Tinext ako ni crush! (ON-GOING) (INSPIRED BY A TRUE STORY) :)

83 2 0
                                    

~.~.~.~.~.~.~

Hi there! ako nga pala si Yathz :) eto nga pala ang first na ginawa kong story :) ang “TINXT AKO NI CRUSH!” based toh sa totoong buhay ko. Yung nagkaroon ng crush sa isang Hearthrob!..  This is a nice story. Kaya ko naisipan na i-Wattpad toh dahil madami na ang nagsasabe na maganda ang Love story ko. Actually galing talaga to sa Diary ko kaya umasa kayo na TOTOO talaga toh (-^.^-) may iniba lang akong details like name nung crush ko and so on and so fort. Para hindi mahalata nung mga nakaka-kilala sa akin xD. kfine! So much for that Intro let’s start to the story line guys and gals >=) muah!

~Chapter 1~

Oh my GOSH!!!! YEHEY!! TOTOO BA TO!????!  Natalo ko ngayong Intrams Chess yung 4th year student na kapatid ng kaklase kong new student at Valedictorian na si Rizelle Jane Gabor. Ay oo nga pala! Ako pala si Yathz Vispo ng 1st year class or Grade 7-Haniel. Grabe! Akala ko talaga matatalo na ako at magiging ‘FOREVER LOOZER!’ hindi pala! Yieeeeepeeee! Eh paano ka ba naman hindi mawawalan ng pag asa kung yung kalaban mo SOBRANG GALING!!??! Grabe! Nakakakaba!!!.. at ito pa ang malupet! Ngayon ko lang nalaman na kasali pala ako sa game nato! Takteng yan wala kasing nag-iinform sa akin. Maririnig mo na lang yung mga salita galing sa mga kaklase mo na nagsasabe ng ‘GO YATHZ! Kaya mo yan! Isipin mo mabuti tira mo ok!’ tapos mapapaisip ka na lang bigla dahil kasali pala ako sa CHESS!!?? Hindi pa ako nakapag-practice! Tsk. Buti na nga lang at BOARD B ako. Kaya lang may problema eh… lahat ng magagaling at matatalino sa Chess nagkumpulan sa Board B para sure daw na panalo sila! Kaya ayun! Nahirapan tuloy ang utak ko. awww wawa naman ako. HAHAHAHA nagdrama na eh. *sigh* oo nga pala! May isa pa akong problema!! UGHHHHH! May isa pa akong game later!! ANO BA NAMAN YAN!! May DAMA pa pala! Ngayon ko nga lang din nalaman yan eh. Di bale na nga! Ayos lang yun. Mananalo pa din kaya ako!?? HAHA first time ko lang kasi sumali ngayong intrams eh.

10:00 am na! Baka tawagin na ulit kami para sa DAMA na yan! Babalik na ako sa room namin baka kasi ma-disqualified ako sa board A dama kapag hindi ako nakapunta. Mahirap na! hahahaha.

“Sophia! Sige aalis na pala ako alam na! baka ma-disqualified! HAHAHA. Sayo na lang to!” sabay abot sa Spaghetti.

“Sira! Ayoko na! Antakaw ating dalawa kasiiiii eh! Ayan tuloy nasusuka na ako sa super busog. Tingnan mo nga oh, ang dami na nating kinain. Tataba ako sayo eh! HAHAHAHA.” Sabay tawa naming dalawa. Ang babaw ba namin!?? HAHAHAAHA. Masanay na kayo! HAHAHA.

“Oy Sophia, sama ka muna sa taas?? Mamaya pa naman game niyo sa table tennis diba? Sino next mong kalaban?”

“Si Ate Chello nga ng 4th year yung kalaban ko eh! Badtrip! Single A kasi ako! Tsk.”

HAHAHA GO Sophia Bestfriend! Ayun. Umakyat na kami. Magsisimula na pala yung game for dama pero umalis na din si Sophia dahil bawal nap ala siya pumasok. First palyer na nakalaban ko ay si ate Bernadette ng second year. Tapos yung 2nd player naman ay si ate Regina ng 4th year. Ngeeeeekz! Talo parehas na game! HAHAHAHA. At ang last player na makakalaban ko ay si………………….. OMG! Ang ganda niya talaga! Teka! OMG! GOSH!! Si hipag ba to?? HAHAHA JOKES!! Kapatid kasi siya ng long time crush ko! AWTSU! Lumalandi nanaman ako! HAHA. Ok., FOCUS YATHZ!! Si ate Erlen Joyce Lopez ng 3rd year. Ang ganda niya talaga! Simple but pretty. Aba! May strategy pala tong si ate Erlen eh. Nakatayo habang naglalaro!??

“Oy Erlen! Umupo ka nga!” Tumawa na sinabi nung ibang players what I mean is yung mga kaklase niyang players.

“Eh! Hindi ako sanay. Wag nga kayo mangielam” Tawa ni ate Erlen.HEHEHE ang cute naman niya.

Ayun! NGEK NGEK! NATALO AKO! BADTRIP! Bumaba na ako para manuod ng volleyball sa Ground floor. Pero nakasalubong ko si Sophia na tila badtrip!??

“Oy babae!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tinext ako ni crush! (ON-GOING) (INSPIRED BY A TRUE STORY) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon