TAYO DIN PALA

15 2 0
                                    


💓

Ang dami ng pagsubok na napagdaanan
Pero lahat ng itoy ating nakayanan
Pinaglayo man minsan ng kapalaran
Pero heto tayo ngayon nagmamahalan

Nung unay pinaglaruan ko lamang ang puso mo
Pero bigla na lamang natutong umibig sayo
Akoy natauhan at nalamang may tao palang mas nagmamahal sakin ng todo
At ikaw yun, ang lalaking pinapangarap ko

Sa hindi inaasahang pagkakataon
Tayoy pinagtagpo ulit at hindi naglaon
Nagtapat ka ulit ng damdamin mo noon
At hindi ko malaman bigla na lamang nagkaroon

Naisip ko ngang nagpapakahirap ka
Pero napagtanto kong, sayo nga lang ako sasaya
Hindi ko mapigilan ang aking nadarama
Ngayoy nagtatakang sa huli, tayo din pala .

HUGOT FIL-ENG POEMSWhere stories live. Discover now