"Anong gusto mong kainin?" I asked Chanyeol.
"Ha? Wag na, salamat nalang. Nakiinom lang ako ng tubig."
"Hindi, sige na. Teka, magluluto ako.." kahit hindi ako marunong. Binuksan ko yung ref para kunin ang mga ingredients.
Shoot! Wala nga palang laman ang ref ko at nakalimutan kong mag-grocery! Nasa mall na ako kanina, kinalimutan ko pa. Damn it.
"Wala palang laman ang ref ko. I forgot mag-grocery. Sorry." ngumuso ako at tumabi sa kanya sa sofa. Hindi ko maiwasang hangaan ang tangkad niya. Grabe, kahit nakaupo na kami, hanggang balikat niya lang ako!
"Okay lang. Ikaw lang mag-isa dito?" tanong niya at nilibot ang mata niya sa condo ko.
"Oo eh."
"Bakit ka nag-condo? Ayaw mo ba sa bahay niyo?"
"Gusto ko kasi maging independent. Tska, boring sa bahay namin. Only child lang ako, yung daddy ko laging nasa trabaho. Mga maids lang palagi ang kasama ko sa bahay. You know, nakakasawa ang ganung lifestyle." kaswal na sabi ko.
"Ganun? E asan ba ang mommy mo?"
"She's already deceased."
"Oh.. Im sorry." nakayukong sabi niya.
"Nah, its okay. It was 2 years ago. Magti- 3 years na nga. I've already moved-on." nakangiting sabi ko para makampante siya.
"Hindi ka ba nalungkot?" nagtatakang tanong niya.
"Syempre nalungkot. Sino ba namang hindi kung mamatayan ka ng mahal mo sa buhay, and worst, mommy mo pa. It took me 1 year to accept it. Wala naman kasing mangyayari kung palagi nalang akong nagbebreakdown tuwing si mommy ang pinaguusapan." there's a hint of sadness in my voice.
Tumango-tango siya at di na nagsalita. Mukhang malalim ata ang iniisip niya. Kung titignan siyang mabuti, ang gwapo niya din. Gwapong cute siya. May abs kaya siya? Joke. Pero seryoso, may girlfriend kaya siya? Ayoko naman siyang tanungin. Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya. Hell no. I think, bagay sila ni.. Trixy! Kasi parehas silang joker. Pareho silang masaya kasama.
"Dont look at me like that." Chanyeol said while grinning.
I blinked twice. Tinititigan ko na pala siya.
"Oh, sorry." I said, smiling.
"Bakit mo ko tinititigan? Type mo 'ko no?" Tapos siniko siko niya ako ng mahina. Pang-asar lang.
"No way! Bagay talaga kayo ng kaibigan ko, parehas kayong conceited." natatawang sabi ko.
Sumeryoso naman ang mukha niya. Uh-oh. Did I said something wrong?
"Bakit sa kaibigan mo ako bagay? Bakit hindi sayo?"
Seryoso ba siya? Seryoso ang boses niya ng sinabi niya 'yun eh. Grabe, agad-agad Chanyeol?
"Joke!" biglang sabi at tawa niya.
Phew. Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang. Dahil kay Josh lang ako.
"Ikaw talaga!" sabi ko at hinampas siya ng unan dito sa sofa. Yes, we're close enough para hampasin ko siya. Mabilis kasi siyang makagaanan ng loob.
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (COMPLETED)
Ficción GeneralThe genre of this story is General Fiction. Contains mature scenes and words that are not suitable for your conservative mind. Ps. UNDER REVISION. Tadtad ng grammatical and typo errors. Napost nadin yung mga BS na nawala. Enjoy reading. :) AliyahxJ...