Chapter 24

1.4K 12 13
                                    

Medyo mapapabilis ang events dito sa chapter na 'to. Ayaw ko ng ilagay yung unimportant details ee. Haha. Ayun, read na lang and enjoy!

***

Elaine

"Elaine, gaano kalakas ang boses mo kapag nasigaw?" tanong ni Cloud out of nowhere. Nandito na kami sa isang fastfood chain, itago natin sa pangalang McDonalds. ^_______^Y

"Ha? Bakit mo naman naitanong? Ewan ko."

"Sigaw ka nga, gusto ko marinig."

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya, "Okay ka lang? Ang dami kayang tao? Tsaka di mo ako mapapasigaw noh."

"Talaga?" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko, yung tipong may pinaplano. Ano nanaman kayang gagawin nito? HIndi ko na lang siya pinansin, gutom ako noh, uunahin ko na muna yung nang-aakit kong burger. 

"YUUUUUUUUUCCCCCCCCCCK!!!!" sigaw ko.

He sort of reminds me of Dylan. Pareho sila ng ugali, ang hilig mamunas ng ketchup sa mukha. Pinagtitinginan na kami ng lahat ng tao, may ibang natatawa, may iba naman na naiirita.

"Ang lakas pala ng boses mo ee! Haha, ang galing noh, napasigaw kita?" hinampas ko siya ng mahina at pinahiran din siya ng ketchup sa mukha niya. Napangiti siya, sa ngiti niyang yun... naalala ko nanaman si Dylan. Ugh, I miss him so much. TT^TT

"Hey, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Cloud. Nakahawak siya sa arm ko, natulala ba ako? Masyado nanaman ata akong nagdradrama.

"H-ha? A-ah, may naalala lang ako. Kain na tayo, then let's go home." sabi ko at natahimik na din naman siya, ang tagal matapos ng 1 month, I want to see Dylan na. >______<

***

Another week had passed, si Cloud at si Cloud lang ang nakakasama ko. Ayaw na ata sa akin ng mga kaibigan ko ee. Nang-iiwan na lang sila. No choice but to stay with Cloud, mabait naman siya ee. Mas makulit nga lang kesa sa mga kaibigan ko.

"Elaine, Elaine, patingin ng ID mo." sabi ni Cloud habang naglalakad kami papunta sa pool area. Inabot ko naman sa kanya yung ID ko habang nakatingin sa kanya. Ano nanamang gusto nito? Nacucurious ako sa bawat galaw niya. Parang laging may pinaplano ee.

"Hmm.... may kulang sa pangalan mo oh!" sabi niya habang nakatitig sa ID ko. Kulang? Hinablot ko ito at chineck ang name ko. Elaine Sanchez, tama naman ha?

"Anong kulang pinagsasabi mo dyan, tama kaya!"

"Hindi, may kulang nga! Itanong mo kung ano!"

"Ano?"

"Apilyedo ko." sabi niya at ngumiti ng wagas. Napangiti din ako sa sinabi niya, babanat lang pala, yung bulok pa yung naisip! Haha.

"Ang corny mo ha!" sabi ko at tinulak siya palayo, ang lapit niya kasi sa akin, naaamoy ko na yung pabango niya >///////<

"Haha, di bale ng corny, gwapo pa rin naman!" 

"Kapal ng mukha, hahaha! Tara na nga sa pool, daming satsat ee!" sabi ko habang tumatawa.

Pagdating sa pool, may nakita akong silhouette ng dalawang tao, di ko sila narecognize agad dahil hinila ako ni Cloud kaya nakaharap na kami sa isa't isa ngayon. Parang magkayakap, pero siya lang yung nakahawak sa akin.

"C-Cloud?"

"Sshh." seryoso ang mukha niya, ano nanaman kayang nangyayari?

After IDK minutes, nagletgo na din siya. Ang tagal din na 'hug' yun, feeling ko nga nag-iinit yung mukha ko sa pamumula. Ano ba 'tong nararamdaman ko?! >//////<

"Wag na tayo dito, library na lang?" sabi niya at hinila na ako, hindi niya man lang hinintay yung sagot ko. Lilingon pa sana ako pero inikot niya yung ulo ko para hindi makalingon. Sino ba kasi yung mga taong yun?! Bakit ayaw niyang makita ko?

"Oh, Cloud at Elaine, andito lang pala kayo! Tara na dun sa classroom, we need to set up something ee." sabi nung isang schoolmate namin na hindi ko kilala. Hindi pa nga kami nakakarating ng library ee! May gusto pa naman akong hiramin na libro >3<

"Ganun? Tara." sabi ko at pumunta na kaming tatlo sa classroom. Lahat ng 1st year sa Architecture nandun sa room, may meeting ata. Para saan? Eeh?

"Ayan, complete na tayo diba? Okay, so here it goes. Alam niyo naman na next week na ang start ng Festival Week diba? We need to think of something na bebenta sa lahat ng tao. So, any ideas of what booth we should do?" sabi nung babae sa gitna.

"How about Horror House? I know it's not related to our course, but we can design the haunted house right?" sabi nung isang girl sa harap.

"Oo nga, yun na lang!" pag-agree ng isa, dahil ang tamad naming mag-isip ng ideas, edi ayun na lang! Haha, madali lang naman yun ee. Kayang kaya ;)

Nilista na nila yung bibilhin na mga gamit para sa props. Naexcite ako bigla, gusto kong maging mumu! Haha. ^_______^

***

"Unfair naman ee! Bakit hindi ako ginawang mumu?!" pagrereklamo ko habang gumagawa ng design para sa labas ng horror booth.

"Ganda mo daw kasi." singit naman ni Cloud, ngumiti siya, binato ko lang siya ng eraser at pinagpatuloy yung ginagawa ko. Gusto ko talagang manakot ee! Para may mapagtatawanan ako pagkatapos ng Festival Week. ^______^

"Tulungan na lang kita dyan, tignan mo nga yang design mo. Ang corny! Bats? Hindi naman nakakatakot yan ee! Ganito dapat." sabi niya at hinablot yung ginagawa ko. Wala kasi akong maisip na idea para sa design ng booth na yan.

After 10 minutes, natapos na din siya, ang galing niya talagang magdrawing, natalo niya yung pepechuge kong paniki TT^TT

"O diba? Yan ang drawing, doodle lang yun sayo ee!" sabi niya at tumawa ng malakas. Tss, makapang-asar ee. Edi siya na magaling magdrawing!

Pagkatapos naming masubmit yung design, pinaalis na kami. Ayos lang daw kahit hindi na kami tumulong sa paggawa nung mismong booth, malaking tulong na daw yung design ee!

Kaya eto, tambay nanaman kami ni Cloud, nasa may park malapit sa bahay ko. Hehe. Nakasakay kami sa swings dito sa park, ine-enjoy ang peaceful moment. Haha.

"Elaine..." narinig kong sinambit ni Cloud, napatingin naman ako sa kanya at nakatitig lang siya sa akin. Seryoso ang mukha at mukhang may sasabihin ding seryoso. Kinakabahan naman ako ee.

"A-Ano yun?" tanong ko tapos umiwas ng tingin, natutunaw kasi ako sa kinauupuan ko.

"Can I trust you?"

"Oo naman, bakit? May problema ka?"

"Oo ee... There's this girl kasi.... she's taken.. but I think I liked her from the very first time I saw her. Iba yung pakiramdam... Gusto ko ng magtapat, kaso... she might avoid me." sabi niya habang nakayuko. Wow, namromroblema din pala si Cloud, wala sa itsura ee! ^______^

"Ha? Nice one, umiibig ang dakilang si Cloud! Haha, anyway, try to talk to her personally, baka sakaling maintindihan niya? Teka, sino ba yung girl? Kilala ko ba?"

"H-ha? Hindi mo kilala... Ay, uwi na nga tayo, pagabi na oh, salamat sa advice." sabi niya at ngumiti ng pilit.

***

Jodie's Note:

May nagawa na ako ng matinong plot para sa storyang ito. May naisip na din akong ending. Mwahahaha, wag niyo lang sana akong patayin at sugurin sa mga susunod na chapters. Haaa? Baka di ko masatisfy ang expectations niyo. Mwahahaha.

Ayun lang naman, salamat ng madami! ^O^

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon