*tula accent* Abnormal man kung inyong sasabihin, pero dedicated talaga ito sa akin. *bow*
HAHAHAHA.
------------------------------------
IRON59 [ONE SHOT]Papalakas nang papalakas yung ingay sa classroom namin habang lumalapit ako.
"Ano ba kasi yung sagot?"
"Hindi ko rin alam eh."
"Clue naman dyan."
Lagi naman na yan yung mga maririnig mo sa loob ng room namin. Mahilig ang klase namin sa mga tanong na mala-detective. Nakakacurious kasi.
"Alam ko na!"
"Galing ah!"
Pagkapasok ko, as usual, magulo. Ganyan klase namin eh, masaya.
Bago ako umupo, lumapit sa akin Anne, bestfriend ko.
"Jei, tulungan mo nga ako dito, nahihirapan akong magsagot." Tapos sinabi niya yung tanong. Dali lang pala. Nang masagot ko naman ay tinanong ko siya.
"Kaya mo naman sagutin 'yan ah? Siguro kaya hindi mo nasagot kasi..." pang-aasar ko pa. Namula naman siya at tumango. Tss. Lumalove life ang bestfriend ko.
Umalis rin naman siya agad.
Umupo na ako sa upuan ko saka nilibot ng tingin ang mga tao sa room.
At as usual, kaagad niya nakuha ang atensyon ko.
Peste lang talaga.
Napatitig ako ng ilang segundo sa kanya. Ano bang nagustuhan ko sa kanya? I dunno. Basta nagising na lang ako na narealized kong ...
gusto ko siya.
First day ng pagiging highschool ko ngayon.
Naglakad ako para hanapin ang classroom ko pero peste... naligaw yata ako.
Ang lawak kasi ng school. Nahihiya pa akong magtanong.
May nakita akong lalaki na tingin ko ka-age ko rin naman na nakaupo sa isang bench kaya lumapit ako.
"Uhh... Excuse me?" Sabi ko.
Napatingin siya sa akin ng matalim. "Bakit?" Cold niyang sabi.
Nakakatakot naman 'to. "Saan yung room ng mga freshman?" Kahit na medyo natakot ako ay nagtanong pa rin ako.
"Malay ko." Masungit na sagot niya.
Anong problema nito?! Parang magtatanong lang eh!
Napanguso ako ng mga ilang segundo para pigilan ang galit ko. Napatingin ako sa kanya, tinitignan niya lang ako. Napabuntong hininga ako ng malalim.
"Tss. Salamat na lang." Pero may sariling buhay yung bibig ko at nagsalita pa. "Sungit."
**
Matagal na rin akong naglalakad kaso hindi ko talaga makita yung room ko. Napatingin ako sa relo ko.
"Peste.. Late na 'ko." Di ko napigilan magsalita. First day na first day pa naman!
Mabilis akong tumakbo hanggang sa...
*boogsh*
nadapa lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Iron59 [OneShot]
Teen FictionIsang tanong, isang nakakakilig na sagot. © 2013 YourIdiotGirl