Part 1: Precious Heart Romances

117K 1.2K 62
                                    

"Ah.. sayo po ba tong pocketbook?" tanong ko habang inaabot sakanya ang nahulog niyang libro.

"Oo nga!.. maraming salamat." sabi niya ng malumanay at tumalikod sakin,

Kitang kita ko na namumula ang tenga niya, ang cute naman tignan.

                                                                           .          .           .

                                                             Problema Mo?(Two-Shots)

                                                     Part 1:  Precious Heart Romances

                                                                          .          .           .

"Uy Ayumi! di ka ba nakikinig?" nagulat nalang ako ng may kumakalabit saakin sa siko.

"Oh? ano ba kailangan mo?" badtrip kong tono habang nakasalukbaba.

"Pst, eto naman. badtrip agad?" pabirong asal ni Alice,

"Naaantok ako." sambit ko sabay balik sa pagtitig doon sa bintana.

"Nakakainis ka naman! hmmm...di ka nanaman siguro pinapansin ni Christop-" tinakpan ko ang bunganga ni Alice.

"SHHH! manahimik ka!" sambit ko, nako bruha kang babae ka! katabi ko pa siya ah? baka marinig, tigok ako.

"Eh! di naman yan maririnig, tignan mo oh? Parating natutulog, at nilakihan niya ang space nyo oh?"

Oo nga pala, ewan ko ba dito kay Christopher. ang laki laki ng distansiya namin, kapag umuusog ako, umuusog din siya. problema niya? naliligo naman ako araw araw, nagtotooth brush, mabango, bakit parang may nakakahawang sakit akong taglay? Ay, ewan ko ba..

"Hm, ewan ko din sakanya."

"Sus, may pa ewan ewan effect ka pa dyang nalalaman, crush mo naman talaga, haha!" sambit ni Alice.

"Ano ba Alice! pag ikaw narinig, kakatayin kita!"

"Hahaha totoo naman eh! diba nga naaalala mo nung 1st Year palang tayo? parati nalang kayo magkatabi! parang destiny! yieee!" tapos kinikiliti pa ako ni Alice.

Biglang bumukas ang pinto.

"Gaga! nandyan na si Ma'am! umalis ka na nga" saway ko sakanya.

Naaalala ko nanaman, nang-aasar ata si Lord? parati nalang kami magkatabi niyan simula pa nung first year, buti na nga lang hindi kami inaasar ng mga kaklase ko, mukhang hindi ata kami bagay.

Pero ewan ko ba, nadevelop narin ata ang pagkagusto ko sakanya, three years na to ah? hindi ko alam kung may mabuting idudulot to.

Atsaka marami din nagkakagusto dito, syempre gwapo. At marami ding nagugustuhan ang pag ka-snob niya. Mga masokista ata, ang sakit kayang parati kang dinededma at iniiwasan!

Tumingin ako kay Christopher, nagising narin ata sa wakas at kumukuha na ata ng mga libro niya,

Syempre pati ako kinuha ko na libro ko sa Chemistry...Loka, Chemistry.. engot ako dito!

"Miss Buenaventura! anong sagot dito sa page 20!" sigaw ni Ma'am LiBag, oo nga pala... may homework kami, patay.

"A-ah... Ma'am... kasi.. ang solution..." napapabulul tuloy ako ng walang oras.

Problema Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon