Detention

7 1 0
                                    

Liana

Hi !! I'm Lovely Liana Luz Vergara haba nang pangalan ko no. Sana dinagdagan pa nila halata naman kasing tinipid nila nang sooooobra ang napakaganda kong pangalan. *insert sarcasm*

Teka lang ah mamaya na ako magpapakilala nang mabuti sa inyo kasalukuyan kasi akong nagtatago ngayon sa napakalaking halaman. Kailangan kong manahimik baka makita nila ako. Hay, araw-araw ko nalang ginagawa to, everyday routine kumbaga, kaya routine ko na din ang ma late everyday, leche. Buti sana kung hindi ang panot naming teacher ang 1st subject pero sa kasamaang palad siya ang palaging nakakasaksi sa pagiging late ko huhu. Teka anong oras na ba.

(tingin sa relo)

7:32

Waaaahhh late na ako huhuhuhu anong gagawin ko. Kung bakit kasi ginawa sa mundo ang bully na si --- ahh basta hindi ko masikmura na banggitin ang pangalan nang kina iinisan kong tao bwetit. Kailangan ko tuloy maghintay na makapasok lahat nang estudyante para makapaglakad ako nang matiwasay sa hallway.

bzzzzt bbzzzzt

Hala asan na yung cellphone ko nag vibrate kasi.

(Kapa) (Kapa)

Ayun nasa bulsa ko pala

Text Message

from: bungangera

hOoOy, babAeta sAn ka Na nMan nag maLa dora Da ExpLorer.

to: bungangera

ehhh, esCuse mO muNa aKo Bes SabiHin mo Nag C-cR akO.

bzzzzt bzzzzzzzt

from: bungangera

waG ka nGa Luzita, hNDi na NaniniWaLa si ProF sakiN, ikAw ba naMan arAw-arAw maLate sinOng di magduDuDa.

nakuuu nagbubunganga na naman si bes. Paano ba to, hmmm *isip-isip* *ting* bahala na nga. Kumuha ako nang malaking dahon at tinakpan ang mukha ko.

*tingin kaliwa* *tingin kanan*

Wala naman nang masyadong estudyante konti nalang. Ok na siguro maglakad papunta sa classroom ko. Pero para makasigurado dala-dala ko parin ang dahon at tinatakpan parin ang maganda kong face. Heh wag ka magreact, maganda ako sabi nang nanay ko.

Naglalakad ako nang mabilis at nanalangin na hindi ako makakita nang pangit na ayaw na ayaw kong makita.

Ayan na, malapit na ako sa classroom isang kilometro nalang. Bilis Lian, malapit ka nang umabot binilisan ko lalo ang paglalakad ko may ibang tumitingin sakin nang may halong pagtataka tapos tatawa. Nakarinig din ako nang bulongan. Bahala sila alam ko namang mukha akong sira sa porma ko ngayon. Pero para sa kapakanan nang aking subject na Physics kailangan kong gawin to baka bumagsak ako't kurutin pa ako sa singit nang nanay ko.

Hooh, konting bilis pa Lian. Nakikita ko na ang teacher kong panot na nagtuturo sa harap. Naka side kasi ang pintuan at deretcho iyon galing dito sa hallway na nilalakaran ko ngayon, sampung hakbang nalang aabot pa ako sa klase ni panot.

"Oh there you are my Lovely Luz" nanigas ako bigla. Shit !! nooooo, sa sobrang taranta ko nahulog ko yung dahon at kitang-kita na ngayon ang buo kong mukha habang nanlalaking nakatingin sa nakangising mukha ng taong sinusumpa ko ng sobra, kung minamalas ka naman oh. Bago pa niya maihakbang ang paa niya tumakbo na ako nang mabilis at dahil malapit na malapit nalang yung classroom namin eh nakapasok ako nang hindi niya naabutan.

"YES SUCCESS" sigaw ko. Hahahaha nakatakas din ako salamat sa diyos at nilayo mo ako sa alien na tibuan nang mukha mwahaha.

"Success what Ms. Vergara. At bakit late ka na naman, pumasok ka pa" napalingon ako bigla at doon ko napagtanto na nakatayo ako sa harapan ng mga kaklase ko at tinabunan ko na pala si panot na natigil din sa pag discuss sa harapan. Lumingon ako kay panot at sinalubong niya ako sa kilay niyang nalalagas na din pffft haha.

Nakataas ito at halatang hindi nito nagustuhan ang pag sulpot ko sa kalagitnaan ng klase niya. Napakamot ako sa ulo.

"ah eh s-sir ano kasi hmm." huhu wala akong maisip na palusot.

"Ano Ms. Vergara sumakit ba tiyan mo, nadapa ka sa bahay niyo, na traffic ka sa paglalakad, nag cr, ano pa ba Ms. Vergara baka may gusto kang idagdag" tawanan naman ang mga kaklase ko habang sinasabi ni panot lahat nang escuse ko huhu nakakahiya kailangan kong maghalukay nang escuse sa baul ni lola.

"ah eh sir, nag cr po talaga ako tapos na late po ako kasi tumae pa po ako hehe kaya po success." pilit akong ngumiti sa harap ni panot at nag peace sign kahit nakakahiya masyado ang naisip kong palusot atleast meron.

Naiiling na tiningnan ako ni panot huhuhu kagatin mo naman ang palusot ko kundi ang ulo mong panot ang kakagatin ko huhuhu.

"To detention Ms. Vergara." Nooooooooo. Bagsak ang balikat ko, patay ako kay mudra nito siguradong bawas ang allowance ko ngayong linggo huhuhu. Isa lang ang may kasalanan nito.

.....

.....

.....

BLAKE ZOREN BUENAVESTA wait for my revenge.

*****

hoooooooo graveh intense.Joke XD please do read my story guys. I have another story din po entitled Immortal Pleasure and The Run Away Bride. On-going pa po ang dalawang yan pero I'll do my very best na makapag update agad-agad pag hindi busy. Thank you :)

VOTE
&
COMMENT

JhelleyBaby

POISON Turns To A LOVE POTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon