"Psst!" sitsit ng sira ulo kong kaklase.
Nilingon ko siya at tsaka sinamaan ng tingin. "Hindi ako aso." sagot ko.
"Alam ko! Tara sabay tayong mag lunch!" tumalikod ako ulit at hindi na pinansin ang pangungulit niya.
Dumiretso ako sa laboratory ng school, tutal naman ay wala namang nagkaklase doon ngayon. Magbabasa na lang ako ng libro. Tamang-tama, tahimik at walang ibang manggugulo sa akin.
Yung kaklase kong sira ulo na akala mo tumatawag ng aso? Gwap- ay hindi, gago yun. Lagi akong trip nun asarin. Hindi ko alam kung anong trip niya. Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa gwap- este gago na sira ang utak.
Yun si Cedric Gonzales, classmate/day doomer na hate na hate ko. Mayabang, mahangin, presko, at higit sa lahat, sira ulo! Oo abnormal yung gwapo na yon. Kung di lang siguro siya ganun, crush ko na siya. Di yata mabubuo araw nun nang hindi ako inaasar! Kumbaga, ginawa nya nang hobby ang pambabadtrip sakin. Trip na trip talaga ako ng mokong. Ako naman, hindi na nasanay!
Binuksan ko na ang pintuan ng lab. Nagtataka ba kayo kung bakit open to sa lahat? Aba di ko rin alam eh. At wala na rin akong balak alamin. Chineck kong mabuti kung wala ba talagang tao.
At kung sinusuwerte nga naman ako, wala ngang tao. Ayos! Makakapag concentrate na ko sa pagbabasa ng libro na kabibili ko pa lang.
Saktong pagbuklat ko ng libro ko ay may narinig akong ingit ng pinto. Saglit kong itinigil ang pagbabasa para kumpirmahin kung may pumasok nga ba talaga.
Malaki itong lab at nahahati sa dalawa pero iisa lang ang pinto kaya naman hindi mo agad malalaman kung may taong pumasok. Nasa kabilang side ako ng lab kaya talaga namang hindi ko makikita yung pumasok.
Tumayo ako mula sa masarap kong pagkakaupo sa sulok at sinimulan na ang paghahanap sa misteryosong pumasok dito.
Naghanap na ako every there and everywhere pero wa epek pa din! Shocks! Guni guni ko nga lang yata talaga yon.
Binuksan ko ang pinto at tumingin kung may tao sa hallway pero wala. Eh? Makabalik na nga lang dun sa sulok ko.
Tumalon ang puso ko nang may makita akong tao... sa sulok kung nasaan ako nakaupo kanina... na hawak ang libro ko...
"Aaaaaaaaaaaah! Mu-mu-MULTOOOOOOO!!!" Multo nga ang isang 'to! Shet. Dapat pala tinodo ko ang brightness ng ilaw sa Lab para di ako minumulto ng ganito.
Tatakbo na sana ako palabas nang may humigit sa braso ko.
"Aah! Mumu wag po! Hindi ko na po ulit gagambalain ang lugar na ito. Wag nyo lang ako saktan!" pagmamakaawa ko. Naiiyak na ko. Inaamin ko, gusto ko ng madilim pero takot ako sa multo.
Narinig kong tumawa ng mahina ang multo. OMG! As in Oh My Ghost! Lalaki ang multong may hawak sa braso ko.
"Kuya Mumu naman eh! Peace tayo. Huhu! Ayoko na po!" Hindi ako humaharap kay Kuya Mumu kase ayoko makita muka niya. Baka himatayin nalang ako sa takot.
"Kuya Mumu please! Bitawan mo na po yung braso ko. Aalis na po ako!"
Sa sobrang takot ko, hindi ko na napigilan ang luha ko. Sino ba naman kasing matinong tao ang hindi maiiyak sa takot kapag hinawakan ng multo sa braso 'di ba?
Biglang lumuwag ang kapit ni Kuya Mumu sakin. Pumikit muna ako. Baka kasi pagdilat ko wala na yung multo.
"Uyy Maxine, okay ka lang ?"
Napatigil ako sa pagtili at pagmamakaawa, pamilyar kasi sakin yung boses ng multo. Putspa! Ginaya pa yung boses ni Ced-
'Teka nga!' sigaw ko sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Im in Lab with you
RandomWala naman kasing masama sa pag amin eh. Gusto mo ko, gusto kita. Nasa lab tayo. I'm in lab with you, you're in lab with me. Ikaw, ako, tayo, tayo na ! ' - Cedric Gonzalez