All rights reserved ©2016 by LoveMishap
"Broken heart will turn into a stronger one within hope." — Toba Beta
⚜⚜⚜
(Clarisse's POV)
Pinakatitigan ako ni Cheska. Nanunuring titig, at hindi ako makatingin ng diretso dito. She's been bugging me to tell her what's the real deal between us and Max. Bakit bigla itong naglaho, kasama ang fiancee nito 'daw.'
I didn't bother asking kung sinong babae ang ipinagpalit nito sa akin. I don't care.
"I chased him away!" pagsisinungaling ko. Cheska shook her head, utterly unconvinced. Nakahalukipkip ito sa dulo ng sofa nila.
"I don't think you did! I'm sure, tumakbo ang walang hiyang iyon after niyang makuha ang lahat-lahat!" galit na galit na sabi nito. "And now, you're pregnant." Naawang tumitig ito sa akin. Parang naiiyak pa ito.
Mapait akong lumunok saka tumingin sa ibang direksyon, pilit kinubkubli ang sakit na nararamdaman ko. Pilit tinatapalan ito ng pekeng ngiti, kahit na dinudurog ang puso ko tuwing naalala ko ang aking katangahan.
And now, I'm pregnant. Positibo ito.
Lindsey has to bring me to the clinic na nasa loob din ng unibersidad after finding me unconscious sa CR, kung saan nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa pag-iyak, then collapsed after.
Only Lindsey and Cheska knew about it. Ngayon andito kami sa bahay nila, sa may balkonahe sa likod ng ng kanilang malaking bahay. Wala ang mga magulang ni Cheska, mga katulong lang ang andito kaya't malaya kaming nag-uusap tungkol kay Max. Lindsey and Cheska was so worried about me, and I'm so thankful to have such friends that genuinely cares about me.
Ngunit mas nararamdaman ko ang pagkaawa sa sarili ko when I see those worries, pity swirling in their orbs. Lalo lang akong nagagalit, naiinis. All the more I felt his absense, his rejections, and my stupidity.
"Don't be too dramatic, Cheska." Tumawa ako ng peke. Nakatitig lang ito, punung-puno ng awa ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "I'm not the only single mom here on earth. Please, I don't need your pity. I can handle this!" balewalang sabi ko saka ako nagpakawala ng matamis na ngiti.
Kailan pa ako naging magaling umarte?
"How about sila tita at tito? Si kuya mo?"
Bigla akong natahimik. Unti-unting nawawala ang pekeng ngiting napagkit sa aking mga labi.
Letting out a soft sighed, I looked down at my invisible bump. "Wala na akong magagawa, andito na ito, diba?" lumunok ako saka tumitig sa kanya, pilit pinipigilang pumiyok, at wag bumagsak ang mga luhang kanina pa nag-aabang ng tsansa. "Kung hindi nila matanggap, then I'll leave. Maghahanap ako ng trabaho, titigil muna ako sa pag-aaral," mabilis kong dagdag. "I don't want to abort this baby, Cheska. No!" matigas kong desisyon at tumango-tango ito.
"Basta, pag may kailangan ka, I'm here, okay?" saka mabilis itong lumapit sa akin saka ako niyakap.
"Pwedeng makiyakap din?" masiglang boses ni Laurent ang nagpahiwalay sa amin. Ang lapad ng ngiti nito na lumapit sa amin.
Mabilis namang tumayo si Cheska at hinarap ito. Madilim ang anyo ni Cheska na para bang papatay ito. "Ikaw!" tumigil bigla si Laurent sa paglapit sa akin. Tumaas ang isa nitong kilay na hinarap si Cheska. "Nasaan ang magaling mong kaibigan?" matigas nitong tanong.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
RomanceCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...