Locked in Love (TDG FanFic Story)

2.4K 45 31
                                    

We only have 3 months left....

grabe ang bilis ng oras.

Hindi ko maimagine na gagraduate na kami...

Joke. Naiimagine ko naman, syempre Valedictorian ako eh. Naiisip ko na nga ang pagtawag ng pangalan ko sa stage, pag-abot ng medals and gifts at ang pagdeliver ko ng speech ko. Hahaha! Odiba taray!

But the sad thing is, matatapos na ang aming HIGHSCHOOL LIFE.

So eto ngayon, kailangang i-enjoy namin ang aming Last School Fair:( astig nga eh. Hapon hanggang gabi 'to. Haha! May mga booths syempre tsaka rides. Tapos mayang gabi may concert. Wag na kayong magtaka kung pano nagkasya lahat 'to sa school namin. Malawak ang aming sintang paaralan. Yamanin. Hahahaha!

"Jersey!! Hooooy!"

ugh. Kilala ko na kung sino ang tumatawag sakin. Boses pa lang niya na super gwa-- este mapangasar, alam na.

Si Kevin

ang antipatiko, masungit, maepal,papampam, mayabang, at maepal, at papampam at....... OK SIGE FINE, ang Matalino at Gwapo kong GUY BESTFRIEND.

Naging close kasi kami nung patapos na yung second year. Kung kailan nakipagbreak sakin si Paul. I was having a hard time to move on hanggang 3rd yr but Kevin helped me. Lagi kaming magkasama kaya ayun, naging close kami.

Well, sad to say, pero bestfriend LANG turingan namin ngayon eh. Bitter ba?haha!eh kasi I think I love him na, pero siya, he thinks may pag-asa sila ni Maxene na love niya daw since whenever. Tch. Stupid right? He even followed her at Germany! Dunno what happened pero ayun bumalik rin dito sa Pinas. Siguro namiss ako. Joke! Feeler much. XD

So much for that, ayun pagkarinig ko sakanya e tumakbo ako palayo. Ahehe! Mang-aasar lang naman yun e!

"Hoy Jersey wait!" hinabol nya ko, so binilisan ko pa tumakbo. Nagtatago pa nga ako dun sa maraming tao para hindi ako kita. Pero syempre, dahil sya na magaling, nakita nya ko. -.-

"Jersey naman e! Wag ka ngang epal! Nagpapahabol pa eh. Kagwapo naman ng tumatawag sayo tinatakbuhan mo pa."

Sabi sainyo eh. Ang yabang talaga ng lalaking 'to!

"Eew Kevin! Ganyan na ba talaga kataas tingin mo sa sarili mo? Hindi kita tinatakbuhan, hinahanap ko lang sina Sath at Amae. Malay ko bang tinatawag mo ko."

Tama yan Jersey, magdahilan. Hahaha!

"Weeeehhh??? Lulusot ka na nga lang hindi pa benta."

"WHATEVER! ANO NANAMAN BA KASI??"

"MAKASIGAW KA NAMAN! Devil Woman Mode ka nanaman eh! Kaya kita tinatawag kasi pupuntahan na natin sila Jerro dun sa may benches! Andun kaya sila kasama sina Amae!"

"ah. Ganun ba? sana sinabi mo agad! Osya tara!"

Tapos hinila ko na sya. Babagal-bagal eh! malapit na kami kina Sath at Jerro at sa iba pa kaya lang nagulat na lang kami ni Kevin nang biglang may kumuha sa kamay namin at pinosasan pa.

"Anong trip naman 'to?!?"

Tanong ni Kevin dun sa babaeng nagposas sa kamay namin. Tinignan ko din yung girl.

"Sorry nahuli kayo e! Lahat kasi ng couple na mahuhuli namin eh kasali na sa game."

"COUPLE?!? MUKHA BA KAMING COUPLE?? EEEW HA!"

Syempre joke ko lang yun. Gusto ko ngang matawag na couple kami eh :"> Pero ayoko kasi talaga kasama 'tong Kevin na 'to! Panigurado asar lang abot ko dito!

"Eew ka dyan! Ako dapat nagsasabi nun! Feeling mo naman gusto kita maging partner. Tsk."

Aba! Sasagutin ko na sana kaso narinig kong naghihiyawan sila Amae.

Locked in Love (TDG FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon