PAGBABALIK NG MAHIWAGANG BATO

54 0 0
                                    

Pumasok si Hinaya at si Galang sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao...

SA KAHARIAN NG JADE...

JANNA: Zia nan diyan ka na pala.. Nasaan si Elen??
ZIA: Kinalulungkot ko mahal kong kapatid si Elen ay tinamaan ng kidlat kaya siya ay namatay...
JANNA: Hindi maaari... Nasaan siya?? Kailangan ko siyang puntahan..
ZIA: Mahal kong kapatid lubhang napakapanganib doon. Ako na lamang ang pupunta doon. Mabuti pa'y lumikas na kayong lahat ako na bahala kay Elen...
JANNA: Zia maraming salamat...
ZIA: Walang ano man mahal kong kapatid..
PERLA: Halika na magsilikas na tayo..

Umalis na nga silang lahat maliban lang kay Zia. Si Zia ay pumunta sa kanyang kuwarto...

Inilabas niya ang kanyang mahiwagang bato...

ZIA: Mahiwagang bato ng Zircon ako ay iyong tulungan. Kunin mo muna ang kanyang katawan at ikulong panandalian sa mata ng bagyo hangang matapos ang digmaan...

Iyon nga ang nangyari kinuha ng mahiwagang bato ng Zircon ang katawan ni Elen at inilagay sa mata ng bagyo...

SA KAHARIAN NG TURQUOISE..

TURSA: Napakarami ng kaguluhan sa buong encantadia dahil sa mga masasamang Zirconian dapat na itong tapusin...

Inilabas na ni Tursa ang mahiwagang bato ng Turquoise...

TURSA: Mahiwagang bato ng Turquoise gusto kong palindulin mo sa kaharian ng Zircon nang sa ganoon ay masira ang kanilang palasyo..

Iyon nga ang nangyari lumindol ng napakalakas sa kaharian ng Zircon at tuluyan nang nawasak ang kanilang palasyo..

TURSA: Gusto kong patunayan kay ina na kaya kong maging reyna ng Diamond...
REYNA ISABELA: Dapat patunayan mo ito sa kanyang harapan...
TURSA: Tama ka Reyna Isabela maraming salamat kung hindi dahil sayo hindi ko mararanasan maging reyna man lang..
REYNA ISABELA: Walang ano man iyon..

SA KAHARIAN NG ZIRCON..

HARING ARBOK: Lapastangan ang kaharian ng Turquoise...
GURNA: Dapat silang magbayad..
HARING ARBOK: Ihinto natin ang digmaan sa Jade at doon tayo susugod sa kaharian ng Turquoise dahil masyado silang mapagmataas..
GURNA: Ngunit mahal na Hari dahil sa lindol na naganap. nasira ang mga sandata natin na magagamit sa pakikidigma..
HARING ARBOK: Kung ganoon kuhanin ang lahat ng natitirang sandata at kung kulang pa gumawa kayo ng bagong sandata. Gurna tawagin mo si Zia kailangan natin ng tulong niya...
GURNA: Masusunod mahal na Hari..

SA MUNDO NG MGA TAO...

RUBIA: Napakagulo naman dito sa mundong ito..
ADHARA: Rubia...
RUBIA: Adhara bakit ka naririto??
ADHARA: Dahil gusto ko bumalik ka na sa Encantadia at itigilin mo na ang paghahanap mo kay Dianna..
RUBIA: Ngunit mahal na Sang'gre...
ADHARA: Ang sabi ko itigil mo na iyan maliwanag..
RUBIA: Masusunod mahal na Sang'gre..
ADHARA: Ibalik mo na sa akin ang tatlong mahiwagang bato na ipinahiram ko sayo..

Inilabas ni Rubia ang tatlong mahiwagang bato at ibinigay kay Adhara..

ADHARA: Salamat.. Bumalik ka na sa Encantadia at may tatapusin pa ako..

Bumalik na nga si Rubia sa Encantadia...

EDGAR: Mahal na Sang'gre bakit nagbago ang isip mo na huwag ng hanapin si Dianna diba gusto mong makumpleto ang mahiwagang bato??
ADHARA: Hindi pa sa ngayon Edgar. Akina na ang mahiwagang bato na ipinahiram ko sa iyo..

ENCANTADIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon