ONE SHOT #1

96 7 5
                                    

Kapag sinabi mong mahal mo ang isang tao, parang sinabi mo na din na pwede ka nilang saktan.

"Oo. Naiintindihan ko."

Ibinaba ko na ang cellphone ko at iniligay sa aking bag. Lagi namang ganon ang nangyayari sa amin. Palaging hindi natutuloy kapag may pupuntahan kami o kaya ay mag-date. Hindi ko kayang magalit sa kanya dahil alam ko namang busy sya. Pero naiinis ako. Ano? Lagi na lang bang ganito?

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Nangawit din ako doon. Mahigit isang oras akong nakatanga at naghintay sa wala.

Hindi ako nagplano ngayon kung saan ako pupunta kung sakaling hindi nanaman matuloy ang date namin. Ang akala ko talaga okey na, na sa wakas makikita ko ulit sya. Pero katulad nga ng dati, umasa nanaman sa salitang kailanman ay hindi nya tinupad.

Dati-rati'y kapag sinabi kong gusto kong lumabas kami, gusto ko syang makita, agad-agad syang pumupunta sa bahay. Pero ngayon, maraming nag-bago.

Minsan tinanong ko sya kung mahal nya pa ba ako. Pinatayan nya ako ng cellphone. Masakit para saakin yun. Yung taong mahal ko, kaya na akong tiisin ngayon. Kinabukasan pagkatapos mangyari 'yon sinabi nyang nalowbat sya. Bakit hindi man lang sya makitext? Hindi man lang sya gumawa ng paraan? Hindi ba nya alam na sobra na akong nasasaktan?

Pero sa halip na magalit sa kanya, sinabi ko na lang na "Naiintindihan ko." Ang tanga ko diba? Kahit na paulit-ulit mo na akong sinasaktan at tinataboy pilit ko pa ding sinisiksik ang sarili ko sayo. Ganon ako katanga pag dating sayo. Ganon ako nagbulag-bulagan kahit alam kong hindi mo na ako gusto.

Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati? Yung kahit magkaibigan O kaya kahit magkakilala man lang. Basta hindi mo na ako muling babaliwalain. Pero alam kong malabo. Iba ka na ngayon. Tinitingala ka na ng lahat. At ako yung taong nililingon mo lang sa baba.

Ang hirap mo nang lapitan, ang hirap-hirap. Ang daming nakapaligid sayo, mga taong iniidolo ka. Pero paano naman ako? Kakalimutan mo na lang ba ng ganon-ganon na lang?

Siguro nga tama sila. Ang tanga-tanga ko. Sino ka naman para magkagusto muli  sa kin? Hindi mo ako kagaya. Sikat ka, ako ordinaryong tao lang na nangangarap ng atensyon mo.

Pero dadating din talaga tayo sa panahong maiisip mo na para ka ng tanga sa mga ginagawa mo.

Dinukot kong muli ang aking cellphone at hirap na hirap na nagtipa ng mga linyang hindi ko lubos aakalain na sa akin mismo manggagaling 'yon.

"Break na tayo."

Para akong baliw ano? Alam ko namang dati mo pa hinihintay sabihin ko yan. Nagpapasalamat nga ako dahil palagi kang busy at hindi mo ako magtextan ng ganyan.

Ito na siguro ang huli. Wala ng tatawag sayo o kaya ay magtetext. Wala ng mangungulit sayo.

Mamimiss ko yung dating tayo. Lahat ng alaala na kasama kita mananatili yun sa puso ko. Sana maging masaya ka kung ano ka ngayon.

Pasensya na. Ang dali kong sumuko ha? Pagod na kasi ako. Goodbye, Karl.

-

Ang dami talagang bagay na pagsisisihan natin kapag wala na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Story.Where stories live. Discover now