Alexa's POV
Pag kauwi namin ni Tyler hinatid ko na agad sya sa kwarto nya. Ramdam ko ang panginginig at init ng katawan nya dahil sa taas ng lagnat nya. Kaya pagkatapos ko syang alalayan papuntang kwarto nya ay hinanda ko na ang planggana na may tubig at bimpo.
Nagluto narin ako ng soup para kay Tyler para gumaan ang pakiramdam nya. Pagkatapos ay dumiretso nako sa kwarto nya. Pagpasok ko nakita ko syang balot na balot ng kumot mukhang nilalamig sya. Haisst!! ito nanaman nagniningning nanaman sya sa paningin ko pero kailangan ko tong gawin hindi dapat ako magpa epekto sa kagwapuhang taglay nya.
Nilapitan ko na sya para punasan ng basang bimpo na dala ko. Dahan dahan ko syang pinunasan. Mula sa braso,Leeg, at iba pa except sa alam nyo na. Bigla nmang nanginig ang kamay ko ng mapunta ang kamay ko malapit sa dibdib nya. Halatang suki ito ng Gym dahil sa ganda ng katawan nya. Haysss Alexa stop fantasizing him. Ginising ko sya upang makapag bihis sya ng damit dahil suot nya parin ang uniform nya.
"Hmmmm Alexa hindi ko kayang hubarin pakitulungan naman ako"-nanghihinang sabi nya mas okay pa to pag may sakit ehhh bumabait.
Nakapikit naman sya habang tinatanggal ko ang damit nya nanginginig parin ang kamay ko dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko naman ang mala adonis nyang katawan ng matanggal ko ang damit nya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ng mga nakikita ko ಠ_ಠ
Pagkatapos kong hubarin ang damit nyang pangitaas ay binihisan ko sya ng panibagong damit. Oo ako parin ang nagbihis sa kanya dahil nanghihina pa sya. Pagkatapos ko syang bihisan ay pinakain ko na sa kanya ang soup na niluto ko.
"Tyler kainin mo tong hinanda kong pagkain pagkatapos ay inumin mo na ang gamot mo para gumaling ka na. Babalik ako dito pagkatapos mong kumain"- pagpapaalalang sabi ko.
"S-sige salamat"-mahinang sabi nya at sinimulan ng kainin ang hinanda ko.
Makalipas ng ilang minuto ay bumalik na ko sa kwarto nya para alamin kung okay na ba sya. Nakita ko syang nakahiga at mukhang naubos nya ang soap na niluto ko. Hinawakan ko ang noo nya para malaman ko kung mataas pa ba ang lagnat nya at mukhang hindi parin ito bumababa. Nilagay ko ang basang bimpo sa noo nya.
At dahil narin siguro sa pagod kakaasikaso sa kanya ay nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.
Tyler's POV
Pagkagising ko ay ramdam ko ang pagbuti ng pakiramdam ko at naalala ko ang pag alalaga at paasikasong ginawa sakin ni Alexa. Nakita ko naman syang natutulog sa gilid ng kama at mukhang pagod dahil sa pag aasikaso sakin. Napangiti naman ako dahil sa mga ginawa ni creepy girl. May tinatago din palang kabaitan tong weird na babaeng to haha.
Bigla naman syang gulaw at mukhang nagising na sya. Gulat naman sya ng makita akong nakaupo na at mukhang maganda na ang kondisyon ko. Hinawakan nya naman ang noo ko at mukhang sinisigurado na wala na ang lagnat ko. Tinitigan nya ako saglit at mukhang sinusuri ang mukha. What is she doing? Haha she's really weird. Teka ang laki ng eyebags nya at mukhang maputla sya.
"Are you done checking my Oh so handsome face?" Tinitigan nya ako ng masama at nagtangkang umalis pero hinawakan ko ang braso. Pikon talaga tong babaeng to.
"I'm just kidding by the way thank you for taking care of me I owe a lot. But are you okay? "
"Im fine . Mabuti naman at okay kana sige aalis na ko"-sabi nya. Tignan no tong babaeng to concern lang naman ako!!!!!!
~
*Sa sala*
"Oh Tyler mukhang okay na yung pakiramdam mo ah"-Nathan

YOU ARE READING
Creepy Girl And The Four Beautiful Shining Creatures
Teen FictionIsang weird na babae nabiglang magbabago ang buhay dahil sa apat na lalaking makakasama nya Ano kaya ang magiging karanasan niya kasama ang mga ito? Isa kaya sa mga lalaking ito ang magiging dahilan para magbago sya? At magpapatibok uli sa puso niya...