BAGYO

45 0 0
                                    


SA KAGUBATAN...

RUBIA: Adhara narito na ang susi ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao...
ADHARA: Salamat Rubia...
RUBIA: Ano ba talaga plano mo..
ADHARA: Gusto kong hanapin si Dianna sa mundo ng mga tao at kunin ang kanyang mahiwagang bato..

SA TAHANAN NI HINAYA

HINAYA: Sinusumpa ko na sana matanggal ang ala-ala ni Dianna sa mundo ng mga tao at ang kanya na lng ma-alala ay ang mga salita ng mga tao at maninirahan na lamang siya na walang alam sa Encantadia..

Sinumpa nga ni Hinaya kay Dianna ang mga sinabi niya na mawala ang ala-ala ni Dianna sa mundo ng mga tao at ang kanya na lang maaalala ay yung salita ng tao at lahat ng bagay na nagagawa ng tao...

GALANG: Bakit ninyo siya sinumpa mahal na reyna??
HINAYA: Nang sa ganoon ay lalo niyang maprotektahan ang kanyang sarili lalo na sa mga tao...
GALANG: Ngunit paano na siya makakabalik sa Encantadia??
HINAYA: May takdang panahon diyan Galang..

SA KAHARIAN NG DIAMOND

INANG REYNA: Sa tingin ko unti-unti nang bumabagsak ang kaharian ng Jade sapagkat ala na sa kamay nila ang mga mahiwagang bato...
IMAO: Hindi na mapakali ang mga sang'gre doon dahil hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin..

SA KAHARIAN NG JADE

KAWAL: Mahal na reyna mayroon po kayong bisita...
JANNA: Sino naman ang aking bisita??
KAWAL: Huwag po kayong magugulat mahal na reyna. Ang inyo pong bisita ay si .....
ZIA: Walang iba kundi ako aking kapatid..
JANNA: Zia ano ang ginagawa mo dito??
ZIA: Pumunta ako dito upang magbalik loob sa Kaharian ng Jade..
ELEN: Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan Zia dahil sa lahat ng ginawa mong pagtataksil sa amin..
ZIA: Kaya nga humihingi ako ng tawad ngayon ehh..
ELEN: Hindi namin matatanggap yang tawad mo...
JANNA: Tama na Elen...
ELEN: Bahala kayo pero ito ang tatandaan ninyo mag-ingat kayo diyan baka kung ano ang balak niya..
JANNA: Sheda... walang patutunguhan ito.. Sige Zia patatawarin namin ikaw kung ibabalik mo ang mahiwagang bato ng Zircon...
ZIA: Ngunit aking kapatid ala sa akin iyon. Binigay ko iyon kay Haring Arbok ngunit ako lamang ay niloko niya. Kaya ngayon ala na akong gagawin kundi umiyak at magdusa sa harap ninyo..
JANNA:  Napakasama talaga ng Haring Arbok na iyan. Zia pinapatawad na kita sa mga nagawa mong kasalanan at tinatanggap kana ng buong Jadeans...
ZIA: Salamat mahal kong kapatid..

Umalis na si Zia at tumalikod bigla siyang ngumiti ng masama...

SA MUNDO NG MGA TAO

DIANNA: Ahhh napakasakit ng ulo ko..

Biglang nahimatay si Dianna sakto naman na may mag-asawa na naglalakad at nakita nila si Dianna agad naman na tinulungan nila si Dianna..

HELEN: Kawawa naman itong babaeng ito. Tulungan natin siya Berto..
BERTO: Halika dalin natin siya sa Hospital..

Dinala nga nila Helen at Berto si Dianna sa Hospital..

HELEN: Doc.. Ano po nangyari sa kanya??
DOCTOR: Nagkaroon siya ng Amnessia at lahat ng ala-ala niya ay nawala...
HELEN: Kung ganoon Doc di po niya maaalala kung sino siya??
DOCTOR: Oo misis di po niya makikilala ang kanyang katauhan.. Sige po mauna na ako marami pa akong gagawin..
BERTO: Sige po Doc maraming salamat..
HELEN: Berto kung kaya magpakilala tayo sa kanya na tayo ang kanyang mga magulang tutal naman gusto ni Ella na magkaroon siya ng kapatid...
BERTO: Helen nababaliw ka na ba?? Bakit tayo magpapakilala diyang bilang mga magulang niya?? Baka mamaya ehh may maghanap sa kanya tapos pagkamalan pa tayong kibnaper. Ehh di nga natin iyan kilala ehh at di natin alam kung saan iyan nanggaling...
HELEN: Huwag na natin alamin iyon basta magpakilala na lng tayo sa kanya na tayo ang kanyang mga magulang.. Sigurado ako matutuwa si Ella nito...

ENCANTADIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon