♕TGQ#ThirtyNine ‐ The Truth

3.2K 61 3
                                    

♕TGQ#ThirtyNine ‐ The Truth

A/N: Malapit na talaga tayo sa Ending :( hays! Ang bilis ng panahon e :3 konting push at kembot nalang talaga tayo :( mamimiss ko kayo talaga kayong lahat :( lalo na sa nag-iisang Klyd ko *blushing* wusshing, paktay tayo kay Qylie ^^V hahahaha.

Yun lang. :) dami konang drama.

**

Jiyong POV

Splash....

Agad akong nagising nung may magbuhos sa akin ng tubig. Putek! Hindi ko gaano mabuksan ang mga mata ko dahil sa sobrang silaw ng ilaw na tumatama sa mata ko.

" Tsk. Akala ko pa naman habam-buhay ka nang matutulog dyan. Sayang naman ang gagawin kong sorpresa sa isang pinakaimportanteng tao sa buhay mo " dinig kong sabi ng isang babae. Ang huli ko lang maalala ay iyong may pumalo sa akin ng baseball bat hanggang sa lamunin na ako ng dilim.

" Nahampas ka lang naging pipi ka na " usal nya na may halong pang-uuyam nito sa akin at hinawakan ang panga ko.

Alexisse!

Napangisi naman sya sa akin bago balibag na binitawan ang aking panga, napaling ang aking ulo sa kabilang dako nito. Nagngingit ang aking mga panga at pilig na kinalampag ang mga kadenang nakabalot sa katawan ko.

" My, my, Jin. Sasaktan mo lang ang sarili mo nyan " galit akong bumaling sa kanya pero iba ang nakita ko.

Lolo!

Tinignan naman nya ang gawi na tinignan ko.

Napangisi naman syang tumingin sa akin, " Nagustuhan mo ba? "

" Napaka-hayop mo! " sigaw at puno nang galit kong sabi sa kanya pero ngumiti lamang sya bago inutusan ang lalakeng nasa tabi kaya nakatanggap ako ng suntok sa aking tyan dahilan para mapaubo ako ng dugo.

" Better careful in every word you drop, you will not like it the consequences " sabi ng huli sa akin, di parin ako tumitigil sa pag-ubo. Tumawa lamang ito na parang tuwang-tuwa sa mga nangyari.

" I never such imagine na madali lang pala kayong talunin " saad nya na may pang-uuyam nitong sabi bago umupo sa monoblock chair sa akin harapan at humithit ng sigarilyo.

" Nakakatuwa dahil mapapasakamay na rin namin ang lahat na inaasam namin " sabi nito bago ako bugahan ng usok mula sa kanyang bibig.

" Malabong mangyari yon dahil nakuha nyo man ang pirma ni Lolo, hindi nyo naman makukuha ang pirma ng kapatid ko " nakangising kong saad dito. Nakita ko naman kung paano nag-iba ang kanyang ekspresyon sa aking sinabi ngunit mabilis naman itong magbago at ningitian nya ako ng isang matamis na ngiti.

**

Qylie POV

'WE HAVE YOUR GRANDFATHER AND YOUR BROTHER. GO TO BLACK SUEDE TOWER! DON'T BRING ANYONE WITH YOU IF YOU DON'T WANT THEM BOTH DEAD'

After kong mabasa ang nasa Fax, ay agad akong umalis. Naghalo-halo ang nararamdaman ko ngayon, walang mapasidlan aking galit at paghihigante. Naging blangko aking utak, pinaharurut ko ang aking sasakyan papunta sa aking hide-out. Padabog kong binagsak ang pinto ng aking sasakyan.

Tinungo ko ang isang kwartong kung saan nakalagay ang napakadaming Ammos, bomb at iba pa.

Kinuha ko, ang isang malaking bag kung saan pwde kong ilagay ang napakadaming baril.
Nagpalit na rin ako ng damit, nagsuot ako ng fitted pants at naglagay ako ng holster sa aking balakang, dinala ko ang aking favorite na Caliber 45. Sympre nagdala narin ako ng madaming Ammos, bago ko puntahan ang pakay ko, tinungo ko na muna ang rest house nila Kin, at sinira ang Password para kung sakaling iaaccess nila ay madedeny.

♕The Gangster Queen♕ [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon