I Love You, Goodbye

54 2 0
                                    

Leaving someone...

when you love someone, is the hardest thing to do...

When you love someone as much as I love you...

Napakahirap pakawalan ang taong mahal mo, isipin ko pa nga lang, namumuo na agad ang mga luha sa mga mata ko. Tuwing maalala mo yung mga panahong masaya kayong dalawa, na umiikot lang ang mundo niyo sa isat-isa, na wala kayong pake sa ibang tao kasi ang tanging nakikita niyo lang ay tanging ikaw lang at siya...

Sana kung gaano kadaling ma-inlove, ganoon din kadalingmaglet-go... Pero hindi ganoon kadali eh, because I loved him, more than I'm allowed to love him...

Mahirap kalimutan ang mga panahong nandyan siya para pakinggan lahat ng mga dinaramdam ko, lahat ng mga problema ko, lahat ng inis ko sa mundo. Lahat ng mga insecurities ko sa ibang tao, na kung tutuusin wala namang sense, pero nandyan pa rin siya, nakikinig at nakatitig lang sa akin. Mahirap burahin sa systema ko ang mga haplos niya tuwing I-ccomfort niya ko. Mahirap siyang kalimutan kasi siya yung parating nandyan para protektahan ako, siya yung parating nandyan tuwing nasasaktan ako, siya yung parating nandyan tuwing may problema ako, siya yung sandigan ko. Sa tuwing masaya ako, siya yung kasama ko, siya yung parating nandyan tuwing maysakit ako. Siya yung nag-aalaga sakin kahit na minsan matigas ang ulo ko kahit na maysakit kasi ang pangit ng lasa ng mga pinapa-inom niya. Siya yung palaging nagpapakumbaba tuwing may away kami, kahit na ako naman talaga ang may kasalanan at hindi siya, siya lagi yung nagpaparaya. Siya yung mapagpasensya, siya yung maaruga, siya yung klase ng tao na di mapili sa kinakain kahit sunog ang mga luto ko, siya lang yung taong nakakatagal sa ugali ko. Siya yung klase ng tao na pipiliin kong makakasama sa buong buhay. Kukulangin ang buhay ko kung wala na siya. At ang hirap lang kasi, ngayon wala na talaga siya sakin, alam kong kaya kong mabuhay ng wala siya pero hindi na ulit ito sasaya di tulad noong nandyan siya.

Kung sana lang may gamot pampatanggal ng sakit na nararamdaman ko, noon pa ako bumili kasi ang sakit sakit na, mahirap siyang kalimutan kasi mahal na mahal ko siya...

Mahirap siyang kalimutan kasi saan man ako pumunta may memories ako sa kanya, sa sakayan ng jeep kung saan una kaming nagkita na dalawa, grabe ang mga tao nun a las siete na kasi at late na sa trabaho, at dahil punuaan ang mga sasakyan kailangang magmadali sa pagsakay, noong huminto ang isang jeep tumakbo agad ako, nakahawak na ako sa pwetan ng sasakyan pero naunahan ako ng isang lalaking naka dark-blue na uniporme, babalik na sana ako sa pwesto ko kung saan ako kanina pero may humawak sa kamay ko at ang lalaking yun ang nagpasakay sakin sa jeep, siya yung nauna kanina. Siya yung nauna pero binigay niya sakin ang pwesto at siya yung naghintay ng sususunod na jeep, siya yun. Siya yung lalaking napatibok ng puso ko.

Noong nasa opisina na ako, nabigla ako kasi nagtagpo naman kami at nagkakilala, pareho para kami ng pinagtratrabahuan, bago pa kasi siya kaya di ko siya nakilala. Hindi ko din malilimutan noong nasa mall kami kung saan kami nag-usap at nagkapalagayan ng loob habang kumakain ng pizza. Doon sa park naman, doon yung lugar kung saan niya ko sinabihan na liligawan raw niya ko. Sa sinehan kung saan kami unang nagdate na dalawa, na nung natakot ako sa palabas ay wala akong kamalay-malay na hinahawakan ko na pala ang damit niya na halos mapunit na dahil sa takot ko at tuwing nagpapakita ang mga multo sa screen ng palabas nagtatago na pala ako sa mga bisig niya, tuwing naalala ko ang yun mapapatawa na lang ako bigla. Pero ngayon, kung maalala ko ang mga oras na yun di ko na mapigilang humagulgol kasi ang sakit-sakit balikan ang mga araw kung saan napakaligaya ko na kasama ko siya na ngayon ay isang ala-ala na lang talaga ang lahat ng mga pangyayaring yun sa buhay ko.

Nasa wall ng account ko ang mukha niya habang nakayakap sa likuran ko. Nakalabas ang dimples niya habang nakangiting tumingin sa camera. Matangkad siya, maputi, may mapupungay na mga labi at may matangos na ilong. Pero ang pinaknakaka-attract sa kanya ay ang mga dimples niya na lumalabas tuwing tatawa o ngingiti siya. He also has tantalizing eyes na lumiliit kapag lumalabas ang ngiting nakakapagbigay ng di ko mawaring pakiramdam sakin.

Habang titingnan ko ang mga larawang nasa gallery ng account ko, nakita ko ang litrato noong araw kung kailan ko siya tuluyang binigyan ng karapatan na tuluyang maging kanya, naka-post sa wall ko ang mga litratong noon ay nakakapagpa-ngiti sakin pero nagpapaluha na ngayong sa mga mata ko. Nakita ko ang isang

litrato noong sa Tagaytay kaming dalawa kung saan inalok niya ako na maging nobya, iyon din ang mismonmg araw kung kailan din siya nagsabing liligawan niya ako and that was February 14. Isang taon na siyang naliligaw sakin, ganoon siya kadesidido at matiyagang naghintay na maging handa akong tanggapin siya sa buhay ko. Hindi ko nga makalimutan ang mga katagang sinambit niya sakin habang tumutingin siya sa mga mata ko. Hawak-hawak niya gamit ang kaliwang kamay ang kanang pisngi ko at ang isang kamay niya naman ay may hawak na isang bouquet ng mga pulang rosas, sabi niya;

"Mahal kita simula pa lang noong unang araw na nakilala kita, alam kong ikaw na talaga ang makakasama ko sa buong buhay ko. Mahal kita mula gabi hanggang umaga. Mahal kita kahit na suplada ka, mahal kita kahit na moody ka, mahal kita kahit na egocentric ka minsan, mahal kita kahit na minsan para kang bata, mahal kita kasi napapangiti ako tuwing nakikita kitang tumatawa, mahal kita kasi ikaw lang ang nag-iisang tao na nakikinig at tumatawa sa mga corny kong jokes, mahal kita kasi mabait ka, mahal din kita kahit na sunog ang mga pipiprito mo pero kinakain ko pa rin kasi alam kong gawa mo yun, mahal kita dahil marami akong dahilan para mahalin ka, mahal kita kasi ikaw ay ikaw. At ikaw lang talaga.Ikaw ang nagpapasaya sakin, ikaw and buhay ko. Will you be mine?"

Natunaw ang puso ko sa mga katagang sinambit niya sakin, ngunit ang mga katagang yun ay isang parte na ng lumipas na panahon, mga katagang noon ay sakin lang ngunit ngayon ay naririnig na ng iba, may iba na siya, may mahal na siyang iba. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit siya napagod, kung bakit siya bumitaw, kung bakit siya lumayo at kailan siya humintong mahalin ako? Ako ba ang may pagkukulang? Kung ako man, sana sinabihan niya ako para mapunan ko! Sana nakapaghanda ako, kasi ang daya-day niya! Ang daya-daya niya kasi kalahati ng pagkatao ko hawak niya, at ang buong puso ko ibinigay ko na sa kanya. Noong una sabi ko sa kanya sana ako na lang ulit, sana ako na lang, kaya kong tanggapin kahit na masakit. Kaya pa rin kitang patawarin. Kaya kong kalimutan na lang ang lahat.

Hindi ko siya kayang bitiwan kasi mahal ko siya, yung yung sabi ko. Kaya kong magpanggap na ok lang lahat. Na ok lang sakin basta't nandyan siya, pero niloloko ko lang sarili ko. It hurts to let go, but sometimes it hurts more to hold on. Alam ko kung sino na ang tinitibok ng puso niya, kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-ibig na to' alam kong ako lang din ang masasaktan.

Saying goodbye is the most painful way of solving a problem...

but it's the only way of making myself whole again...

May mga pagkakataon talaga sa buhay na kahit gustuhin man natin, di natin pwedeng makuha kasi alam mo sa sarili mong di na ikaw. Mahal ko siya, walang duda yun. Pero handa akong magparaya, kahit na masakit, kasi alam ko doon siya sasaya.

I loved you McCoy, I loved you more than I'm allowed to love you. But this must end,

Goodbye...

I Love You, Goodbye (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon