Chapter 3: The Awakening

296 8 1
                                    

"Nasaan ako?" Unang tanong ni Vendetta nang magising sa hindi pamilyar na kwarto. Iginala niy anag paningin sa kabuuan ng silid. Makulay ito at pambabae masyado. Taliwas sa kwarto niyang purong puti lang at walang ibang dekorasyon.

Nabigla siya nang may pumasok na may edad na babae. "Sino ka? Nasan ako?" mapanganib na tanong niya sa babae.

Halantang nagulat din ang babae sa tanong niya. "Nandito ka sa bahay ng amo namin."

Bigla siyang naging alisto. Inalala niya ang nagdaan na pakikipaglaban sa mga tauhan ng kalaban niya. "Yamaguchi?" 

"Ha? Hindi. Nagkakamali ka." 

Akma siayng tatayo upang lapitan ang babae pero napatigil siya dahil sa sakit na nagmumula sa braso niya. "Aray!"

Agad naman siyang dinaluhan ng matanda. Ngunit umiwas siya. "Umalis ka! Nasaan ang amo mo? Sabihin mo, tapusin na namin ito!" sigaw niya.

Agad namang lumayo sa kanya ang babae at nagmamadaling lumabas ng pinto. Muli niyang pinagala ang tingin sa kwarto, naghahanap ng maaring magamit sa paghaharap nila ni Yamaguchi. Kahit noon pa man ay malaki na ang galit nito sa kanya. Lalo na't mas umaangat ang DeathScyte kaysa sa mga negosyo nito. Isa pang nagpainit sa ulo nito ay ang pagkakahalal niyang Oyabun/Kumicho o leader ng mga ninkyō dantai (chivalrous organizations). Samantalang ito ay isa lamang sa mga saikō-komon o senior advicers. Hindi nito matanggap ang pangyayari kaya't binalak nitong itumba siya.

Agad niyang kinuha ang tinidor na naiwan ng babae kanina sa tabi ng higaan niya at hinanda ang sarili. Kahit na mamatay siya ngayon ay naihabilin na niya ang pangangalaga ng organisasyon sa iba pang kasama at mga pinagkakatiwalaang tao. 

Hawak niya ng mahigpit ang tinidor nang bumukas ang pinto at inilabas ang kanyang kalaban, isang…. ANGHEL?

Napanganga siya. Anong  nangyari kay Yodo Yamaguchi na laging nakasuot ng black na suit and tie? Bakit isang binatang lalaki na nakasuot ng purong puti ang kaharap niya? Pinakatitigan niya ito mula paa hanggang ulo. Pero napako ang paningin niya sa abuhin nitong mata. Pakiramdam niya ay nakikita nito pati ang kaluluwa niya. At hindi niya gusto ang ganoong pakiramadam, ngunit hindi niya maialis ang mata dito.

“S-sino ka?” she stuttered. Crap. Hindi magandang sign ito.

She's The GangsterWhere stories live. Discover now