Chapter 37: The Fools Charade

170 6 0
                                    

Alexandra POV

"Hurry up wife!" Sigaw nya mula sa labas ng banyo. I sighed. Hindi naman ito ang pinangarap kong balikan namin but this is the best way I can have him again. Besides beggars can't be choosy right? "One more minute and I'm coming in."

"I'm coming out." Balik sigaw ko. Inabot ko na ang towel ng bigla kong maalala ang sinabi nya, nasasayo if you want to get pregnant again. Kung gaano ko kabilis naalala yon, ganon rin kabilis kong naalala ang nangyari kanina. Ash didn't use any protection and I am not on pills. Hindi ko napigilang mapahawak sa tyan ko. Could it be possible na may nabuo kami?

Teka, kailan nga ang huling menstruation ko? Anong araw ba ngayon? Bakit parang ayaw gumana ng utak ko? Tapos bigla kong naisip, paano nga kung naka buo kami ni Ash kanina? Hindi ko alam kung ilang besis kaming nagtalik kanina and Ash always comes inside me. Anong gagawin ko?

Do I want to get pregnant again? Honestly I don't know. Hindi ko alam dahil sa sitwasyon namin. I want him back yes pero may expiration ang pag sasama namin. Until I'm granted with Christian's legal adoption you will be my wife, pero pagkatapos non? Ano ang mangyayari? Maghihiwalay kami. At paano ang magiging baby ko kung saka sakali? Of course I want to give him a child o kahit ilan pa ang gusto nya, willing akong maging ina ng mga anak nya pero ganon na lang ba yon? Diba dapat naming pag usapan yon? Dapat parehas naming gusto, hindi yong ako lang.

"One minute is up. Bakit ba ang tagal mo?" He asked smiling as he open the door pero hindi ko alam kung bakit bigalang nawala ang mga ngiti nyang yon. "Are you fucking kidding me?!" Ha? Gulat na tanong ko sa isipan ko pero ang mas na ikinagulat ko ay ang biglaan nyang pag suntok sa pintuan ng banyo ko.

"What's wrong with you?" Nag tataka at puno ng pag aalalang tanong ko sa kanya. Pero ng hindi sya sumagot, nilapitan ko na lang sya para makita ko ang kamao nya na ngayon nga ay namumula na. Narrang kahoy ang pintuan ng banyo, malamang hindi sya sasantohin ng kahoy.

"Mag bihis ka na!" Sabi nya naman sabay bawi sa kamay nya saka nya ako hinagod ng nakaka pasong tingin saka ko lang naalala na wala akong damit at ang towalya naman ay hindi ko pa naibalot sa katawan ko kaya dali dali kong ibinalot ang katawan ko sa towalyang hawak hawak ko lang.

"Bakit ka ba bigla biglang nagagalit? Hindi kita naiintindihan." Naguguluhang sinabi ko sa kanya. Why is he mad?

"Ang sinabi ko mag bihis ka na!" Sigaw nya ulit. Bakit ba sya nagagalit?

"Ashton ano bang problema mo?" Nagugulohang tanong ko.

"You can't back out Alexandra! Nag usap na tayo tungkol dito." Ano bang pinagsasabi nya? "You can have your regrets but you can't back out now!" Mahinang pag kasabi nya na mas lalo lang nag pagulo sa utak ko.

"I am regretting what?"

"You know what? I don't care anymore! Damn it! Mag bihis ka na." Yon lang at umalis na sya ng banyo. Saka ko lang napansin na nakatayo lang pala ako don ng kinalampag nya nanaman ang pintuan ng banyo.

Seriously? Galit ba sya sa pintuan ng banyo ko? Pag labas ko ng banyo, wala na si Ash sa kwarto ko pero hindi ang mga bakas na iniwan nya, lalo na ang mga kalat sa kama. Ayokong galitin si Ash kaya mabilisan na akong nag bihis pag katapos basta basta ko na lang inilagay sa laundry bin ang kobrekama at ang mga damit kong hinubad nya kanina.

Pag labas ko ng kwarto nasa sala na sya naka upo lang habang tinitignan nanaman ang keychain at susi na ibinigay sa akin ni Trey.

"I'm ready." Naka ngiti kong sinabi sa kanya pero katulad ng kanina masama pa rin ang timpla ng mukha nya. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung bakit sya nagagalit pero kung ano man yon pipilitin kong bawiin yon. Nag sisimula pa lang kami at ayokong sa unang araw pa lang namin, ganito na kami kaya ng tumayo na sya kaagad ako umagapay sa lakad nya sabay hawak sa mga braso nya na ikinabigla nya pero hindi na nag salita.

Ashton, The Invisible Husband ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon