WINTER MAY CHLOE’S POV
Malapit na ding matapos ang pag-gagawa namin sa booth. Finishing touches nalang ang kailangan. Sobrang excited na kaming lahat dahil mukhang nakakatakot talaga itong horror booth na nagawa namin at hindi mukhang corny. Proud na proud din kami, dahil aba! Kami yata ang nagpakahirap gumawa nito. Wala eh, magagaling talaga kami eh. Lol.
Dahil patapos na ay tulong tulong kami hanggang sa matapos namin ito. Dahil hanggang mamyang 12pm nalang pwedeng gumawa ng booth pagkatapos kasi non ay may Movie Watching kami. Lahat ay required na manuod at binayaran na din namin yung ticket para doon. Ang sabi ay para daw sa isang charity ibibigay ang lahat ng nalikom na pera dun sa Movie Watching. Hindi pa naman sinasabi kung anong palabas ang ipapanuod samin pero sana naman hindi boring diba? Tsk!
Andito pa rin si Gray, tinutulungan niya pa rin ako sa pag-aayos ng booth. Halos lahat ng pinapagawa sakin ng mga kklase namin ay tinutulungan niya ako kaya mas mabilis kong natatapos at hindi ako masyadong napapagod. Sobrang naninibago talaga ako sakanya dahil parang sobrang sweet niya sa akin ngayon. Hindi kaya may sakit tong si Gray? Ay jusko. Ang isip ko talaga eh, amp.
“Classmates! Konting push na lang, matatapos na din tayo. Proud na proud talaga ako sa lahat ng nag-effort na gawin tong booth natin kasi sobrang ganda ng kinalabasan. Kahit alam kong sobrang nahirapan kayo, atleast diba? Ang ganda ng kinalabasan.” Madamdaming sabi naman sa amin ni Ethan Summer.
Wow ha? Ang drama? Infairness, pwede ng isulat kay Charo! Hahaha.
“Takte ang Drama mo Bro! Ang bading! Leche!!” Sigaw naman ni Jaysel, yung kabanda at kabarkada niya.
“Sorry not sorry, bro. Manahimik ka jan kung gusto mong lumabas ng eskwelahang ito ng hindi nasasaktan.” Kunway nagbabanta na sigaw naman pabalik ni Summer dito.
“Leche! Parang takot talaga ako! Hahaha” At patuloy na silang nag-asaran. Natatawa nalang ako sakanila paminsan-minsan dahil para silang mga bata.
Grabe, 4th year highschool na pero mga asta eh parang elementary pa din? Wala eh. Sila yan eh.
Habang nagkukulitan sila ay busy naman kami ni Fafa Gray dito na naggugupit ng Cartolina na kulay black para dagdag design doon sa patapos na naming booth. Tahimik lang kaming dalawa habang siya ay patingin-tingin pa din sa akin.
Ewan ko nga dito eh, parang baliw. Tingin ng tingin tapos mukhang may sasabihin pero wala namang sinasabi.
“Hoy, River Gray, bat ka ba tingin ng tingin? May sasabihin ka ba? May dumi ba ako sa mukha?” Tanong ko na lang sakanya kasi hindi siya mapakali eh.
“Ahh! Wala Winter. Ang g-ganda mo lang kasi.” Nahihiya niya pang sabi sa akin.
Napalingon naman samin yung iba naming kaklase dahil narinig nila yung sinabi ni Gray. Shizz! Nakakahiya naman oh! Bat di niya nalang binulong? Jusko. Namula ata ako mula ulo hanggang paa. Di ko na ma-imagine yung itsura ko, siguro mukha na akong kamatis. Uwaaa, I CANNOT.
“Ano? PBB Teens na naman? Wala na ngang PBB pinapauso na naman?” Bored na sabi naman ni.. SINO PA BANG EPAL SA ESKWELAHANG ITO? Edi siyempre yung tag-init na yun.
Tawanan naman yung mga classmates namin sa sinabi niya. Yung totoo? May nakakatawa ba sa sinabi niya? Leche! Ang epal epal, di naman kausap nasabat?
“Ay, epal? Baket selos ka? Gray, sabihin mo nga din ng maganda si Summer, inggit ata eh.” Nangangasar na sabi habang nakatingin naman ako kay Summer na unti-unting nawawala ang pagkangisi. Hah! Anong akala mo? Ikaw lang pwedeng mang-asar? Watch me, Ethan Summer “Tag-init” Praga. Binabadtrip mo talaga akong tunay ah?
BINABASA MO ANG
You Are the Song of My Life
Storie d'amoreWinter May Chloe is a graduating high school student of St. Beatriz Academy. Being in her senior year, she has this simple and yet, dull life. Though she didn't know that her non-thrilling life would change when a man namely "Ethan Summer Praga" ent...