1

4 0 0
                                    

Sa mundo ko, masasabi kong isang BORING ang buhay ko. Walang ka thrill thrill. Siguro ang natatanging kathrill-thrill sa buhay ko ay 'yung strict ang parents ko.

Joke. Hindi naman sila gano'n ka-strict. Let's say from 1-10, nasa 8 sila. Oh diba? May dalawa pang natira. Pero balik tayo sa storya ng buhay ko.

Tulad nga ng sabi ko, boring ang buhay ko. Hindi ako pala-labas ng bahay. Sa school at bahay lang ako madalas. Pero paminsan minsan pag napagtripan ng mga magulang kong magouting, ayun umaalis kami.

Marami kami sa bahay. Si mommy at si daddy na madalas ay wala sa bahay. Ang dalawa kong kuya na mas madalas pang nasa labas kaysa sa loob ng bahay. Ako na nagiisang Dyosa nilang anak. At yung mga katulong namin. Isali mo na rin ang dalawang driver namin na mas madalas ko pang makakwentuhan kaysa sa mga pamilya ko.

So inshort. Sa loob ng bahay eh parang 'Loner' ako. Take note 'Loner' bes.

Sa school, hindi ako sikat. Hindi rin naman ako weirdo or loner. Let's say, nasa middle class ako. Pero para saakin, isang 'Nerd' ako. From the glasses upto my clothes: Sneakers with jeans and loose shirts. 'Di naman boyish ako or what. Ang komportable lang kasi para saakin ng get-up ko.

“Miss Chanelle. Kailangan na po nating umalis. Baka po malate pa kayo.” tawag saakin ni mang tony.

“Sandali lang po manong.” Sigaw ko habang nasa loob ng kwarto ko at nagtatali ng sintas ng sapatos.

Pag tapos no'n at nagmadali ako sa pagbaba. Tinalon ko na yung natitirang apat na hakbang. Narinig ko naman ang pagsinghap ni manang lucy.

“Hay nakong bata ka. Mapapahamak ka niyan sa ginagawa mo eh.” sabi niya habang naka hawak sa noo niya. Natawa na lamang ako sa maging itsura ni manang.

“Ay nako manang! Hindi ka pa po nasanay saakin.” Tumakbo ako sa lamesa at kumuha ng tatlong egg sandwich. Dahil wala na akong oras para kumain pa. Male-late na talaga ako.

“Mag-ingat ka iha.” Habang tumatakbo ako ay kumaway ako patalikod at sumagot ng “Opo manang!”

Nakita kong nakahanda na sa labas ang sasakyan kaya naman dali dali ako sa pagsakay dito.

“Mang Tony! Tara na po.” Masigla kong pagsabi sakaniya. May posibilidad na malate ako pero hayaan na. Kaso first day nga pala? Hala ang abnormal ko talaga.

Wala lang bente minutos ay nakarating na kami sa tapat ng gate. Tsaka ko lamang naalala ang isang bagay.

“Hala! Ang ID ko nakalimutan ko. ” Hinalungkat ko ng hinalungkat ang bag ko, nagbabakasakaling nandoon ang ID KO.

“Ma'am. No ID, No ENTRY po.” sabi ni manong guard.

“Alam ko yun manong.” nakita kong naiinip na ang mga tao sa likod ko at mukhang pahaba ng pahaba ang pila.

Pagtingin ko muli sa likod at nakita ko si Mang Tony na tumatakbo papalapit sa puwesto ko.

“Miss chanelle. Yung ID nyo po.” sabay ngiti ni manong. Omg! Nasa kaniya pala. Thank God!

“Waaaah! Thank you manong! Savior talaga kita.” sabay yakap sakaniya.

“Alam ko po kasi na makakalimutan nyo ang ID nyo eh.” sagot ni manong.

“Ehem. Ma'am. Humahaba na po ang pila.” nagulat ako sa sinabi ng Guard kaya napatingin ako sa likod ko. May mahabang pila at base sa mukha ng mga tao ay mukhang naiinip na sila.

“Ahehe. Sorry po.” Tinapat ko sa ID scanner ang ID ko kaya naman naka pasok na ako.

This is it Chanelle Yvonne Satiñez. First day to be a Junior high student at your new school. Make a change.

~~~
Nakakamiss gumawa ng story. Btw. Junior high= Grade 11. Dahil ang senior high ay Grade 12. Maraming nakakamisunderstood niyan eh. Just sharing lol.

Please do support this story of mine. ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEFINITELY CLUELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon