In The Beginning

9 0 0
                                    


Saan ka man lugar mag punta ay siguradong may makikita kang tao na hindi mo kakilala . Ano nga ba sila sa buhay mo? Dapat mo pa ba silang kilalanin ? Dapat mo pa ba silang pansinin ?Dapat mo ba silang alagaan?Dapat kabang maging mabuti sa kanila? Alam natin na mahalaga sila pero ang halagang alam natin ay natural na bagay lamang ,Maaring sinabi ng teacher mo , Proffessor , Nanay at Tatay mo o kung sino pa man na pwedeng makapagsabi sayo.

Maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko kapag naalala ko ang paniniwala ko nung bata pa ako. Di ko na matandaan kung san ko ba natutunan pero sigurado ako walang nagturo , d ko din mapatunayan na sarili ko bang imahinasyon iyon . Nasa tamang edad na ko ngayon para malaman ang katotohanan , at kung ano ang dapat ang paniwalaan . Hindi pa din maalis sa isip ko yung paniniwalang iyon , sa katotohanan ay nagagamit ko din ito para maging mabuti sa kapwa , kapag naiisip ko ito madali sakin ang maging panatag ang loob kahit hindi ko pa masyadong kilala ang tao , o kaya minsan naman masyado ko ng minamahal ang mga taong malalapit sa akin . Inaasahan ko na marami ang hindi sasang ayon kapag nalaman na nila kung ano nga ba ang nasa utak ko , pero hindi din ako nakakasiguro na ang paniniwala ko pala na akala ko ay imahinasyon ay napag aralan na din ng iba, kulang pa ko sa mga impormasyon tungkol sa mga bagay bagay , halos lahat na ata ng bagay sa panahon ngayon ay may mga impormasyon na o napag aralan na .

Balik tayo sa mundo na pag kakaalam ko , sa pamamagitan ng pag gawa ng isang nobela, pabula , maikling kwento , komiks o kung anu man ang gusto mong itawag dito ibabahagi ko ang lahat ng katotohanan na pag kakaalam ko nung bata pa ako magmula sa ngayon , dahil isa pa lamang akong estudyante sa kolehiyo mas pinili ko na tungkol ang kwento sa pagsasamahan ng mag kakamag aral . Tatakbo ang kwento kung ano ang pag uugali ng isat isa , pano ito nakikisalamuha , saan ito pumapanig at higit sa lahat ano ang relasyon nila bukod sa mag kakamag aral .

Maging mabuting tao , magpatawad sa taong nagkakasala , magmahalan , magkaintindihan , mag kaunawaan , magturingan na parang mag kapatid , tulungan ang bawat isa upang mag tagumpay imbis hilain ito pababa , mag pa kumbaba at sundin ang mabuting katangian ng nilalang na sinabi sa Bibliya , propeta , mga banal na aklat , at mga taong matatalino noong panahon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untold philosophyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon