Kiann's P. O. V
" Really? Lokohin at saktan? Or this is all about you? Huh? Ayaw mong ipakausap ako kay Xandy dahil ayaw mong marealize nya na ako pa rin ang mahal niya at iwan ka na lang. Am I right Kiann? You're afraid to lose her. Actually you don't have any right para pigilan si Xandy makipag usap sakin ee, cause in the first place she's not your girlfriend. You're just a friend!"
Hindi ko maiwasang hindi maisip yung sinabi ni Axel. Threatened nga ba talaga ko sa kanya?
Mahirap mang aminin pero sa tingin ko....OO! Natatakot akong sa kanya ulit ibaling ni Aeries ang atensyon nya. Ramdan ko unti unti ng nawawala yung nararamdaman nya para sa gunggong na yun.
Hindi na ko papayag na makuha siya ulit ni Axel. Accused me for being selfish but this is all I wanna do. Ang ako naman ang mahalin ni Aeries. Looking at her now smiling makes my heart jump. Yung pag aasikaso nya sakin araw araw may basketball game or practice man kami makes me really happy. Just like now, katatapos lang namin sa practice at nandito kaming lahat sa hide out kasama si Aeries and friends. I saw her organizing my things at my bag. Pinipigilan ko siya but she insisted.
" Hey sweetie! Tigilan mo na nga yan, baka mamaya kung ano pang makita mo jan. "
" Bakit? May makikita ba ko ditong unusual? "- replied by Aeries with her brow arched.
" Baka daw kasi makakita ka jan ng condom! Hahaha! " Sabat ni Erick bago siya lumagok ng beer.
Tawanan naman ang lahat. Then I saw Aerie's face with unexplainable expression.
" Yuck! "- Aeries
" Sira ulo ka talaga Erick! (I went to Aeries to get my bag) baka mamaya maniwala tong Sweetie pie ko ee! (sabay akbay)"
" Sweetie pie your face! (tinanggal nya yung kamay kong nakaakbay sa balikat nya.) you're so kadiri! Baka mamaya nyan may sakit ka ng nakakahawa! " Tumayo si Aeries at pumunta sa pwesto nila Gladys. Tatamaan talga sakin tong Erick na to eh! Kung ano ano sinasabi.
" Igagaya mo pa sayo si Kiann! Aeries wag kang maniwala dyan kay Erick...... Palibhasa gawain nya magdala ng condom at gamitin sa mga babae nya! " That was Gladys na nakahalukipkip pa habang nakatingin kay Erick.
" Excuse me! Hindi ako gumagamit ng condom! Walang thrill! Hahaha! "
" kadiri ka! For sure may sakit ka na sa dami ng mga babae mo! "- Gladys
But what Erick replied shocked us the most.
" Kung talagang madami kong mga babae eh di sana may sakit ka na rin! Hirap sayo eh paniwalain! Tss... " Erick threw his billiards stick to nowhere then walked out pissed.
All of us looked at Gladys and as expected she's near to crying. Wendy tapped her shoulder pero bigla na rin siyang tumakbo palabas. Hindi ko alam kung susundan niya si Erick o lalayo lang pansamantala para mapag isa.
Aeries looked at me asking. Lumapit ako sa kanya para sagutin ang tanong niya.
" Don't mind them. May pinagdadaanan lang yung dalawa. "
" Sila ba? Or naging sila ba? "
" Akala ko ba kaibigan mo si Gladys? Bakit hindi mo alam?
Humarap siya sakin tsaka nilagay ang isang kamay sa tenga ko para pingutin.
" Kiann Jasper Dominguez..... Kinakausap kita ng matino kaya sagutin mo ko ng matino! "
Masakit talaga mamingot tong babaeng to! Kinuha ko nga yung kamay nyang pinamimingot sakin sabay sa isa pa nyang kamay. Humarap din ako sa kanya and I leaned closer to her. Tsaka ako bumanat.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...