Chapter 2

42.9K 1.2K 51
                                    


"Really? Then magpabili ka sa kanya ng Iphone! I'm sure bibilhan ka niya agad."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang mga bulung-bulungan sa bakanteng classroom. Hindi ko na sana papansinin at magpapatuloy na, nang marinig ang pamilyar na boses.

"Yeah, sure. Mag-papaawa ako mamaya. Alam niyo namang uto-uto iyong si Hatey." Kinabahan ako at pilit na inisip na kaboses niya lamang iyon. Dahan-dahan akong nag-lakad at patagong sumilip sa bintana.

Lumapat ang kamay ko sa bibig upang pigilan ang mga hikbi na kumawala sa bibig ko. I feel so betrayed. Ang nag-iisa kong kaibigan. Ang inakala kong taong minamahal at tinuturing akong kaibigan ay ginagamit lang ako.

She's Trisha Reynes. She came from a poor family, scholar lamang siya dito sa paaralan na pinapasukan ko. Nagulat ako, first day of class as a grade nine student ay nilapitan niya ako.

"Ikaw lang kasi yung mukhang mabait. Alam mo naman, transferee lang ako," nahihiyang saad niya.

And since that day ay pinahalagahan ko na siya since she's my first friend in school. Marinig pa lamang kasi ang Aragon na apelyido, they will get intimidated. Our family is known not only in Philippines but also in the whole Asia. We own hotels and restaurant. But instead na hahangaan nila ako, katulad kila Mom, Dad, Ate and Kuya it's not.

They have known me as an orphan, since wala namang pinakilala sila Mommy na pang-apat na anak. I also have a different color of eyes. I have heterochromia. Magkaiba ang kulay ng akinh mga mata. The right one is brown while the other is blue. Parang pinandidirihan nila ako nang dahil do'n. Kaya naman wala talagang nagtangkang lumapit sa akin.

I loved Trisha so much like a sister. I gave everything na makakaya ko. Ako ang nagbabayad kapag may expenses, her meals at kapag may gusto siya. I spoiled her so much dahil sa takot na mawala siya sa akin. She's the first person who valued and loved me. Binibili ko ang kahit ano na hindi ko na tungkulin. Mayro'n naman kasi akong sailing credit card na hinuhulugan nila Mommy. But I'm also doing a part time job as a call center agent sa maliit na kompanya at gumagamit ng ibang birth certificate. Pinepeke ko ang lahat para lang maka-trabaho. Matangkad rin naman kasi ako para sa edad ko and I just need to add accessories and make up ay mas mature na ako.

Until that day na nalaman kong ginagamit niya lang ako para sa mga luho niya. Kaya pala pabili siya nang pabili nang branded clothes and shoes na mas maganda pa sa meron ako. Isinasawalang bahala ko na lang iyon, because I thought na sabik lang siya maranasan ang mga ito. Pero mas masakit malaman na peke lang pala ang lahat. It's just for the sake of luxury kaya lumalapit siya sa akin.

"H-hatey..." Bulong nang kasama niya at namumutlang tumingin sa akin. Sumunod ang iba pati na rin si Trisha na naubusan ng kulay ang mukha.

Mabuti na lang at napalis ko na ang mga luha ko. Naglakad ako sa may pinto nang classroom na sila lang ang laman saka binuksan iyon at bahagyang pumasok.

"So, that's it? Para lang pala sa mga luho ang paglapit sa akin?" Saad ko saka malamig na tinitigan ang mata niya. She once said na masarap titigan ang mata ko dahil napaka-lambot at bait tignan nito. Pero nasabi rin niya noon na nakakatakot tignan ang mga mata ko kapag walang emosyon kaya gano'n na lang ang pag-iwas niya pati ng mga kasama niya sa titig ko.

"Don't worry, you're not a big loss." Dagdag ko na walang emosyon saka tumalikod at hinayaang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

And what I've said is not true, dahil malaki siyang kawalan. I treated her as my sister. Not by blood but by heart. But everything is fake. She's a gold digger. Hindi ako mag-papakatanga at hahayaang gamitin lang niya ako. Sabik ako sa pagmamahal at minsan ko iyon na naramdaman kay Trisha, pero pagod na akong masaktan kaya hindi ako papayag na tuluyan pa niya akong gamitin.

Several weeks passed, Trisha was kicked out dahil sa tangkang pagnakaw niya sa mamahaling iPad nang teacher namin. At sunod sunod na naglutangan ang mga biktima nang mga nawalan nang gadgets at napatunayang siya ang may sala. She was jailed that time. Kahit menor siya ay nagawan nang paraan para ipakulong siya. I don't know how, but I think power and money. Mayayaman ang binangga niya.

Mahalaga siya sa akin kahit sinaktan niya ako kaya tinubos ko siya. I look at her emotionless kahit sa loob-looban ko ay naaawa at nasasaktan ako para sa kanya. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko matapos niyang makalaya.

"I'm sorry, Hatey. Para sa lahat. I don't deserve your help dahil sinaktan kita, niloko at ginamit kita. But you're really an angel. You deserve to be loved. Deserve mo ang lahat ng meron ka. Tanga ang lahat ng hindi nag-papahalaga sa iyo and I am one of them. I'm so sorry, Faye," aniya saka umiyak sa may tuhod ko. Pinalis ko ang luha saka pinatayo siya.

"Start again with your mother. I may not forget what you've done but I already forgave you. Take care and goodbye, Trisha," saad ko saka nilagay sa kamay niya ang sobre na may laman na pera para makatulong sa kanila ng kanyang ina. Narinig ko ang pag-hagulgol niya, diretso akong umalis at hindi na muling nilingon siya.

This is life. May mga darating sa buhay mo. But they are not mean to stay but they will teach you a lesson. Lesson that you can use and will make you stronger. Trisha hurt me so much, but our memories will remain and she will always have space in my heart. As a great sister of mine.

*****

Supladdict<3

The Unwanted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon