14. Special MAGIC Chapter: Ella

54 5 2
                                    

< Ella Jung's POV >

KAWAY KAWAY 👋👋👋👋👋👋

My name is Ella Jung.

You can call me Ella.

I am a Fansite Noona of BTS, specially for Jung Hoseok.

' Hope 4 Life ' is my Fansite name

I am also a Fansite Noona of Seventeen.

' Super Class ' for S.Coups.

Kaibigan ko si Erin.

ARMY ako kase talaga. Nahawa ako ni Erin eh. Lakas lumaganap sa amin ang virus nya hahaha.

Nagtatanggal na ako ng sapatos sa pinto nang marinig ko ang debate nila. Nakikinig lang muna ako.

" Malay mo, dyan lang den nya nakausap yung babae. May tinanong lang sya ganun " sabi ko, kahit di ko naman talaga alam pa ang nangyayari.

Tungkol pala kay Junhui nya na may kinausap na babae, di fan.

Naiintindihan ko naman sya.

Kung ako, malamang magwawala rin ako. Sino nga ba kase yung babae? Hahahaha

" Oi! Tumakas ka nanaman ah! San ka nanaman galing? " tanong agad sa akin ni Kiehl nang makapasok na sya sa kwarto namin.

Share kaming dalawa, so sya ang rooom mate ko.

Nag-aayos na rin kase ako ng gamit ko.

" Ah? Aaahhhh. Uuuhhhmmm. Dyan lang " sagot ko naman

" Mrs. Jung! "

Aigoo. Kapag tinawag nya na akong ganyan ibig sabihin gusto nya ng seryosong usapan at totoong sagot.

Tinignan ko sya. Seryoso lang rin syang naka-tingin sa akin.

" Oo na. Sorry na. Nag-cutting class na ako. Eh kase, pumunta akong fansigning. Sayang naman yung ticket na binili ko diba- "

" Bat di ka nanaman nag-paalam sa amin? Hindi ka naman namin pipigilan eh. Ang amin lang sabihin mo kung saan ka pupunta para di kami mag-alala sayo "

Ayan si Kiehl. Ang nanay sa aming mag-kakaibigan.

" Sorry na talaga. Di ko na talaga uulitin " napayuko naman ako. Halata sa kanya ang pag-aalala talaga.

" Oh ano? " tumingin ako sa kanya " Wala kang balak mag-kwento? "

Nginitian ko sya nang nakakaloko.

-------------------------

< Kanina, habang nasa Fansigning event >

Wala akong kasama. Wala akong kakilala. Kaya wala akong pake kung ano man ang ugaling malalabas ko rito.

Bahala na ako kung sisigaw ba ako o mag wawala o mambabato ng ref- teka san ako kukuha nun? BASTA!!

Di ko kase alam ang mararamdaman ko pag nalapitan ko nanaman si Hoseok ko eh!!!

Maraming beses ko na syang nakita at nalapitan, pero pakiramdam ko, ngayon iba. May mangyayari na hindi ko inaasahan kung maganda ba o masama.

Alam nyo bang nag-cutting ako. Naka-uniform pa nga ako eh. Hahaha mabait ako pero wag akong tularan ha?

Third subject palang tumakas na ako. Sa Insadong pa kaya ako pupunta!

Nag-tiyaga akong pumila. Gutom, uhaw, init at pagkabagot ang nararanasan ko. Kainis, wala akong maka-usap. Mukhang maaarte pa ata tong mga toh.

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon