CHAPTER 1
"Whaat!!?" sigaw ko sa bestfriend kong si Kristine. Paano ba naman kase ginising niya ako from my dream wonderland just to inform me na dumating na daw yung damuho kong ex from US.
"Oo nga. Ulit-ulit tayo? They just arrived last night."
"They?" Ulit ko.
"Yes Mia, they. Meaning di siya nag-iisa dahil may kasama siya. Okay? He's with Jenelle his girlfriend." Kristine said with matching irap pa.
"Oh! I see. So makikita ko na pala yung bago niyang girlfriend ngayon. Maganda ba?"
"Duh! Ofcourse maganda yun laking US kaya, for sure maputi pa sa harina yung balat nun, yung tipong kita na yung ugat sa sobrang puti!"
"Kung makapag judge ka parang nakita mo na ah. Ay teka! Bakit alam mo yung name ng girlfriend ni Daniel ha? Stalker ka na ba ngayon? Tsaka malay mo naman maganda talaga kaya pinagpalit niya ko."
"Hay nako! Here you go again. Pwede ba Mia don't be too affected by him, sinasabi ko lang sayo na nadito na siya para ready ka anytime. Baka kase mamaya makita mo siya bigla at matulala ka na lang, nakakahiya ka pag ganun girl. Kaya be ready, okay? And isa pa, di ako stalker. Remember kapitbahay ko lang si Daniel at syempre updated naman ako kahit papaano dahil sa mga maids namin na chismosa."
"Whatever, I don't want to see him anymore. Okay na ako so why bothering about him? Tsaka isa pa wala namang reason para magkita or magusap kami. I don't have any care for him now. Mas importante pa yung chowchow kong aso kesa sakanya." Well, totoo naman yung sinabi ko, wala nakong pakialam kay Danielq we're done a year ago. Although half of me wants to see him pero di ko alam kung bakit, maybe I just want to prove to myself that I'm over him. That my feelings was gone.
"Ampalaya ka girl! But sorry to say, invited tayo sa birthday party niya sa Friday. Lahat tayong highschool friends niya. So sorry ka dahil magkikita kayo."
Shocks!
"No way. Hindi ako pupunta. Kayo nalang, I'm not interested. Tska isa pa, we're not friends, classmates lang kami.""Hahaha! Ang bitter mo nakakaloka ka. Basta pupunta tayo coz' I already said yes."
"Kristine naman e. Gusto mo ba kong mapahiya sa harap niya? Sa harap nung new girlfriend niya? Alam mo namang di ako marunong makipagplastikan so ba't pa ako pupunta sa party niya kung alam
naman namin pareho na di maganda yung break up namin." Grabe nakakafustrate tong kaibigan ko, yung totoo kaibigan ko ba siya?"Mia, we will go there just to show him that you're already moved on. Ipakita mo sakanya na di kana affected sa presence niya. In that case, makaganti kaman lang sakanya."
She's crazy! I don't know why she is my best friend. Nababaliw na talaga siya. Send help please.
"I'm not a good actor Kristine. Baka mapahiya lang ako. Alam ko sa sarili ko na naka move on nako, pero baka sa sobrang awkward ng moment na yun baka di pako makapagsalita then isipin niya na im still into him, kaya manahimik kana dyan at wala nang reason para makita at makausap ko pa siya." Sana effective yung reason ko, cross finger!
"No. Pupunta ka at kasama mo ako. Di pwede si jowa-jowaan ko dahil may practice sila ng basketball sa school, so tayong dalawa lang. Kaya bumangon kana dyan at magshoshopping tayo. Go! Faster!" Hinila pa niya talaga ko hanggang sa cr.
"Bilisan mo maligo Mia! Sa Mall na tayo kumain. Umalis nga pala mommy mo nakasalubong ko siya kanina sa may pintuan pinag-paalam na kita about sa party kaya no more reason to say no kana. I'll wait you downstair. Hurry up girl!""Bwiset ka talaga Kristine!!" Sigaw ko sakanya habang nasa cr ako. Grabe bakit ba ko pumayag sa gusto niya? Pati si mom pumayag? Eh alam ko galit siya kay Dnaielq dahil pinaiyak niya lang ako. Alam naman ni mom na dehado ako dito pero pumayag siya? Seriously? Hay! Bhala na si batman.
After 40 minutes natapos na din ako maligo at mag ayos. I'm just wearing a tattered pants and statement hanging blouse na may nakasulat na "ex's bitch" and white sneakers. Habang pababa ako sa hagdan naririnig ko si Kristine na may kausap sa phone.
"Yes babe nandito ako kina Mia. Pupunta kami ng mall para bumili ng damit para sa party sa Friday. Gusto mo sumama?" Infairness sa bruhang tong ang sweet talaga niya sa boyfriend niya. Naka-jackpot kase siya e.
"You sure?" Okay. Ingat ka din. Okay, okay fine. Bye!""Let's go?" Kristine asked nung nakita niya ko sa may hagdan.
"Yeah. Tara na."
- - - - - -
Hi! First time ko lang po magsulat ng story. Im just really inspired by ate Mia, (Scribblermia) hehe 😁
Thank you...
YOU ARE READING
Barrowed Boyfriend
FanfictionMay mga bagay na pwede mong ipahiram at hiramin, but what if hindi na bagay kun'di tao na yung ipinahiram sayo? And worst "boyfriend" pa ng bestfriend mo. Tatanggihan mo ba kahit isa itong win win scenario para makaganti ka sa ex mo? Well... Enjoy...