Lost In Korea (Mwo?)- One Shot Story

44 2 4
                                    

Sa dinami-dami ng pwedeng malasin, ako pa talaga. Sa dinami-dami ng mga tanga sa mundo ako pa talaga mas nagmukhang tanga. Ako ng talaga reyna ng katangahan at kamalasan, bigyan ng jacket yan!

Gusto nyo malaman kung anong storya ng buhay ko? Pagtyagaan mo hanggang sa matapos ang kamalasan ko. Nga pala, bago ang lahat ako pala si Mayumi Yamashita. Half Japenese Half Garter, I-mean half Filipina. Subaybayan nyo ang aking katangahan sa buhay.

Mayumi's Pov

"Oh, Yumi. Ready na ba gamit mo? Baka mahuli tayo sa flight natin papuntang Japan."

Hays, pinapaalala pa talaga nilang pupunta kaming Japan. Punyeta pati pa ba naman kung saan ka titira di na loyal? Its more fun in the Philippines kaya, bakit kaylangan pa naming mag migrate sa Japan? Porket half japanese lang -__-

"Hoy kinakausap kita! Ano ready ka na ba?"

"Oo, ready na akong mamatay."

"Seryoso ako Yumi, ayokong mag kaaberya tayo papuntang Japan. Wag ka naman sanang dalawin ng kamalasan kahit ngayon lang"

Aba gaga nag sign of the cross pa ang bruha.

"Sana nga Yuki, mag dilang langit ka sana."

"Halika ka na nga, baka malate pa tayo sa flight natin." sabi nya sabay ayos sa maleta nya.

***

Andito na kami sa airport, pumasok na kami sa departure area at hinihintay nalang namin na tawagin kami ng flight attendant. Alam nyo yun? Yung may pabebeng flight stewardist na akala mo ang cute cute ng boses na mag aanounce kung anong eroplano na ang lilipad at lalapag.

"Oh, bat parang di ka mapakali dyan? Relax ka lang Yumi, di naman tatakbo ang eroplano. Palibhasa kasi first time sumakay"

Minsan, naisip ko kapatid ko ba tong si Yuki? Malay mo naman kasi napulot pala to ni mama sa basurahan tapos inampon. Alam nyo yun? Yung mga napapanood ko sa mga telenovela sa t.v.

At ang sakit din nung pagkakasabi nya ah! Porket first time akong sasakay ng eroplano, ganyan na kaagad sya?! Diba pwedeng kinakabahan? Pero hindi natatakot duh common sense naman kahit minsan Yuki. Tsk.

"Uy tawag na tayo oh. Halika na at please wag kang tatanga-tanga. Yung coconut shell mo paganahin mo din kahit ngayong araw lang."

Edi sya na maraming alam, edi sya na ang anak ni Rizal -__-

"Teka lang Yumi, mauna kana sa loob. May pupuntahan lang ako saglit, yung passport mo oh" inabot nya sakin ang passport ko at kinuha ko naman yun. At dahil tinamad na ako sa kakatayo dito, nauna nalang ako sa eroplano. Pumasok kaagad ako at pinili ko yung malapit sa bintana para makita ko yung nasa baba kapag lilipad na kami. Ang talino ko no? Syempre, ako pa.

***

Nag-landing na ang eroplano na sinasakyan namin. Ang sakit ng ulo ko, eto ba yung sinasabi nilang Jetlag? Aba naranasan ko nadin yan.

Paglakad ko, may nakita akong sign sa labas. Mandarin, English at ano yung isa? Di ako familar eh, nag eexpect ako na Japanese pero hindi eh.

"Welcome to Korea"

Binasa ko yung sign na nakadikit sa dingding. Ah kaya pala ganyan yung isa kasi nasa Korea ako.

Punyeta! Asan nga ulit ako?!

"Welcome to Korea! Incheon Airport"

Teka? Asan ako? Bat andito ako sa Korea? Japan! diba

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost In Korea (Mwo?)- One Shot StoryWhere stories live. Discover now