LOVELY TRAGIC

17 0 0
                                    

Hindi na ako mapakali, mamamatay na ata ako sa kaba. Yung kamay at paa ko nanlalamig na. First day of class ngayon at nalipat ako sa star section, andito yung dati kong bestfriend na classmate ko dati kaso lang nalipat siya dito, hindi na kami close ngayon at ang pinakaworst andito yung crush kong two years na. Sa lahat ng section, star section ang pinaka ayaw kong mapuntahan para kasing masusungit, maaarte, mapagmataas at puro  competition ang alam nila.

Umakyat na ako at parang nag slow-mo yung paligid ko nung pumasok ako sa room, dalawa pa lang kami. Umupo ako sa gitna. Kung ano anong negative ang pumapasok sa utak ko

Paano kung wala akong maging kaibigan dito?

Ayoko dito, gusto kong umiyak

Hindi ako mabubuhay dito

Magpapalipat ako ng section, ayoko dito.

Lalong dumoble yung kaba ko ng unti unti na silang dumadami. Grabe yung relief ko nung nakita ko yung kasama kong classmate na nalipat din

"Yassy! Dito ka! Grabe buti nandyan ka! Hindi ko alam gagawin ko pag mag isa lang ako dito" mangiyak ngiyak na sabi ko

"Tris! Omg! Buti na lang nandito ka rin. Ayoko dito."

"Ako rin" tsaka siya naupo sa tabi ko. Si yassy ay half- filipino at half-cyrian.

Kumpleto na kaming lahat at sobra sobra na lang yung kaba ko. May sari sarili silang grupo at lalo akong nag overthink, naiiyak ako. Si Ian yung dati kong bestfriend, babae siya. May sarili din siyang grupo.

"Goodmorning class, I'm your adviser for this year. My name's Lye Pardon. Siyempre hindi pa tayo magkakakilala so I would like you to introduce yourself one-by-one here infront."

Hindi na talaga kumalma yung kaba ko, kung kanina doble lang ngayon triple na. Ok lang sakin na magpakilala sa harap pero iba yung sitwasyon ngayon. Ako na yung next kaya naman rinig na rinig ko yung bawat tibok ng puso ko, para tong lalabas sa ribcage. Pati pawis ko namumuo.

Pumunta na ako sa harap at pagkaharap ko lahat sila nakatitig sakin. Sa sandaling yon feeling ko huminto yung oras pati crush ko nakatitig sakin, nasa harap pa man din sya. Sinimulan ko na magpakilala at pilit kong nilalabanan yung panginginig ng boses at tuhod ko.

"Hello everyone, I'm Astrid Salva. I'm 12 yrs old and my birthday is on July 6, 2003. I live in bagongbayan, bulacan." pagkatapos kong magpakilala bumalik na ako sa chair ko at dun ko naramdaman yung sobrang pagkanginig ko, sobra din yung pawis ko nun.

Ilang beses pa akong nagpakilala sa harap at para akong tinotorture ng kaba sa bawat subject na dadaan. Sa wakas! Uwian na pero wala akong gana.

Pagkauwi ko iisipin ko pa lang na papasok ulit ako bukas, naiiyak na ako. Kung ano anong naiisip ko. As in. Ibang level yung pag ooverthink ko nun.

Nagkaroon ako ng mental breakdown dahil dun. Wala akong ganang kumain, sobrang natatakot at na dedepress ako, lagi akong nag ooverthink hindi ko mapigilan. Kahit icomfort nila ako hindi tumatalab. Umiiyak ako lagi. Mga one month akong ganun, takot na takot ako. Iisipin ko palang na may pasok gusto ko ng magdrop sa pag aaral. OA pero yun talaga yung nararamdaman ko. Nagtuloy tuloy lang yun hanggang sa unti unti na nila akong pinapansin at nasasanay na akong classmate ko sila. Yung negativity ko unti unting nagiging positive pero pag uwi sa bahay, nag memental breakdown ulit ako. Super depressed ako that time.

Nagkaroon kami ng groupings noon at kagroup ko yung crush ko, siyempre una akward at lintek lang kasi ako yung leader, nakakahiya. Nakakausap ko siya at bigla akong naturn-off dahil ang stiff niya. Mukha siyang anime at naging crush ko siya dahil one time nung gr. 8 ako nakaduet ko siya sa classroom at ang ganda ng boses niya, ang manly. Pero yun nga biglang nawala yung crush ko sa kanya.

Unti unti pinipilit kong maging positive at makipag friends at successful naman pero tahimik parin ako.

One time noon, nilapitan ako ni Ian at sinabay niya ako sa kanilang makilunch, super op ako noon sa kanila. Medyo okay naman yung result ng araw ko kaya naman pagdating ko sa bahay namin, kumain at nakipagskype ako sa ate ko tapos dun ako umiyak ng todo. Ang hirap kaya magpanggap na okay ka pero sa totoo naman umiiyak ka sa loob. Pagkatapos namin mag skype nagpray ako kay lord at natulog na ako.

To be continued......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lovely TragicWhere stories live. Discover now