___
" nay aalis lang po ako, maghahanap lang po ako ng pera pambili ng gamot para sa inyo "
Sabi ko kay inay habang hinihimas ko ang kanyang balikat para maibsan ng kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman
" Saan ka naman hahanap ng pera? "
Sabi nya habang sya'y hirap sa pag ubo
" Ako nang bahala don nay "
Buong ngiti kong sinabi sa kanya... lumabas ako ng aming bahay na punong puno ng kaba at takot...
___
Pumasok ako sa loob ng isang simbahan simbahan... akoy halos mapaiya dahil sa ako ay nakukonsensya sa aking gagawing bagay
Lingid sa kaalaman ni nanay, ay gagawa ako ng bagay na masama
Habang nag mimisa ay lihim akong nag mamasid sa loob ng simbahan nag hahanap ng taong aking mabibiktima
___" Ano ba ang sabi sa bibliya?, dapat gumawa nang mabuti, wag mag nakaw, wag mag sisinungaling , dahil ikaw ang aani ng parusa "
Sabi nang pari... halos lunukin ko ang aking sarili sa sobrang hiya...
" Lord, patawarin nyo po ako, kailangan lang po kasi ng gamot ni nanay "
Napatingin ako sa kaliwang dulo ng pintuan at may nakita akong isang matandang babaeng nag lalakad at sya'y aking tinulungan, dahil sya ay na hihirapan sa mga buhat nya...
" aleh!, tulungan ko na po kayo "
" Ay, salamat jiho, kaawaan ka nang diyos "
Kung alam lang nya... halos nasa impyerno na ang aking kaluluwa...
At ibinigay nga ng matanda sa akin ang mga dala niya , pati narin ang bag nya, hanggang sa uupuan nito, lingid sa kaalaman ng matanda ay dahan-dahan kong kinuha ang wallet ng nya
" aleh, aalis na po ako "
" salamat jiho, maraming salamat "
" Sige po! "
Mabilis akong tumakbo palabas ng simbahan... nag hahalo ang takot... kaba... at tuwa... dahil sa wakas... meron na akong pambili ng gamot ni nanay
Habang akoy tumatakbo... halos... tumigil ang tibok ng puso ko... gusto kong umiyak, gusto kong magalit, gusto kong tawagin si nanay, gusto ko siyang yakapin, ng sobrang higpit...
At sa wakas... natatanaw ko na ang botika... makaka bili na ako ng gamot ni nanay
___
" Ate! Pabili nga po ng gamot "
Iniabot nya sa akin ang gamot... sa wakas... meron ng gamot si mama... maiibsan na ng bahagya ang sakit na nararamdaman nya
Tumatakbo ako na parang naka lutang sa alapaap... hindi ko alintana ang mga taong sa akin ay bumabangga...
Wala akong paki alam sa kanila...
Nay... meron ka nang gamot...
___
" Nay! Nay!, may gamot na po kayo! "
Masaya akong nag sisigaw habang mabailis na tumatakbo pa punta sa kwarto ni nanay
Nakangiting sumalubong sa akin si nanay...
Lahat ng kaba... takot...
Lahat ng iyon ay nawala... napalitan ng kakaunting luha sa gilid ng aking mga mata
" Talaga anak?! "
" Opo nay! "
" Salamat anak, sabi ko na nga isa kang mabuting tao "
Ako ay kanyang niyakap... dahil sa sobrang saya...
Kung alam lang niya..
Nay... patawarin nyo po ako...
YOU ARE READING
ANDREI
Randomkahit gaano man kabuti ang iyong ginawa, basta't itoy galing sa masama, ito ay mali parin