nakatayo!?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Kekem

"Anong gusto mo kumain akong nakahiga? hahaha! Umupo ka na bago magbago isip ko" then he winked

Napailing ako at umupo sa tabi ni Chikito na kumakain ng ... Oh gosh what is that?

"What are you eating?"

"English pa, sasapukin na kita!" bulyaw niya

Nabalik naman ako sa senses ko. Oo nga pala! I forgot! 

"I mean... Anong kinakain mo? Sunog?" natatawang tanong ko ulit, but of course, Filipino na this time hehez

"Sunog na hotdog! Paano naman kase wala si tep tep! Walang marunong magluto. Mga kasama ko, walang silbi hayup!" reklamo niya na busangot ang mukha.

"Wow nagsalita ang may silbi" pinaikot ni Bentot ang mga mata niya kay Chikito, "Ako nga tsaga tsaga dito sa stick-o kesa kainin yang luto mong mukhang abo" aniya

"Tantado!!" Chikito shouted

Natawa ako at bumaling kay Chikito, "Ikaw pala nagluto nito?" tanong ko habang nakatingin sa mga hotdogs na nakahain sa table. "let me taste it.."

Chikito's eyes widened, "Alam ko ibig sabihin non! Titikman mo? Totoo!? Hindi yan sati ah!" he really can't believe it, ngiting-ngiti siya sabay abot sa akin nung fork na may hotdog.

"Ok! Yumuko tayong lahat at itaas ang kaliwang kamay papunta kay Daphnie. Halina't ating ipagdasal ang kaluluwa niyang malapit nang dumiretso sa sulad sa oras na kainin niya ang niluto ng ating pinakamamahal na kaibigang si chikito" sabi ni Kekem habang nakatayo sa itaas ng chair.

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon