Maika POV
Tulad nga ng inaasahan ko hindi ako sinundo ng aking nagtatampong boyfriend. No choice tuloy ako kung hindi gamitin ang car ko.
Habang nagmamaneho ako sinusubukan kong tawagan si Marky pero hindi niya sinasagot sa tingin ko tuloy sobra ang pagtatampo niya sa akin. Nakakaloka ka naman kasi Maika eh. Nag-aalala na kasi yung tao pero nakalimutan mo pa siyang tawagan. Okay baliw na po ako. Kinakausap ko na yung sarili ko.
Nakarating na agad ako sa school kaya dali-dali akong lumabas sa sasakyan at pumasok na sa campus. Sa hindi kalayuan nakita ko si Marky pero napansin niya siguro ako kaya naglakad na siya papunta sa room niya. Iniiwasan niya nga ako. Asus! Ang cute niya magtampo. Hahaha.
Hindi ko muna siya sinundan syempre babae pa rin naman ako. Hindi ko ipaparamdam sa kanya na handa ko siyang habulin. (My gosh Maika! Ikaw kaya yung may kasalanan pero ang taas pa rin ng pride mo -.-)
Pumasok nalang ako sa room ko. Hindi kasi kami magkaklase ni Marky eh. Pagkapasok ko pa lang sa room ang ingay na nila. Wala pa kasi yung prof. namin kaya umupo nalang ako at hinantay siya dumating. Tumulala na lang alo.
Ilang minuto pa ang lumipas dumating na yung prof. namin.
"Good morning class"
"Good morning sir"bati naming lahat kay Sir at sabay-sabay tumayo.
"Class today you have a new classmate. Mr. Carson"pumasok naman yung lalaki at laking gulat ko ng mamukhaan ko kung sino yun.
"Hello everyone. I'm Sean Ryle Carson"sabi niya't binigyan kaming lahat ng isang ngiti. Pwe! Feeling gwapo. Well, siya lang naman yung lalaki na nakabunggo ko sa Bookstore.
Luminga-linga ang prof namin kung saan may bakante pang upuan. Huhuhu. Mga bes, pagdasal niyo na malampasan ng tingin yung katabi kong upuan baka dun siya paupuin.
"Mr. Carson, please seat behind Ms. Buenaobra"
Haysss -.- tama ba yung dinig ko? Sa tabi ko talaga? Please sabihin niyo sa akin na nananaginip lang ako.
Wala naman akong nagawa. As if naman na may laban ako sa prof namin. Wait may naisip ako. Hindi ko nalang siya papansinin kahit kailan. Bwahahaha. Brilliant idea Maika!
"Miss, can I ask you?"tanong niya ngunit hindi ako nagsasalita. Wala kayong pake kung ayaw ko siyang pansinin. Hindi ako katulad ng mga ibang babae diyan na porket gwapo kakausapin agad tsaka hello? Taken na po ako.
"Miss? You're familiar. I think nakita na kita"sabi niya ulit. Bahala siya diyan. Kausapin niya sarili niya.
"Psh. Nice talking"narinig kong sabi niya aba't dapat lang sa kanya yan. Akala mo kasi kung sinong gwapo eh. Oo na gwapo na siya kaso kasi ang pangit ng ugali niya.
Nanahimik naman na siya. Napansin niya siguro na ayaw ko talaga siyang kausapin.
Nagfocus nalang ako sa harapan kasi ayaw ko talaga makita yung pagmumukha niya. Nakakairita kasi talaga siya eh. Psh.
"Miss, if you don't mind, can I ask you one question? Pipi ka ba?"sabi niya sabay smirk. Pwe! Tigilan niya ako sa pagsmirk niya. Hindi na ako natutuwa sakanya.
"Ayan talaga ang tanong mo ah? Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon para ibahin yang tanong mo"sabi ko't inirapan siya.
"Hmmm, sige iibahin ko nalang" saglit naman siyang natigilan na para bang nag-iisip. "Bakit ang sungit mo? Meron ka ba ngayon?"sabi niya at humagalpak ng tawa.
"Yan na talaga yung tanong mo? Ang lakas mo namang sabihin sa akin yan. Pwede ba huwag kang feeling close. Hindi ka gwapo. Pwe!"sabi ko't umaacting na para bang nasusuka.
"Wow, kakaiba ka miss. I like you!"sabi niya't kinindatan ako.
"Anong sabi mo? Wala akong naririnig"mataray na sabi ko.
"Wala daw naririnig pero sumasagot. Yung totoo miss? Nababaliw ka na ba?"
"Pwede ba tantanan mo ako. Hindi kita kailan man kakausapin magiging hangin ka lang sa paningin ko"
"Talaga lang ah? Let's see. Haha. Baka hindi mo ako matiis. Lalo na yung kagwapuhan ko"
"Huh? May sinasabi ka? Ang kapal mo rin namang lalaki ka. Isa pang kulit mo susuntukin kita"
"Sige suntukin mo ako. Suntukin ng pagmamahal"
"Hmp! Nakakainis kang lalaki ka! Pwede ba huwag mo na akong guluhin"
"Miss Buenaobra, are you listening? Stop talking please"
"Yes sir. Sorry"pagkasabi ko niyan ay umupo na ako. Huhuhu. Napahiya tuloy ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na ang prof namin tapos na kasi yung klase kaya dali-dali rin akong tumayo at lumabas sa room. Napahiya kasi ako e. Baka kapag nagstay ako ng ilang minuto dun ay aasarin lang ako ng mga kaklase ko at guluhin ako ng mokong na yun. Huhuhu. Ang epal niya kasi eh.
Naglalakad ako papuntang room ni Marky. Nagbabakasakali akong makausap ko siya ngunit pagkapunta ko sa harap ng room niya ay wala ng tao dun. Kaya wala na akong nagawa kung hindi pumunta mag-isa sa library. Wala akong gana kumain ngayon. Hindi ko kasi makakasabay si Marky e.
*Library*
Pagkapasok ko sa library nakita ko na naman yung epal kong seatmate. Nakakagulat naman. Pumupunta pala siya dito? Haha. Akala ko hindi siya mahilig mag-aral pero base sa nakikita ko ngayon ay masipag siya, huwag niyo na nga lang itanong yung ugali kasi alam niyo na. May bad side siya.
Hindi ko na siya pinansin at dali-daling umupo sa upuan medyo malapit lang ang pwesto ko sa kanya.
"Are you alone? Pwede bang maki-upo?"sabi ng boses na nasa likod na halata mong lalaki ito.
"Miss? Pipi ka ba o bingi?"sabi niya ulit kasi hindi ako nagsalita, based on his voice kilala ko na kung sino ito. Ang kapal naman ng face niya, makiki-upo siya sa tabi ko, may upuan naman na siya.
"Pwede ba lumayo ka sa akin. Wala akong panahon para makipag-away sa iyo. Please, mind your own business"sabi ko't sabay irap.
"Hmmmm, mukhang meron ka miss. Hahaha. Ang init ng ulo mo"sabi niya't umupo sa tabi ko ng nakahawak ang isang kamay sa tiyan. Ang loko ang kapal tumawa ng malakas, alam naman niya na nasa library kami tsaka ang kapal niyang sabihin mismo sa aking meron ako. What kind of man is this? Huhu. Baka naman unggoy ito.
"Sorry wala talaga akong panahon kausapin ka. So, pwede ba tigilan mo ako"sabi ko't dali-daling umalis palabas ng library baka kasi hindi ko pa maabutan si Mark. May ibibigay pa ako sa kanya.
Habang naglalakad ako nahagip ng mata ko si Mark kaya agad ko siyang nilapitan. Grab the chance mga bes kaya hindi ko pwedeng palampasin ito.
"Mark, sorry of what just happened. Hindi ko naman sinasadya. I know that your just concerned. So, please pansinin mo na ako. Hindi ko kayang iwasan mo ako."sabi ko't niyakap siya. Isang mahigpit na yakap. How I miss this man? Sobra syempre, mahal ko kaya siya. Pagkabitaw na pagkabitaw ko sa kaniya inabot ko na ang ibibigay ko sa kanya. "Please pansinin mo na ako" sabay kuha ng kamay niya at inabot dun ang isang explosion box na ginawa ko para sa kanya.
A/N: Natuwa kaya si Mark sa effort niya kaya papansinin na ulit siya? We'll see. Hahaha. Tsaka nga pala hindi naman magagawa ni Mark na magalit sa kanya. Vote at comment naman diyan mga bes. Bwahaha.
YOU ARE READING
When Destiny Tied Us [Slow Update]
Novela JuvenilMerong isang cute na babae, her name is Maika Lane Buenaobra. Like the other girl bata pa lang siya mahilig na siyang magbasa. Kaya naisipan niyang pumunta sa Mall para bumili ng mga libro. Then after that while she is getting the book on the shelf...