*typing*
Hello po. Pwede makaabala? May sasabihin lang po sana ako. Gusto po kasi kita.
“Mukhang papansin at painosente.” Napangiwi kong sabi. Haaayyyy.
*backspace* *backspace* *backspace* *backspace**backspace*
*typing ulit*
Psst. Gusto kita!
“Ahhh! Ang aggressive naman masyado pag ganun!” inis na sita ko sa sarili ko.
*backspace* *backspace* *backspace* *backspace**backspace*
Waaaaahhhh!! Para na akong baliw dito. Hindi ko naman alam kung pano ko sasabihin yung matagal ko nang feelings sa kanya. Ngayon ko nalang sasabihin. Graduation naman na bukas eh. Atleast hindi ako magsisi sa huli.
Eh pero, pano ko sasabihin? Hindi ko kaya in person. Pag ganun? Naku! Mahihimatay lang ako sa kaba no! Atleast kapag dito sa facebook eh kakayanin ko pa. Pero kailanagan ko ng ultramega super-duper strong na courage para aminin kay Xander na gusto ko siya. Ay mali! Mahal ko na pala.
Waaaahhhhh!! Pano ko sasabihin? Naman eh. Ganito pala kahirap umamin? Hay. Kaya ko to. Eto na talaga ang isesend ko sa kanya.
*typing na super last*
Siguro nagtataka ka na kahit hindi tayo friends sa FB eh nagmessage padin ako. Sana mabasa mo itong message ko. Graduation na kasi bukas at gusto lang kitang i-greet dito, kasi hindi ko kaya pag harapan. Maliban doon, may aaminin kasi ako. Matagal na kitang gusto. Ay mali, matagal na kitang mahal. Nagsimula yun nung naging kaklase kita nung garde 5 nang magtransfer ka sa school. Kapansin pansin ka kasi dahil gusto ka ng marami. At hindi ko maipagkakaila na isa ako sa marami na iyon. Hindi naman tayo nag-uusap ni hindi ko nga alam kung nag-eexist ba ako nun eh. Hindi kasi ako nakikihalubilo sa tao pwera lang kung kailangan. Tahimik lang kasi ako. Pero simula noon, hindi na ako tumigil na sundan ka at nalaman ang bawat detalye sayo. Kung san ka nakatira, kung anong mga tambayan mo, mga kadalasan mong kasama at ang barkada mo. Nalaman ko rin na mayaman pala kayo at ang taas taas mo kaya mas nanghina na naman ang loob kong makipag-kaibigan man lang sana sayo. At hindi ko nga nagawa, kaya hanggang sulyap nalang ako sayo. Gusto ko lang ulit sabihin na MAHAL NA MAHAL KITA. Sorry kung naging stalker mo ako simula noon. Sana ngayong magga-graduate na tayo sa high school. Kahit papano, makilala mo ako sa paraang ganito. Yun lang. Pasensya sa abala. Salamat din sa pagbabasa.
*typing* *typing* *typing*
*loading*
*sent*
Sa wakas! Buti nalang kinaya ko. Diyos ko po! Salamat po sa lakas na ipinagkaloob niyo sakin. Nakangiti at nakahingang maluwag kong sabi sa sarili.
Habang wala pa akong magawa at di makaget-over sa pag-amin ko ng wala sa oras. Tinitigan ko lang yung screen.
Nagulat ako nang.
*Xander is typing…*
Nawala? Pero bakit walang laman yung lower part nung messenger ko? Antay lang.
*Xander is typing…*
Nawala ulit? Tapos…
*√ Seen*
END
A/N:
Sana nagustuhan niyo! :)
Please VOTE, COMMENT and BE A FAN if you’d love to. :)
Salamat ng marami sa iginugol niyong oras para basahin ito.
-AiMingRen ♥
YOU ARE READING
Seenzoned (One Shot)
Teen FictionIto ay nagawa dahil sa ako'y maraming beses nang nakaranas ng ganito. Ngunit sa kabutihang palad ay hindi naman sa sitwasyong tulad nito. -AiMingRen ♥