MATAGAL NA

628 1 0
                                    

Matagal na akong nasaktan kaya kung anong gusto mong sabihin mayroon kang karapatan.
Matagal na akong umiyak kaya kahit anong gawin mong sakit, wala ng malalaglag.
Matagal na akong durog, kaya ayos lang mahulog ng mahulog.

Kaya manatili ka muna.
Tatanggapin pa rin kita basta magpakumbaba ka.
Wag mo na taasan ang pride mo.
Binaba ko na nga yung akin para sayo.

Nilunok ko na pala lahat ng sakit na pinakain mo.
Wag ka mag alala busog na busog na ako.
Saktan mo nalang ulit ako mamaya kapag nagutom ako ulit sa sakit.
Matagal na naman akong nasaktan kaya wala ng pilit pilit.

Wag ka munang umalis.
Pakiusap.
Alam kong di na maayos pero dumito ka muna.
Padampi ako ng pisngi mo.
Payakap ako.
Kahit sandali lang iparamdam mo.
Di na ko iiyak kaya wala ka ng pupunasan pa.
Matagal ng naubos ang aking luha.
Matagal na akong naubos sa ginawa mo.
Matagal na, kaya pakiusap manatili ka muna.
Saglit lang naman ang hinihingi ko.
Kahit konti panghahawakan ko.
Saglit lang naman.
Pakiramdaman mo muna ko.
Eto ako.
Matagal na.
Matagal na tayo.
Matagal na ako.
Matagal na kong sumisiksik kahit wala akong lugar diyan.
Matagal na akong nagtitiis sa pag ibig na lokohan.
Matagal na.
Matagal ko ng alam na mayroon kang iba. Pero anong ginawa ko? Nanatili ako diba?
Kaya pakiusap saglit lang.
Manatili ka muna.
Gusto ko makasama ka kahit sandali lang.
Gusto ko lang ng paliwanag mo bago ka tuluyang lumisan.
Bago kita tuluyang pakawalan.
Pakisagot muna lahat ng bakit.
Matagal na akong nagtitiis.
Matagal na akong nananahimik.
Pakiusap.
Kung nagawa mo akong pagtaksilan ng ganun ganun lang.
Siguro kaya mo ring magpaliwanag sa  madaling paraan.
Bakit? Bakit kailangan mo pang manggamit?
Pwede namang isa isa lang.
Bakit hindi mo napigilan?
Kung nagawa mo siyang gustuhin kahit mayroon pang tayo, bakit di mo pa tinigilan?
Bakit di mo pa ako tinigilan?
Pwede namang isa isa nalang.
Sana namili ka nalang.
Hindi yung pagsasabayin mo pa.
Hindi yung hahayaan mo akong magpakatanga.
Hindi yung inaabuso mo ako dahil lang sa mahal kita. Hindi ganun yun.
Oo mahal kita pero sana una palang tinigil na, nung may ibang tipo kana.
Kasi ayokong magkasala ka.

Sana noon palang sinabi mo sa akin na may gusto kang iba.
Hindi yung pagsasabayin mo pa kaming dalawa.
Kase matagal na.
Matagal ka na palang may iba.
Nagpalasalamat ako sa aking mga mata.
At nagpapasalamat ako sa kanya, kasi nagagawa niyang pasayahin ka sa paraang hindi ko kaya.
Matagal na akong nagpapakatanga.
Sobra na.
Mahal kita.
Pero hindi ikaw yung lalaking hinahanap ko.
Masyado kang makati at di ko kayang kamutin yan.
Yung namamagitan sa inyo ng bago mo sana hindi lokohan.
Kaya sige umalis ka na.
Sapat na ang aking mga salita.
Matagal na kitang pinatawad.
Matagal na.
Kaya sige, pakasaya ka.
Pakasaya kayong dalawa.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon