(TDG FanFiction Entry) Sacrifice

2K 27 11
                                    

"Best friend ko siya eh." Yan lang yung naisip ko kung bakit hindi ko siya kayang makita ng nagpapakatanga sa isang lalaking wala namang ginawa kundi saktan siya. Kung tutuusin, ginusto naman ni Jersey to eh, kung hindi niya sinagot si Paul edi hindi sana nagkandaleche-leche yung plano ko.

Nakikiride man ako sa KevJe duo nila Amae minsan natutuwa din ako na may ganung trip yung barkada, although hindi naman ako originally part ng grupo nila, pakiramdam ko matagal ko na silang kilala.

"Keviiiiin!!! Kamusta ka na?" salubong sakin ni Jersey nung magkita kami sa English 4, hindi na kasi super classmates eh, nayamot ata sa mga pang-aasar ko kaya ayun, gumawa ng sariling schedule.

"Oy, devil woman. Ganda ata ng gising natin ah?" pang-asar ko naman sa kanya.

"Naku, ikaw talaga! Ang aga-aga binubwisit mo ako. Dyan ka na nga." naglakad siya papunta sa upuan niya, sumunod na lang ako sa kanya dahil alphabetical ang seating arragement at malas niya lang at swerte ko lang dahil magkasunod lang kami.

Chances are you’re seated beside the person you're gonna spend your life with. Yan yung nakasulat sa blackboard kaya napatingin ako kay Jersey at napailing. Nakakatawa lang isipin, paano kung maging kami nga ni Jersey? May mga magbabago ba? Aminado naman akong may gusto ako kay Jersey pero hindi ko pa alam kung sapat na ba yun para sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.

-----------------------------

I'm working up the courage to tell her how I feel. Matagal ko nang gustong umamin kay Jersey kaso parang laging wala sa tyempo. Dumating si Paul ulit, dumating kuya ni Jersey, may alumni homecoming activity na inayos si Paul at Jersey, kailangan magpanggap ni Jersey at Paul na sila ulit para sa kuya niya na sobrang hindi ko matanggap! Eto na kasi yun eh! Etong eto na! Aamin na nga ako diba?! Tapos eepal tong si Paul at sisirain lahat ng plano ko.

"Kevin." tawag sa'kin ni Keith.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo?" sagot ko sa kanya.

"Kamusta na kayo ni Jersey? Nasabi mo na ba?" usisa niya.

"Sus, pano ko pa ba masasabi sa kanya eh, parang linta naman kung makadikit ngayon yun kay Paul." nainis ako bigla.

"Alam mo 'dre, ang drama mo pala. Hindi pala maiinlove kay Jersey ah." tawa naman ni Jerro.

"I knew it from the start. Nung nakita ko kung paano mo kausapin si Jersey nung Lakan-Lakambini contest niyo nung naglalambutsingan sila Krissy at Paul. Ang yelo pagnatunaw, pwedeng maging yelo ulit. Yun yung sabi mo sa kanya diba?" dagdag pa ni Paolo.

Hindi ko alam kung ano gustong iparating nitong mga ungas na to eh, ako na nga yung namomoblema nakuha pang mang-asar.

"Ewan sa inyo. Kasi naman okay na nga kami ni Jersey bigla pang eeksena si Paul. Naiinis talaga ako pagnakikita ko silang magkasama." sagot ko sa kanila.

"Bro, maghintay ka lang. Basta andyan ka lang sa tabi ni Jersey sigurado namang hindi ka niya ieetchapwera. Kaibigan ka rin naman niya eh. Partners pa nga kayo diba?" sabi ni Jerro.

"Wag ka mag-alala. Di hamak na mas gusto kita kay Paul. Kahit pa naging kaibigan namin si Paul, may iba talaga sa inyo ni Jersey eh." sabi pa ni Paolo.

------------------

Hindi ko alam kung motivation ba yung sinabi nila Paolo sa'kin eh, pagdating ko sa class nakita ko hinatid ni Paul si Jersey. Yamot na yamot na talaga ako sa mokong na yun.Napapikit na lang ako at napaiiling. Naalala ko tuloy yung sinabi ko kay Jersey dati, parang binubuhusan ng alcohol yung sugat mo kaya ka napapapikit.

Pumasok ako sa classroom at umupo. Umupo si Jersey sa tabi ko at hindi ako pinansin. Hindi ko rin siya pinansin.

"Eto nanaman tayo sa silent treatment natin sa isa't isa. Ano nanaman bang problema mo?" tanong ko. Pihadong maiinis nanaman sa'kin tong si Jersey.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(TDG FanFiction Entry) SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon