" manang , ano po ba ang nakikita niyo sa kapalaran ko ? " tanong ko kay manang manghuhula
" ang iyong karera sa buhay ay magiging maganda , lalo na financially at may posibilidad na ma promote ka sa trabaho mo ! " paliwanag ni manang manghuhula
" Eh paano naman sa larangan ng pag ibig ? MASWERTE BAH ?!? " agarang tanong ko
" mukhang malabo ! Hindi maganda ! " malungkot na tugon ni manang manghuhula
" AY ! " paghihinayang ko " sige po manang , bayad po . Salamat " at umalis din ako ...
Ako nga pala si Cattleya , hanap ko ay totoong pag-ibig , pero simula nung highschool eh , minamalas na talaga ako sa lovelife . Tulad nung first boyfriend ko , tumutol lang yung magulang ko , yung kasunod , eh biglang pumunta sa ibang bansa at huli ay si Justin , yung pinakaminahal ako at pinaka minahal ako
*FLASHBACK*
" Catt , Halika , may ipapakita ako sa iyo ! " pagtawag sa akin ni Justin
Paglapit ko , binigyan niya ako ako ng isang necklace na ang pendant ay isang singsing...
" Tumalikod ka , isusuot ko ito sa iyo " dagdag niya
Siyempre , sa sobrang kilig eh magtutumbling ako sa kilig .. ikaw ba naman ang ganituhin
"aiissshhh" rinig kong mukhang naiiritang sabi ni Justin ...
Gumulong kasi yung singsing sa may kalsada
Nang kiniha ni Jusstin , nasagasaan siya ng van .
Di matangal sa kamay ni Justin ang necklace , at ang singsing ay hindi na namin ulet nakita
* END OF FLASHBACK *
Haiiishh ! ang buhay nga naman parang life. maganda na man ako ah !
Pagkarating ko sa kompanyang pinagtratrabahuan ko , si Carl kaagad ang bumungad sa aken...
" Catt , Halika may ipapakita ako sa iyo "sabi ni Carl
Ang katagang iyon , ngunit di ko ito gaanong pinasin . Tiningnan ko yung envelope , pagkabasa ko ... isang PROMOTION LETTER !
" Everyone , si Catt na ang magiging bagong assistant manager ng ating kompanya ! " Sigaw ni Carl at nagpalakpakan ang mga officemate namin
Tama nga yung manghuhula !
" Catt , alam mo namang mahal kitanoon pa man diba ? di mo pa ba ako sasagutin ? Can you be MINE ??? " hawak hawak ni carl ang kamay ko
Mali rin pala yung manghuhula , swerte parin ako sa pag-ibig !
" YES YES ! OO NAMAN " matalon-talon ako satuwa ng pagkakasagot ko
Simula nung naging kami ni Carl , kada gising ko parang may saysay na ang buhay ko , at ayaw ko naring magpahula !
>>> PAGKALIPAS NG ILANG TAON <<<
* KRIIING !! KRIIING !!! *
" hello ? sino to ? " tinatamad na sagot ko
" ako ito hon , HAPPY ANNIVERSARY " sagot ni carl
" HAPPY ANNIVERSARY din " masayang bati ko naman
" Magkita tayo ngayong 8:00 pm , may sasabihin ako sa iyo ! " sabi niya
Sasagot pa sana ako pero in-off niya kaasad ang kanyang phone !
Medyo bastos ! Pero ayos lang , baka nga eh magpropropose na siya aken
AYYIIIE !!! kilig much din ako ..
Alam ko na , bibili nalang ako ng cake at mag susurprise visit ako sa kanila !
Pagkarating ko sa bahay niya , may narinig akong may kausap siyang babae
" oh , kamusta ang plano moh ?"
" manager na siya kaya mas marami na tayong mahuhuthut na pera "
Sinipa ko ang pintuan at nakita ko sila ng babae nya na nakahubad . Itinapon ko sa pagmumukha nila yung cake at agarang umalis !!
" Baket ganun ! ginawa ko naman ang lahat . bakit ganito parin .... ?? " tanong ko sa sarili ko habang umiiyak...
May lumapit sa akin at nag alok ng panyo niya !
" Salamat " pagtingin ko sa lalaki , ang POGEEEEE !!!
LOVE AT FIRST SIGHT na ata to ?
Tiningnan niya ako ng maigi at nagsalita
" TEH ! ang ganda ng hairlalu mo ? saan ka nag paparebond ? magmamala dora aketch ! wag na mag cry cry . sayang ang eyeliner ! "
Medyo matawatawa ako sa sarili ko , na pati bakla malapit ko nang patulan
PERO biglang nabalin ang mata ko sa kamay niya , yung singsing na binigay sa akin ni Justin !
MALAY MO , SIYA AANG MAGBUBUO NG LOVESTORY KO !
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTE , COMMENT AND FOLLOW ME KUNG NAGUSTUHAN NIYO ANG STORY KO !! THANK YOU