ERON RUIZAgad akong lumabas para bumili ng pagkain namin Yessa at agad din akong bumalik.
"Yessa, sabay na tayong kumain."
Naupo kami sa dining table at sabay na kumain."Yessa, gusto mo bang idala ko dito Si Shane?!"
"Ha? Wag na Eron.. Baka kasi sabihin din 'nya kay kuya kung nasaan ako.."
"Bestfriend mo 'sya diba? Kailangan mo 'sya Yessa.. Saka kung sasabihin mo naman sakanya na wag sabihin kay Rowan, di nya sasabihin yun.."
"Sige. Ikaw ang bahala Eron. Miss ko narin 'sya e.."
"Okay, mamaya daanan ko 'sya,sa St. Claire para idala ko dito."
"Salamat Eron!"
"Naku, wala yun.. Basta ikaw Yessa.."
DANIELLE AYESSA
Sabay kaming kumain ni Eron at habang kumakain nagkukwentuhan kami. Di ko malaman kung bakit ayaw ni kuya Rowan sakanya.
Mabait, matangkad, gwapo at maalaga. Pero para sakin may kulang. di katulad ni kuya Rowan para sakin perfect na.
Ano kaya ang ginagawa niya ngaun? Hinahanap na kaya nya ako? Si mama at papa kaya alam na nila na umalis ako?... Hay.. Namimiss ko sila.. Lalo na Si kuya Rowan..
Dapat ko pa ba 'syang mahalin dahil di kami magkapatid o kalimutan ko nalang dahil di na kami bagay sa isa't isa?!
"Hoy Yessa!!!! Anong iniisip mo?!"
"Ah, wala Eron.. Naisip ko lang sila mama at papa..."
"Hmm, e si Rowan naisip mo rin ba?!"
"Oo pero, gusto ko nang makalimot. Yung dating buhay ko Ayoko ng balikan."
"Bakit naman?!"
"Hindi naman kasi ako nararapat dun."
"Paano kung wala ka ng pera Yessa?"
"Magtatrabaho ako Eron, mag'isa nalang ako kaya kailangan kong Tumayo sa sarili kong mga paa."
"Hindi ka nag'iisa.. Si Shane at ako nandito lang para sayo.."
"Alam ko yun, pero di ako pwedeng umasa sa inyo Eron.."
"Panu kung magpakasal tayo?!"
"Ha????! Nagpapatawa ka ba Eron?!..."
"Biro lang.. Alam ko naman di ka papayag dahil mahal mo Si Rowan diba?!"
"Oo, akala ko naman seryoso ka.. Maiilang ako 'nyang sayo e.."
"Haha.. Basta wag ka lang maiinlove sakin Yessa ha?!.. Papakasalan kasi talaga kita e.."
"Loko ka Eron!! Magaling ka rin magbiro.." napatawa ako sa sinabi ni Eron.
"Kita mo napatawa rin kita Yessa.."
.............
Isang buwan ang lumipas..
Mas naging close sina Eron at Yessa at itong Si Shane ay madalas na pumapasyal sakanya lalo na kapag weekend at nangakong hindi nito sasabihin kay Rowan at sa mama at papa nya kung nasaan 'sya. Hindi dahil sa ayaw 'nyang makita kundi para talikuran ang lahat ng bagay na hindi naman pala dapat para sakanya.
Nasa Pilipinas na rin ang mama at papa nya para sila mismo ang humanap sakanya.
BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
RomansaSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.