*Jimmy please say you'll wait for me, I'll grow up someday you'll see, saving all my kisses just for you~ *
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko ang kantang ito. Bakit nga ba sa tuwing naririnig ko ang kantang yan ay hindi ko mapigilang maalala ka, siguro kase bawat lyrics ng kanta ay halos tugma sa mga naranasan at naramdaman ko sayo. Nakakatawa pero pakiramdam ko ginawa ang kanyang yan para saakin. Nasan ka na kaya? Ikaw ba pag naririnig mo ang kantang yan, maalala mo din kaya ako? Sumasagi din ba ako sa isip mo? Nakakatawa pero kahit matagal na ang huling beses kitang makita, wala pa ding pagbabago sa nararamdaman ko para sayo. Siguro maganda na ang buhay mo ngayon, siguro may sarili ka ng negosyo, diba kase yun ang pangarap mo?
Siguro may pamilya ka na din, gwapo ka pa din siguro, hindi naman siguro magbabago ang kagwapuan mo eh, hehe, para akong tanga dito. Siguro kong nabigyan ng pagkakataon na maging tayo, ano kaya ang mangyayari? Tayo pa din kaya hanggang ngayon? Minsan hindi ko maiwasang magtanong ng napakarami tuwing sasagi sa isip ko ang tungkol sa'yo. Gusto kitang kalimutan pero hindi ko magawa, gusto kong magalit sa tadhana, gusto kong magtampo sa mga magulang ko kase, huli na nila akong ipinanganak, ayan tuloy ang layo ng agwat ng edad natin, alam kong isa yan sa dahilan kaya hindi mo ako nagawang gustuhin, at gusto kong magalit sa sarili ko kase hanggang ngayon ikaw pa din. Labing dalawang taon na ang nakakaraan mula noong umalis ka, marami ng nagbago, pero hindi kasama dun ang nararamdaman ko para sayo.
Naalala ko pa noong una tayong magkita, naglalaro ako noon ng pumarada sa tapat ng bahay namin ang kotse n'yo, sampong taong gulang pa lamang ako noon, at ikaw ay dalawampung taong gulang na. Tumilapon ang bola ko papunta sa kotse n'yo, at hinabol ko naman ito, hindi ko namalayang may kotseng paparating noon papunta sa deriksyon ko. Napapikit nalang ako noon at naghinhintay na mabunggo ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala akong naramdaman masakit sa'kin, bagkus ang naramdaman ko noon ay may bisig na yumakap sa'kin.
Nang imulat ko ang ang aking mata, mukha mo ang tumambad saakin. Saka sinabi mong 'Kinabahan ako dun ah, ok ka lang ba?' tanging tango lang ang naisagot ko n'on sa'yo dahil busy ako sa pag titig sa mukha mo, kahit ilang minuto pa lang nakakalipas ay saulado ko na ang mukha mo, ganun kita pinaka-titgan noon. Kung iisipin ay batang bata pa ako noon para makaramdam ng kakaiba sa puso ko pero 'yon talaga ang naramdaman ko para sa'yo, pero nabalik ako sa wisyo at sa katotohanang hindi ko naisip kani-kanina lang 'Sa susunod magiingat ka ha? Wag kang basta tatawid sa kalsada ng hindi tumitingin bata'.
Nang sabihin mo yung huling word ay nabalik ako sa wisyo ko. Hindi ko alam kung anong pangalan mo basta ang alam ko mas matanda ka kesa sakin, ng sampong taon. After mong sabihin 'yon ay nagpaalam ka na at ginulo mo pa ang buhok ko. Sa ginawa mong 'yon mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Simula noon ay palagi kitang inaabangan na lumabas sa bahay nyo, palihim kitang tinitingnan. Pero sadyang mabait ka at linalapitan mo ako saka kinukumusta, naging ganun ang routine natin, sampong taon ang agwat ng edad natin pero pakiramdam ko ay magkasing-edad lang tayo. Lumipas ang anim na taon ay ganun pa din ang nararamdaman ko para sa'yo, tuwing nakikita kita bumibilis pa din ang tibok ng puso ko, 16 na ako at ikaw naman ay 26 na, 4th year high school na ako at ikaw naman ay nagtatrabaho na sa isang kilalang kompanya. Sa anim na taon na lumipas, mas lumalim pa ang feelings ko para sa'yo. Hindi na ito basta crush o puppy love lang. Alam kong mas malalim pa dun ang nararamdaman ko para sa'yo. Naging mas malapit tayo sa isat-isa, palagi mo akong hatid sundo sa school, alam kong sayo ay wala lang 'yon kase tulad ng sabi mo sakin ay para mo na akong kapatid, 'Bunsong kapatid' kase wala kang kapatid. Nung una naman ay ayos lang na ganun ang turing mo sa'kin, pero habang mas lumalalim ang pagtingin ko sayo, parang ina-ayawan na ng buong sistema ko ang ganung tingin mo sakin, mas gusto kong ituring mo akong mas higit pa sa kapatid.
Pero wala naman akong magawa dahil sa agwat ng edad natin, at hanggang dun lang talaga ang turing mo sakin, pero alam mo ba, masaya ako kase sa loob ng anim na taon na magkasama tayo, wala ka pang babaeng pinapakilala sakin, bilang girlfriend mo, masayang masaya ako kase nananatiling sakin ang atensyon mo, siguro kong mangyayari man man 'yon, sobrang malulungkot ako, at masasaktan. Para akong tanga kase hindi naman tayo at walang tayo pero pakiramdam ko akin ka.