His and Her Side (3)

112 10 13
                                    

Para sa kanya to kasi isa siya sa mga nag-abang ng side ni Rio :). Isa din siya sa mga wattpad friends ko dito ^__^ sana magustuhan mo to  :*

**********

~~~~~~~~~~M A L I N G  A K A L A~~~~~~~~

(HIS SIDE)

Rio's POV

pagkatapos nun, umuwi na din ako sa bahay at nagpahinga. di ko na lang iniisip yung sinabi nila Cedric at Jed. Tsaka na lang ako maniniwala kapag talagang ako na ang nakakita.

kinabukasan, maaga akong gumising at naghanda na para pumasok sa school. Hehe di naman halatang excited noh? Gusto ko na kasing makausap si Chanel kaya pagbigyan niyo na ko xD

Bumaba na ako at nagpunta sa kusina. Nakita ko naman si mama na katatapos lang maghanda ng breakfast. Nakita naman nila ako at ngumiti.

"good morning ma" nakangiting bati ko

"hay naku Rio, di naman halatang excited ka noh" natatawang saad ni mama

"eh. hehe yaan niyo na ko ma, ngayon lang ulit ako sinipag eh." nung nasa Japan kasi ako, halos sipain na ko ni mama para lang mapabangon. Hehe oo na, tamad na kung tamad, eh sa di ko feel mag-aral dun eh. kasi naman para akong back to zero, mag-aaral ng panibagong language -___-. Pero nagpapasalamat na din ako dahil kahit ganun, nairaos ko mga grado ko.

"ay sus! oh sige na kumain ka na" pagkasabi ni mama, umupo na ako sa tapat nila at kumain.

After ko kumain, nagtoothbrush na ko at nagpaalam.

Naglakad na lang ako papunta sa school tutal walking distance lang naman. Nagbabakasakali na din ako na baka makita ko si Chanel sa daan pero nakarating na ako sa school nang di siya nakita.. haaay

Dumiretso na lang ako sa bulletin board para tignan ang section ko, nalaman ko din na kaklase ko sina Cedric at Jed pero sa kasamaang palad, di ko nakita ang pangalan ni Chanel sa kinabibilangan kong section. Sa madaling salita, di ko siya kaklase. Wala na akong nagawa kundi umalis na lang sa harap ng bulletin board na lutang.

Wala pa rin ako sa sariling naglalakad papunta sa assigned room ko hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses mula sa isang silid, naging resulta naman ito ng paghinto at paggising ng diwa ko.

"baliw ka talaga Bhee. Alam mo namang ikaw ang pinakadabest para sa akin diba. Tapos ayan nagseselos ka pa sa kanya eh alam mo namang ikaw ang paborito ko"

"haha yeah I know. Sorry na biro lang naman eh. Actually masaya nga ako at ako ang napili mo. Tsaka alam mo ba kung hindi mo naitatanong, para sa akin ang swerte-- "

di ko na pinatapos pa yung mga sinasabi nung lalaking yun dahil una wala naman akong pakialam sa kanya at sa mga sinasabi niya, basta alam ko kung ano ang narinig ko. at pangalawa di ko naman siya kilala kaya naglakad na lang ako paalis. Pero sa mga sinabi ni Chanel, dun talaga ako tinamaan. asar naman oh!

Di ko man lang namalayan na tumulo na pala mga luha ko. Tss pesteng mga luha to! di ko naman sinabing lumabas sila eh.. Shete naman! ayoko ng ganitong pakiramdam ang sakit.

kung meron na palang boyfriend si Chanel, sabihin niyo nga sa akin, para saan pa ba ang gagawin kong effort para ibalik ang lahat sa dati?

At kung maibalik ko man ang pagkakaibigan namin, tiyak masisira din yun kasi mawawalan lang siya ng oras para sa akin..

Siguro nga kelangan ko nang pag-aralan ang salitang LIMOT.

(HER SIDE)

Chanel's POV

Alam niyo ba yung feeling na pinagseselosan ng pinsan mo yung taong mahal mo? baliw talaga yun -___- alam na nga nyang magkaiba sila, nagseselos pa..

Arigatou, BestfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora