"Let's meet."tipid na sabi ng boyfriend ko saka ako binabaan ng telepono.
Napabuntong hininga na lang ako.
Napapansin ko nung mga nakaraan nawawalan na sya ng oras sakin pero hindi ko na lang yun pinapansin kasi baka busy lang sya these past few days.
Agad akong nagbihis at pumunta sa lugar kung saan kami laging nagkikita.
Pagkadating ko dun ,nakita ko syang nakaupo sa may bench dun sa park.
"Hey love"masayang bungad ko sa kanya.
"I'll go straight to the point."saad nya.
"I'm breaking up with you."walang emosyon nyang sabi saka nya ako tiningnan sa mata.
"Hehe okay."tipid kong sagot.Gustong-gusto kong umiyak ngayon pero hindi ko magawa hehe.
Ang sakit pala.
Napangiti na lang ako ng mapait saka tumabi sa kanya sa bench.
Isang mahabang katahimikan lang ang nangyare habang nakaupo ako sa tabi nya.
Wala ni isang nagsalita samin.
Hindi ako pwedeng umiyak.Hindi ko pwedeng ipakitang mahina ako.
"D-di mo man lang lang ba ako tatanungin kung bakit ako nakipag-break sayo?"basag nya sa katahimikan.
Napangiti na lang ulit ako ng mapait saka ko sya hinarap at sinagot.
"Hindi na."sagot ko habang may mapaklang ngiti sa labi.
"B-bakit hindi na?"nauutal na tanong nya.
Nginitian ko na lang sya ng tipid.
"Hindi mo ba tatanungin yung dahilan kung bakit ako nakipag-break sayo katulad ng ginagawa ng ibang babae?"saad nyang muli.
"Para saan pa diba?Wala rin namang magbabago pag nalaman ko yung dahilan mo.Nakipaghiwalay ka na sakin kaya ang magagawa ko na lang ay tanggapin yun ng paunti-unti kahit masakit."saad ko saka ngumiting muli sa kanya.
Bawat ngiting iginagawad ko sa kanya ay peke at mapapait na ngiti lamang.Haha ewan ko ba kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na ngitian at tabihan pa sya dito sa bench.Basta ang alam ko lang ngayon ,nasasaktan ako.
Isang mahabang katahimikan na naman ang namayani sa paligid namin nang napagpasiyahan ko ng umuwi.
"Hehe sige una na ako"saad ko saka ako tumakbo patungo sa kotse kong nakaparada lang sa tapat ng bench na yun.
Ang mga luhang pinipigilan ko kanina eh nagsisipatakan na.
Hahaha gusto kong matawa sa itsura ko ngayon.
I feel so pathetic right now.
Na-FBFH ako haha.
First Boyfriend
First HeartbreakTama lang siguro yung ginawa ko kanina .Tama lang na hindi ko tinanong yung dahilan nya.Kasi lahat naman may dahilan diba?Ayoko lang talagang makarinig ng dahilan na galing mismo sa kanya.
To be continued.....
YOU ARE READING
Reminiscing Past
Teen Fiction'Love will find a way 'ika nga nila. Pero paano kung kayo na mismo ang pinaglalayo ng tadhana?May magagawa ka pa kayang paraan para ipagpatuloy ang relasyon nyo?o makukuntento ka na lang sa pag-alala ng past nyo