12. MAGIC Flash

87 5 0
                                    

THAT BRASO!!!! MAYGATT THAT LOOK!!! PATAY NA TALAGA AKO. KAIYAK!!! PANO HUMINGA!
/crdts to The8 World/


<\ The8 POV />

Umaga nanaman. Pero iba ang Pakiramdam ko ngayon.

Siguro dahil nandito ako sa Korea.

Kaya masigla akong bumangon at nag-inat.

Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. Nanibago ako bigla. Eto ba yung kulay ng kwarto na tinutuluyan namin pag-umaga?

Hindi ko na nga lang iyon pinansin. Dahil siguro madilim kagabi at pumapasok ang sinag ng araw mula sa bintana.

Marahan kong binuksan ang pinto.

" Oh? Hao! Tanghali na ah! Bat ngayon ka lang nagising? "

Si Wonwoo Hyung ba yun?

Nanlaki ang mata ako, muli kong sinara at ni-lock ang pinto. Tinapik tapik ko ang mukha ko kung panaginip lang ba ito, kaso hindi, ang sakit eh.

Humanap ako agad ng salamin sa loob ng kwarto.

Mukhang nasa kwarto ako ng HipHop team. Sa cabinet ni Vernon ako nakahanap ng salamin.

Tinitigan kong mabuti ang mukha ko.

Totoo ba ito?

Nakabalik na ba talaga ako sa katawan ko?

Hindi talaga toh panaginip?

Knock knock knock.......

" Hyung! Buksan mo ito, magbibihis na ako! " boses ni Hansol un.

Binalik ko na ang salamin at inayos ang gamit nya.

Kung totoo man ito o hindi, handa akong tanggapin ang katotohanan.

Binuksan ko ang pinto.

Bumungad ako ng napaka-laking ngiti sa kanya.

" Oi Hao! Baket tanghali ka na nagising? " tanong nanaman ni Wonu Hyung.

" Oo nga Hyung, siguro nagpuyat ka kagabi noh? " ngumiti naman si Dino ng nakakaloko

Mukhang alam ko na ang gustong ipalabas ni Dino. Binigyan ko lang sila ng walang ekspresyon na mukha. Dumiretso akong banyo.

Huminga ako ng malalim.

Totoo nga. Nakabalik na nga ako.

•••||•••||•••||•••||•••||•••||•••||•••||•••||•••||•••||

Pangalawang araw. Itu-tour ang mga bisita sa Seoul. Habang hinihintay pa namin ang sasakyang bus para sa Tour, sumusulyap sulyap ako kay Jas. Sa palagay ko di na sya nabigla sa nangyari ngayon.

Nakabalik na kami sa sarili naming mga katawan.

Ang sigla sigla na nga nila ng kaibigan niya. Malamang kase namiss nya yun.

" Ehem " si Gyu.

" Oh? Gyu-ssi? "

" Titig na titig ka kay Jas ah~ Ano, gusto mo na ba? " sabay taas baba ng kilay niya at ngumiti ng nakakaloko

" Anong gusto- Ako? Tss. Di noh?! " pagtanggi ko. Kahit di naman talaga

" Kase alam mo ba kahapon. Dahil nga raw sayo kaya raw sya naging Carat. Diba sya rin yung babaeng naka-usap mo nun sa Pilipinas? " pfftt. Ako ren yung kausap nyo kahapon eh.

" Hindi rin " tapos ay napatingin ako kay Junhui Hyung na nakatingin rin sa akin. Nginitian ko naman sya.

" Hao! Tabi tayo! " ginitgit ni Joshua Hyung si Gyu.

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon