Ilang linggo na din akong nakatambay sa tagaytay at nag.aalaga kay lola. Mukha namang okay na ang kanyang pakiramdam at bumabangon na siya mag.isa..
Tulad ng madalas naming nakagawian ay tumatambay kami sa garden habang nakokwentuhan ng kuna ano-ano.
[here we go.... Come with me...]ringtone ko.
Si Megan pala ang tumatawag.
"Sandali lang lola ha sasagutin ko muna si Megan."
"Sabihin mo apo pumunta dito. Namimiss ko na din ang kakulitan ng batang yun."
"Okay po" at pinindot ko na ang accept botton.
"Oh best napatawag ka?"
"Asan ka na ba? Wala ka na bang balak magpakita dito?"
"Best kalma! Andito pa ko sa tagaytay. Pumunta ka raw dito sabi ni lola at miss ka na raw niya."
"Oh! Kumusta na siya? Okay na ba? Sige best punta ako diyan."
"Okay na. Babalik na nga ako ng manila sa linggo eh! Sige punta ka dito at sabay tayo sa sunday pabalik. Total friday na din ngayon. Wag ka munang gumala."
"Okay! Ciao!" paalam niya at pinutol na ang tawag. Napangiti ako na naalala ang nangyari nung huli naming lakad ni best. Muntik na kong bumigay sa isang lalaking noon ko lang nakilala. Kumusta na kaya siya?
"Nakangiti ka na diyan. May magandang balita ba si Megan?" untag ni lola at napabaling ako sa kanya.
"Ah nangumusta lang la. Pupunta din daw siya dito mamaya para sabay kaming babalik ng manila sa sunday."
"Mabuti naman at may kasabay ka. Yung hiling ko ha? Di mo parin ako binalitaan tungkol doon."
"Hay naku lola! Halika ihahatid na kita sa kwarto mo at medyo mainit na dito sa labas." pag-iiba ko sa usapan at dahan-dahan na itinulak ang wheelchair patungo sa silid nya.
Micheal's POV:
Hi Micheal Jones here. Im still a bachelor at age of 29. Di naman halata sa itsura ang edad ko.
Im the CEO of the Jones Fly and Navigate Corporations. Kami ang may pinakamaraming eroplano at barkong bumibyahe sa loob at labas ng pilipinas.
Anyway, andito ako ngayon sa bar. Nagbabakasakali na makita ko uli si Elize. Halos dalawang linggo ko na din siyang di nakita at ewan ko ba parang hinahanap hanap ko siya palagi.
Laki ngang panghihinayang ko ng di ko makuha ang contact niya. Di naman siya tumawag sa akin.
"Pre, wag mo ng isipin yun.. Siguro nakahanap na ng ibang guy kaya di ka na naisip." si Dian barkada ko.
"Cheal, tinamaan ka na yata dun eh. Abay 2weeks ka ng walang babae sa kahahanap sa kanya!" sabad naman ni Cedric.
Nilagok ko ang alak sa aking baso at nag.order ng panibago. Tama nga si Cedric. 2weeks na kong di nambabae. Dati di lumipas ang araw na wala akong bagong pagkakaabalahan.
"Ewan ko ba, para kasing namimiss ko siya!" sagot ko at ininum uli ang alak.
"Libog lang yan pre. Di kasi natuloy! Hahaha! Tara may mga sexy dun pormahan na natin." sambit ni Dian at tinungo na ang grupo ng mga babaeng bagong dating.
Siguro nga nanghihinayang lang ako. Sumunod naman kami ni Cedric matapos ubusin ang shot sa baso.
Agad na pinagkaguluhan kami ng mga girls ng lapitan namin. Kanya-kanyang pakilala sa sarili. Magaganda nga at sexy ang mga ito subalit parang kulang pa din.
Kinalimutan ko na lang muna ang tungkol kay Elize at ininjoy ang mga kasama.
Umupo ako sa tabi ng nakared at agad naman itong umakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
General FictionCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...