CHAPTER 2: BROKEN HEART

560 17 1
                                    

Days passed hanggang sa umabot na ng buwan mula nang sinabi ni Gino na hindi na siya lalapit sa akin. Ilang beses kong nakita si Gino sa school but I never had the chance to talk to him again lalo na't mukhang umiiwas siya sa amin. Gusto ko siyang kausapin at pakiusapan na bawiin na ang sinabi niya but everytime na nilalapitan ko siya ay agad din siyang aalis. This is really crazy but knowing Gino, sadyang matigas talaga siya.

Dahil pareho kami ni Alex na iiniwasan ni Gino ay wala talaga kaming balita tungkol sa kanya. Wala din naman kaming ibang mapagtatanungan lalo na't hindi naman namin kakilala ang mga kaklase ni Gino. He's been ignoring our calls and text messages kaya hindi na namin alam kung ano ang gagawin sa kanya. He's really being so stubborn, hindi niya ba kami namimiss?

Dumaan ang December at sabay kaming umuwi ni Alex sa amin, we even visited Gino in their house but he never came to see us. Si Ate Grace lang ang nakausap namin na hindi maintindihan kung bakit ganoon ang pakikitungo sa amin ng kapatid niya. Hindi na rin kami nagpilit ni Alex na kausapin si Gino kahit na alam naming baka hindi na nga niya talaga kami gustong kausapin.

Mabilis na tumakbo ang panahon, hindi namin inaasahan na ang pitong buwang natitira sa pasukan ay mabilis na lilipas. Hindi na namin napansin ang panahon lalo na't graduating kami at busy sa kanya-kanya naming requirements.

Muli naming nakasama ni Alex si Gino nang sumapit ang graduation day. After ng program ay hinila kami ng mama ni Gino para magpakuha ng picture kasama ang anak niya. Pinilit pa ni tita si Gino dahil humindi ito at nagpumilit na uuwi na, mabuti nalang at napapayag din siya ni tita. That's the last time I saw him, nabalitaan ko nalang kay ate Grace na pareho namin ni Alex ay dito din siya magtatrabaho at hindi sa amin. Thinking this gives me hope that maybe one of these days ay makakasalubong ko siya sa daan at makakausap na nang maayos.

After a month mula noong graduation namin ay nagsimula na akong magtrabaho, mabuti talaga at natanggap agad ako sa pinag-apply-an ko a month prior to our graduation day. Si Alex naman ay natanggap sa isang malaking construction company na may branch dito sa pinas maging sa ibang bansa.

Working is really hard lalo na't isa ako sa employee na direktang nakaassign sa director. Kapag may appointment siya, isa ako sa sumasama at nagpreprepare sa mga kakailanganin niya.

"Kim, pinapatawag ka ni madam," sabi sa akin ng isa sa mga kasamahan ko, si Kristene. Isang taon na siyang nagtatrabaho dito.

Napabuntong hininga ako pero agad din akong tumayo. Naglakad ako papunta sa office ni madam at binuksan ang pinto.

"Good morning madam," bati ko. Tiningan ako ni madam at sininyasan akong lumapit sa kanya.

"Kim, where's the minute I ask you to prepare? Bakit wala dito sa table ko?" kunot noong tanong niya. Bigla akong kinabahan, naipasa ko na iyon two days ago─bakit wala dito?

"Madam, ibinigay ko po iyon kay ma'am Irene two days ago," seryoso kong sabi. Ayaw kong mapagalitan lalo na't hindi naman ako nagpapabaya sa mga kailangan kong isubmit.

Napabuntong hininga si madam at agad na tumango.

"O-okay! Pwede mo bang tawagin si Irene. Hinahanap na sa akin yun ng central." Tumango ako at agad na lumabas ng office niya para puntahan si ma'am Irene na nasa duluhan ng opisina namin.

Nang sabihin ko ito sa kanya ay agad na nagkunot ng noo si maam Irene. Ang sabi niya pa ay naipasa na ang minute sa central two days ago. Hindi na niya ako kinausap nang matagal at pinuntahan agad si madam sa opisina niya. Naupo nalang ako ulit sa table ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

This is the start kaya marami pa akong haharapin in the future, sana lang hindi ito masyadong mahirap.

• • •

Second Chance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon