Defy

94 8 2
                                    

Paano kung ikaw pla mismo ang nasa binabasa mong kwento? paano kung sa bawat tanong mo sa kanya kung sino ang mahal nya ay ikaw pla ang tinutukoy nya? Anong Gagawin mo kung may isang taong handa kang ipaglaban, handang gawin ang lahat para sayo? Maniniwala kaba sa kanya? o hahayaan mo nalang na lumipas ang mga araw na nasasaktan sya at umiiyak para sayo. yan ang mga tanong na gustong gusto kong itanong sa babaeng minamahal ko, Ako si Arkin D.L Aban at ito ang kwento ng buhay ko kung saan nagmahal ako ng isang taong walang pakielam sa damdamin ko at walang pakielam sa nararamdaman ko.

Simulan natin ang istorya sa part ng 4rt year highschool life ko, kung saan bagong lipat ako ng probinsya ng Tita Mabis ko. Wala na kasing pampaaral sa akin ang mga parents ko at Thank God na tinanggap niya ako. Isa akong pilyong estudyante at wala talagang hilig sa pag-aaral, ngunit nabago itong lahat dahil sa isang pangyayari.....

First day ng school, inutusan kme ng adviser namin na magpakilala sa harapan ng klase, natapat nman na ako ang kauna-unahan sa listahan na naka alhabetical order kaya ako ang buena manong nagpakilala. Dahil sa kaba at hiya, napiyok ako habang binabanggit ang pangalan ko. Nagtawanan ang lahat ng nasa classroom na iyon, nangingibabaw sa lahat ng tawa ang tawa ng isang babae. Tinitigan kong mabuti ang mukha ng babaeng iyon. Iiling-iling akong bumalik sa upuan ko. First time ko lang na napahiya ng ganun sa talambuhay ko "Taenayan!" (Bulong ko habang sinusuntok suntok ang desk ng upuan ko. Nagpatuloy ang pagpapakilala, hanggang sa ang nagpakilala na yung babaeng wagas kung makatawa. Siya ay si Carla Risa Jane S. Manahan. Tumatak sa isipan ko ang pangalan nya at ang mukha nya, Hindi dahil sa maganda siya pero may naramdaman akong kakaiba lalo na kapag tinititigan ko siya.

Si Carla ay masungit, maarte at mukhang matapobre sa unang tingin. Palibhasa anak mayaman marahil nasusunod lahat ng layaw niya sa katawan. In short, Ayaw ko skanya, ayaw ko ang ugali niya, ayaw ko ang personalidad niya. Lahat ng mga naging ex-girlfriend ko kabaligtaran nya kaya nman, nasabi ko sa sarili ko na malabong mainlove ako sa babaeng yan.

As the day pass by, habang hindi ko namamalayan ang oras at panahon, ay parang may pwersang nagtutulak sakin upang mahulog sa isang bangin na hindi ko alam kung may sasalo ba sakin. Ang bangin ng pagmamahal sa babaeng hindi ko inaakalang magugustuhan ko. Ang bangin ni Carla, at hindi ko alam kung anong sasapitin ko sa nangyayari sa akin. Unting unting lumalambot ang puso ko sa  mga ngiti nya, bawat titig nya, tumutunaw sa damdamin kong parang yelo na ang lamig at sa bawat pagsulyap nya sa akin ay halos hindi ko na alam ang gagawen ko sa sobranf kabang nadarama ko. sa madaling sabi tinamaan nya talaga ako carla.

  Hiningi ko ang Cellphone number nya, Itinext ko siya kahit na medyo nagaalanganin ako. Nagreply nman agad siya at doon nagsimula ang mas lalo pang pag kakakilala ko kay Carla. Hindi pla sya maarte, masungit, at matapobre. Tama ngang kalog cya  kumilos pero napakabait nya. Hindi mo mababakas sa kanya ang pagiging anak mayaman. At iyon ang mas lalo pang nagpalawig  sa pagtingin ko kay Carla. Sa araw-arawna nakakatext ko sya ay hindi ko mapigiling makwento  kanya about doon sa Crush ko "Sino ba kasi yon? sabihinmo sa sken, Secret lang natin, lagi nyang kinukulit nya ako kse hindi ko maamin sa kanya na sya ung tinutukoy kong babaeng minamahal ko. 

Isang mahangin na tanghali, tuwang tuwa ang lahat matpos mafdissmiss ng maaga ang teacher namin. On my way na ko papuntang bahay ng sigawan ako ni Carla."oy samahan mo nga ako", sigaw nya. Saan? (tanong ko), "Basta", sabad nya sabay hila sa kamay ko papunta sa terminal ng tricycle. Wala na akong nagawa kundi sumama, kung sa bagay ito din nman ang gusto kong mangyari eh, ang magkalapit pa kmi ni Carla. Papunta kami ng bayan at doon ay kumain kami. Nagduyan sa parke, kumain ng Ice cream sa may bangketa at kumanta sa isang videoke bar. Masaya kaming nagkwentuhan habang naglalakas pauwi sa ilalim ng maningning na bituin at malamig  na simoy ng hangin. Sobrang saya ko noong mga sandaling iyon. Pakiramdam ko gusto ko ng wag ng matapos yung mga sandaling iyon. Hanggang sa hindi ko nmalayang malapit na pla yung bahay nila. Hinatid ko siya, nagthank you ako at nagthank you din sya, sabay pumasok na siya sa bahay nila. Abot langit ang ngiti ko habang naglalakad pauwi, hanggang sa pagtulog ko baon ko pa din yung mga ngiting yon. Bago ko tuluyang isara ang mga mata ko, naisipan kong bahasin muna ang mga old text message nya sa C.P ko. Bigla nalang pumasok sa isip ko na, "paano ko kaya sasabihin sa kanya na mahal na mahal ko na siya, na saya yung babaeng kinukwento ko sakanya, "hanggang sa hindi ko namalayang unti-unti na pla akong nakakatulog sa pag-iisip ko sa mga bagay na may kinalaman sa pag-amin ko kay carla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DefyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon