June 04, 20 --
"Ma'am ako po! Kami, kami!" pagpupumilit ni Jillian sa teacher namin habang nakataas ang kamay para maka-recite.
"Pampa-impress 'to ano ka ba... kapalan na natin muka natin at magkakilala naman tayo, buti nga eh, sila nga't hindi naman sila magkaka-kilala kaya mga nahihiya pa yang mga 'yan." bulong nya sa akin bago nya ako hinila patayo para pumunta sa unahan.
Takbo. Hila.
"Good morning to all of you! We are here to introduce ourselves. Let me do this first and she'll follow." bati nya sa mga ka-eskwela namin sa pinaka mahinhin at fearless na boses. Confident na confident ang babae!
"I think you should introduce the other and vise versa, natural, nandyan na naman kayong dalawa sa unahan... gawin na natin by partner." singit ng prof. namin.
"Sure!!! Sige po Ma'am. ^____^" cheerful na sagot ni Lian.
"Kaya class, dapat kausapin 'nyo na yang mga katabi ninyo at magkakilanlan na kayo~" sabi 'nung prof. namin sa mga kaklase namin na naiwang nakaupo sa mga kani-kanilang upuan.
"Well~ *ehem* she's Angelica Loraine Ayala. As you can see, she is a cute, charming, friendly-- kahit hindi naman halata, cheerful-- lalong hindi halata, and syempre, kind-- kahit may kalokohang taglay na babae, and I call her Beff-- because she's my best friend, we both graduated from the same school." pakilala niya sa'kin with pa-cute effect pa sa teacher and classmates, "A child of an Engineer and a Dancer-Photographer." dagdag nya pa.
"And oh~ NBSB >:))))))" leshe! Pati ba 'yun, idagdag?
Syempre, dahil nga 'GOOD-SHOT-EFFECT' ang drama namin ngayon, ngumiti nalang ako sa lahat at binigyan ko sya ng 'HUMANDA-KA-NA-SAKIN-AKO-NA' look.
"Good morning sainyong lahat, sya *SabayTuroKayLian* po ay si Jillian Choy. Gaya nga ng sinabi nya kanina, graduate kami sa iisang school and best friends kami..." nakangiti at patango-tango pa sya sa mga sinasabi ko. NGUNIT! SUBALIT! DATAPWAT! 'nung may idagdag ako.
"...isang MADALDAL, ECHOSERA, SAKSAKAN ng bait at matalinong bata."
*TANGO-TANGO* + *Napa-Stop* = *KILLER GLARE*
"Nakakatawa kayong dalawang mag-best friend! Ms. Ayala, wala bang positive sides na maishe-share tungkol sakanya??" tanong ng prof namin with a smile at hagikhik ng mga kaklase namin. Para kaming CLOWN sa unahan.
"Ay Ma'am madae po, kaso baka lumaki ang ulo. ^_____^" sabi ko na lang.
"No hija. That's the reason why you're standing infront of us... so spill the beans." pag-pilit 'nung teacher.
"Well then, here it is. She was the most famous dancer way back there in our Alma Mater. Salutatorian, and a member of our school choral. She also plays the guitar--" hindi pa ko tapos sa pag-eexplain ng positive sides ni Lian, pinutol nya na ito at dumakdak din.
"And she was the Valedictorian of our class. A vocalist of our band, guitarist as well, and a great swimmer." after nya magsalita, nakatanggap ako mula sakanya ng 'AKALA-MO-IKAW-LANG-AKO-DIN' look.
Nagtawanan ang buong klase kaya nadala na kami sa mga pagtawa nila.
May nag-bell. Hudyat na 'yon ng BREAK namin. At saan ka pa? 3 hours po ang break namin. Pwede na ata umuwi't bumalik nalang ulit mamaya. GRAVITY (Grabi, 'te!).
