I love you...anong sagot mo?

104 1 1
                                    

Chapter 1

Drew's Pov

Halos mabasag na ang eardrums ko sa lakas ng tilian ng mga babaeng estudyante sa gym. Kahit malayo ang gym sa library na kinaroroonan ko ngayon ay rinig na rinig mo pa rin sila. Practice game kasi ng black hunters.

Black Hunters, sila iyong basketball team ng Westwood University. Ewan ko ba kung bakit baliw na baliw ang mga babaeng estudyante sa kanila.

Oo, kung looks lang ang pag-uusapan panalo sila at kabilang rin sila sa kilalang pamilya.

Pero kung sa ugali at tamang asal ang pag-uusapan...nevermind.

Bully, playboy, at kung anu-ano pang masasamang ugali ang meron sila.

Hindi naman sa nagiging anti ako sa kanila...sabihin na lang natin sila iyong tipo ng tao na ayoko.

Kung iniisip niyong nerd ako at manhater ay nagkakamali kayo. Ordinary college student lang din naman ako. May ganda at talino naman ding maipagmamalaki sa inyo.

Drew Caleah Lanierre ang buo kong pangalan. Mas gusto kong tinatawag akong "Drew" kaysa "Caleah". Mayaman rin naman ang pamilya pero hindi kasing yaman ng ibang pamilya ng mga estudyante rito sa WWU.

"Nakakainis naman ang ingay ingay." naiinis na sabi ng nerd na si Yngrid

Suki 'yan dito sa library kaya kahit papano kilala ko. Nasa kabilang mesa lang siya at may tambak na libro sa gilid niya.

"Hindi na kayo nasanay. Ganyan naman lagi kapag may practice game ang Black Hunters."

Napalingon ako sa likuran ko. Si Helena pala iyong nagsalita. Campus Witch ang bansag sa kanyan ng mga estudyante rito sa WWU, may pagkaweird din kasi ang isang 'yan.

"Hindi tuloy ako makatulog." humihikab pang sabi ni Sasa.

Boyish 'yang si Sasa pero saksakan naman ganda.Nakakatibo ba?

Kaming apat at iyong matandang librarian lang ang nandito sa library. Hindi kami ganoon ka-close pero kilala namin ang isa't isa.Araw-araw ba naman kaming nagkikita rito eh.

May kanya kanya kaming dahilan sa pagtambay sa library.

Si Yngrid para magbasa.

Si Helena para magchant ng mga spell niya. Tahimik raw kasi rito.

Si Sasa, as usual para magsiyesta.

At ako wala lang...trip ko lang rito sa library gusto ko lang iyong atmosphere ng lugar.

Ennnnnnnnngggggggkkkkkk

Narinig ko na ang pag-buzz. Ibig sabihin tapos na iyong game.

"Finally." sabay na sabi ng tatlo.

Balik na sila sa sari-sarili nilang ginagawa.

Tumayo na ako sa kina-uupuan ko.

"Mauna na ako sa inyo. May klase pa kasi ako." paalam ko. Tumango lang sila.

Lumabas na ako ng library.

25 minutes pa bago magsimula ang sunod kong klase. May oras pa akong kumain. Tumuloy na ako sa canteen.

Bumili lang ako ng isang slice ng pizza at softdrinks.

Marami na rin estudyante sa canteen. Masaya silang nagkukwentohan tungkol sa game ng black hunters.

"Ang galing galing talaga ni Finn!" sabi nung mga babae sa katabi kong mesa.

"Supeeeer as in super galing niya!"

I love you...anong sagot mo?(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon