"Jewellllllll !!!! Beshy !! huiii pagaya naman ako ng sagot mo sa assignment natin sa algebra" sabi ni yuri na nagpapuppy eyes pa sakin.
" Tse ! matapos mo ko iwanan kahapon sa CR alam mo namang takot ako sa dilim diba ? " iwan ba naman ako sa cr at pinatay pa ang ilaw. palirit na talaga ako.
" Eeeeee beshy anu kasi tinawag ako ni Paolo binigyan niya kasi ako ng flowers e syempre sa haba ng hair ng lola mo nalimutan kong andun ka pa pala sa loob" Wow talagang nalilimutan ako pag andun si paolo.
" Oh xa ! yan gayahin mo na pero bilisan mo na kasi pupunta pa ako sa mall may pinabibili si mommy sakin "
" Waaaaa. thank you beshy the best ka talaga ! " at yun nga kumopya nga xa pati pangalan ko ay kinopya nadin. so habang abala si yuri, magpapakilala muna ako sa inyo.
Ako nga pala si Jewel Stephanie Sebastian 19 years old. 4th year college na ako and i am currently taking BS Engineering. nag iisang anak ako ng mommy at daddy ko but my dad died because of heart attack. pero sa step dad ko??????? ewan ko balita ko madaming panganay yun sa ibang babae eh. May pagka nerd ako mali pala nerd talaga ako Hahahaha. simple lang ako ayoko ng madaming make up, at maraming kung anu anong kolorete sa katawan. Sabi nila maganda daw ako hmmm di naman ako naniniwala. Chinita ako, maputi, tama lang ang height at higit sa lahat NBSB ako. Yes No Boyfriend Since Birth ako. mula ng sinilang ako ng aking ina ( mejo malalim ang term HAHA) e di pa talaga ako nagkakaboyfriend. Di naman sa walang nagkakagusto dahil sa totoo lang ay madaming gustong manligaw sakin its just that hindi pa yun ang priority ko sa buhay. ayoko kasi matulad sa ibang babae na single mom ngayon. ang advance ko ba? ganun kasi ako advance thinker sakit ko na ata yun. paninindigan ko talaga ang pagiging NBSB ko hanggat di ko pa nahahanap ang ideal man ko charot HAHA.
" Oi beshy ! "
" Oi beshy tapos na ako oh ! " kanina pa pala ako inaalog ni yuri.
" wow ang galing naman wala man lang pasalamat anu ?"
" Thank you beshy " sabay wave niya sakin. ang ending iniwan lang din ako kaya ayoko maging mapag bigay eh kasi sa huli ako lang din ang iniiwan HAHA alam ko din yang hugot thingy na yan :D
Papunta na ako ngayon sa mall actually hindi na lang pala sa mall kasi meron naman nun sa mga drugstores.
*Riinnnnggggggg Riiinnngggg*
" Hello Ma bakit po kayo napatawag ? "
" Anak bili ka nga ng pregnancy test sa botika isabay mu na sa bibilin mong gamot ni daddy mo." anu daw ? PT? ako pa pabibilin ng PT e baka pagkamalan akong buntis ng tindera dun.
" Ma naman di ako pagbibilhan dun ayokong pagkamalang butis." pinipilit ko si mama na wag na ako
" Anak feeling ko kasi buntis ako eh "
" Nak ng ! Ma anu ka ba tanda nyu na ni daddy nakabuo pdn kayo ? " kaya pinaninindigan ko talagang NBSB ako dahil ayaw ko gayahin sina mama eh.
So ayun ang ending nga e ako ang bumili. hiyang hiya pa ako na sinabi sa tindera.
" Miss anu kasi pabili ng anu" pautal utal ako dahil di ko talaga kaya sabihin.
" Miss ang haba ng pila anu bang bibilin mo ? " Putulan ko kaya ng litid tong tindera na to ! nasa harap na ako nasigaw pa nagtinginan tuloy sakin ang mga nsa kasunod ko sa pila
"Pabili po ng PT" Mahina kong sabi.
" Sus yun lang pala ang bibilin, Di-gawa gawa tapos mahihiya" Aba teka iba ang tabas ng dila ni ate ah
pagkasabing yun ni tinderang mahadera ay nagtinginan sakin. Yung iba tumingin sa tiyan ko as if namang buntis ako diba? Yung iba napapailing
* Ayyy anu ba yan ke-bata bata pa*
* Mga kabataan talaga ngayon mapupusok*
" Excuse lang ho anu?? hindi ho ako buntis ! sa mommy ko ito. " pagmamatuwid ko. nakakainit ng ulo talaga ang galing mang husga
* Ayyy anu ba yan tapos itatanggi pa tsk tsk*
Pagkaabot ko ng bayad ay umalis na ako. Nakakabadtrip talaga. kagagawan to ni mommy. lagot talaga sila sakin ni daddy. buti na lang talaga ay hindi ako nagmana sa kanila. kundi baka isang dosena na ang anak ko ngayon. kainis kasi si mommy pumapayag at binibigay ang hilig ni daddy este step dad ko pala kahit na alam niyang madami na itong anak sa ibang babae. Ang laging dahilan ni mommy ay maiintindihan ko din daw pag nagmahal nadin ako. Anu bang dapat ko intindihin dun ? Knowing na may ibang anak sa ibang babae tapos mamahalin mo padin???
Ako na NBSB pagkakamalan na buntis????? e ni wala ngang bubuntis sakin eh. Malayong mangyare yun sakin at hinding hindi yun mangyayari sakin.
*****
( Oh my God Jewel baka kainin mo sinabi mo ) HAHA. Peace
Hello !
Please Vote and Comment po. :)
Sana suportahan nyu din po ito.
BINABASA MO ANG
From NBSB to instant MOMMY (Completed)
RomanceNO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Never been kiss, Never been touch 100% Virgin ! Hanggang sa nagising na lang ako isang umaga na INSTANT MOMMY NA AKO ! Instant mommy at instant wife. Paano ako makakaalis sa sitwasyong kusa ko nading nagustuhan...