" Walang Hanggang Pagmamahal "

14 0 0
                                    

I.
Bakit nga ba ganito ang aking nadarama?
Ako ay nabibighani sa kaakit-akit mong mga mata
Sa unang tingin, hindi ko maikakaila na ako'y kinikilig
At tila ba'y humihinto ang oras pag ika'y kasama
II.
Hindi ko maikakaila na ako'y naiinis pag may kasama kang iba
Ikaw ay hindi akin pero gusto kitang ipagdamot sa iba
Bakit nga ba ganito ang aking nadarama?
Pag-ibig na kaya?
III.
Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito
Pinapangarap lang kita noon na ngayo'y ika'y akin na, oh aking prinsipe
Mahal kita at mahal mo ako
Nangakong magmamahalan hanggang sa dulo ng walang hanggan
IV.
Akala ko tayo parin hanggang huli
Akala ko nangako tayong magmamahalan hanggang huli
Pero dumating na ang araw na aking kinakakatakutan
Ang araw na ika'y tuluyan ng lumisan
Hindi ko alam pero ika'y mananatili dito sa aking puso't isipan
Ikaw lang at wala ng hihigit pa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walang Hanggang PagmamahalWhere stories live. Discover now