SA LOOB NG KAHARIAN NG JADE..
JANNA: Zia.. Halika na masyadong mapanganib dito..
ZIA: Ahh sige halika na..
JANNA: Nasaan si Elen..
ZIA: Patawad ngunit hindi ko siya nakita..
JANNA: Halika na mas lalong lumalakas ang bagyo..Sumakay na si Zia sa kabayong may pakpak (pegasus) at lumabas na ng palasyo..
PERLA: Janna, Zia nasaan si Elen..
JANNA: Hindi siya nakita ni Zia...
ALEXANDRA: Sinungaling ka Zia alam ko nakita mo si Elen ngunit hindi mo siya tinulungan..
PERLA: Tama na Alexandra masyado ng lumalakas ang bagyo. Mahal na reyna saan tayo lilikas??
JANNA: Hindi ko alam kung saan tayo lilikas...Inilabas ni Janna ang mahiwagang bato ng Jade sa kanyang palad..
JANNA: Mahiwagang bato ng Jade tulungan mo kaming makahanap ng malilikasan pansamantala..
Lumiwanag ang mahiwagang bato ng Jade. Sinarado na ni Janna ang kanyang palad..
JANNA: Hayaan ninyo mga kasama tinutulungan tayo ng mga hayop na makahanap ng malilikasan..
PERLA: Ano ang umiilaw na iyon..
JANNA: Ang mahiwagang bato ng Pearl..
PERLA: Ang aking mahiwagang bato ay nagbalik na...Kinuha ni Perla ang mahiwagang bato ng Pearl sa isang malaking bato. Inilahad niya ang kanyang palad at kinuha ang mahiwagang bato ng Pearl at ito ay kanyang nakuha..
PERLA: Sa wakas nagbalik ka narin sa akin..
Si Zia ay namangha sa kanyang nakita at may binulong siya sa kanyang sarili..
ZIA: Bakit kaya nagbalik sa kanila ang mahiwagang bato?? Mga Pashnea..
SA KAHARIAN NG DIAMOND..
Inilabas ni Rubia ang kanyang mahiwagang bato sa kanyang palad..
RUBIA: Napakaganda mong pagmasdan aking mahiwagang bato..
DADA: Mahal na Sang'gre mayroon na pala kayong mahiwagang bato..
RUBIA: Huwag kang maingay Dada sapagkat ayokong malaman ni Ina na mayroon na akong mahiwagang bato. Ikaw lamang ang nakakaalam na mayroon akong mahiwagang bato..
DADA: Mahal na Sang'gre saan nyo po ba iyan nakuha??
RUBIA: Napulot ko lamang ito..
DADA: Kung ganoon siguro hinahanap na ng may-ari iyan..
RUBIA: Kung ganoon hindi niya malalaman na nasa akin ito..SA MUNDO NG MGA TAO..
HELEN: Anak narito na tayo sa ating tirahan..
DIANNA: Parang ala akong natatandaan na ito ang ating tirahan..
HELEN: Sapagkat nawala ang iyong ala-ala. Ang pangalan mo nga pala ay Hanna..
DIANNA: Ang pangalan ko ay Hanna?
HELEN: Oo anak. Diba Berto..
BERTO: Ahh oo..
HELEN: Halika narito ang iyong kapatid na si Ella, Ella narito na si Hanna..
ELLA: Hello ate Hanna..
DIANNA: Hello...SA KAHARIAN NG JADE..
KAWAL: Nagugutom na ako...
JANNA: Huwag kayong mag-alala..Inilabas ni Janna ang mahiwagang bato ng Jade..
JANNA: Mahiwagang bato ng Jade utusan mo ang mga hayop na maghanap ng kanilang makakain...
Sinarado na ni Janna ang kanyang palad...
JANNA: Zia saan ka pupunta??
ZIA: Sandali lamang...Umalis si Zia at pumunta sa pinakasulok ng Gubat na walang encantado. Inilabas ni Zia ang kanyang mahiwagang bato ng Zircon sa kanyang palad...
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA
FantasiIto pong kuwento ko na ito ay hindi kagaya ng encantadia. marami po akong binago na sana magustuhan ninyo. Ginawa ko po ito para pasayahin ko kayo.. Sa bawat kabanata ay may tanong ako sana masagot ninyo.. Yung sagot ninyo i-comment na lng sa akin s...