First time kong gumawa ng ganitong story. So, sorry kung medyo magulo. Hehe
Flashback
Ngayon ang uwi ni Kath galing Korea kasama sina Arisse at Trina. They went on a vacation ng sila lang tatlo dahil according to them hindi sila mag-eenjoy na magkasama kung sasama ang boys. 1 week sila sa Korea at kitang kita naman na nag-enjoy sila dahil sa mga posts nila sa instagram.
Trina: Hayy Manila!! Traffic!!
Arisse: I miss Korea!!!
Kath: I miss Korea too!! I wanna go back na :(
Trina: Hay nako mga Ate Girls! Hahahaha!
Nasa kotse sila ngayon going home. Si Kath naman tulog dahil nahihilo ito, si Trina naman chill lang, at si Arisse naman busy sa kanyang phone.
Arisse: Ay Ate girls, look oh. Who's this girl?
Arisse showed a pic. A girl whose arms were wrapped around a boy's waist. The girl in the photo is wearing a wide smile and also the boy is smiling but not as wide as the girl.
Kath: Pasaway.
It was a photo of a girl and DJ. Nasa ABS-CBN building yun at kitang kita naman na nilalandi ng babae si DJ.
Trina: Ohmygah! That girl is so malandi ha.
Arisse: I know right. It's okay Ate Girl, hindi naman maganda. Mas maganda ka.
Tumahimik na lang si Kath at pumikit ulit. Pagdating sa bahay sinalubong siya ng kanyang mga kapatid kasama si Lhexine. Nag-usap sila sandali sa living room at pagkatapos dumiretso na siya sa kwarto niya. Kinuha niya ang cellphone niya at muling tiningnan ang larawan. Hindi naman si Kath nakunteto, hinanap niya ang account ng babae at tiningnan pa ang ibang mga posts neto kasama ang kanyang boyfriend.
Kath: NagKorea lang ako, lumandi ka na sa iba.
Habang busy si Kath sa pagststalk sa account ng babae, may nagpop-up naman na message galing kay DJ
From: Mahal 💙
Welcome back, my Tangi!! See you tomorrow 😘 I'm still at work, can't go and see you. :(
Time: 9:19pm
Medyo naiyak naman si Kath sa nabasa. 'STILL AT WORK? Eh alas nuebe na ng gabi' Sabi ni Kath sa isip niya. Hindi naman nagreply si Kath. Tumayo siya at dumiretso sa banyo at nagshower.
Kath's POV
I'm taking a shower right now at hindi parin matanggal tanggal sa isip ko ang mga pictures at CAPTIONS ng babaeng yun kasama ang boyfriend ko. Eto namang si DJ masaya pa habang inaakbayan ang babae. Bahala kayo. Magsama kayo. NagKorea lang ako, naghanap agad ng iba? Ang sakit lang. Habang nagshshower ako, napaisip naman ako, bukas magkikita kami diba? Kasi pupuntahan niya ako. What if umalis ako? Para hindi ko siya makita? No, Kath. Hayaan mo siya, wag mo siyang pansinin. AAHH! Naiistress ako! Sarap sapakin ng babaeng yun. Bahala ka DJ!
End of Flashback
Kathryn is on her 2nd month of being pregnant and obviously, she and her husband DJ are excited na to see the baby. Kath and DJ decided to get married na when Kath was 24 years old and DJ was 25 years old that time. Although, before the day na nagpropose si DJ kay Kath eh nag-away pa sila. Hindi naman yun naging hadlang para hindi sumagot si Kath ng YES. Nasa bahay lang ngayon si Kath habang si DJ naman nasa work. Lagi na lang ganito ang buhay ni Kath simula nung nalamam nila na buntis si Kath. Pinaleave ni DJ si Kath sa trabaho kaya ngayon lagi niyang hinihintay si DJ umuwi.